Althea's POV
Lumabas na kami ng souvenir shop. Hindi ko namalayan na tanghali na at hindi pa kami nakakapag-lunch. Kaya naman pumunta kami sa isang kainan dito sa Calle Crisologo. Tinigil muna ni Bock iyong kwento niya kasi nagugutom na raw siya.
Nakaorder na kami at hinihintay na lang na dumating iyong pagkain namin. Magkaharap kami sa table. Kanina pa ako naiilang sa titig niya. Sinamaan ko nga siya ng tingin.
"What?" Tanong ko.
"Bagay sayo 'yong kwentas," napalitan iyong masama kong tingin sa kanya. Biglang umimit iyong pisngi ko kaya tinakpan ko ito. "Alisin mo yan kamay mo sa mukha mo!"
Umiling ako. Siya na mismo ang nagtanggal ng kamay ko sa mukha ko at tinignan ulit ako. Huminga ako ng malalim at hindi na lang siya pinansin. Hindi na ako natutuwa sa nangyayare sakin at hindi iyon maganda. Ako na rin nagpapahamak sa sarili ko, e. I have to stop this butterfly flying inside me. I have to stop myself from drowning.
Or maybe, I am just confused. Iba kasi siya ngayon. Masyado lang akong nadadala sa ginagawa niya sakin. I don't know him but I knew his background. Babaero siya, magaling mambola at puro laro lang alam niya.
"Mas maganda ka kapag nakangiti at hindi nang-aaway," sabi niya sakin.
"Alam ko naman na maganda ako," sabi ko naman. Narinig ko siyang tumawa. Nilingon ko siya.
"Kakaiba ka talaga. Mahangin," inirapan ko siya. "Pero it's good to know that you're confident."
Dumating na iyong pagkain namin. Nagsimula na kaming kumain. Sa pagkain ko lang ako nakatutok at hindi ko siya pinansin.
"Hey, slow down!" Napatigil ako sa pagkain nang sabihin iyong ni Bock. Nakatingin siya sakin. Hindi ko makapagsalita kasi puno iyong bibig ko.
Ako ba iyong tinutukoy niya? Kumakain lang naman ako ng maayos dito. Kumuha ako ng tubig at ininom iyon.
"Tinutukoy mo?" Taka kong tanong.
"You! Para kang mauubusan ng pagkain," turo niya sakin. Napakurap naman ako ng ilan beses sa kanya. "Itutuloy ko naman iyong kwento ko mamaya, e."
Napatango na lang ako sa kanya at nagsimula ulit kumain. Dahan-dahan na katulad ng sabi niya. Hindi ko na namalayan na napawild iyong kain ko kanina. Iniisip ko lang naman na sana matapos na yong nangyayare ngayon, sana malaman ko na kabuuan ng kwento at makakuha na kami ng idea namin dito para sa report namin.
Natapos na kaming kumain at binayaran na rin ni Bock iyong inorder namin. Nagpahinga lang kami saglit. Nagpapababa ng kinain.
------
"Alam mo ba sobrang sweet nila? Mas sweet pa sa candy. Kaya lang iyong relasyon nila, patago. Walang nakaka-alam. Kung meron man, silang dalawa lang. Tuwing gabi, nagkakasama sila sa may lawa. Pinapanood nila iyong kalangitan at sinusubukan bilangin ang mga bituin. Hindi mabilang, katulad ng pagibig nila sa isa't isa. Walang sukat. Minsan naman, nagkikita sila sa simbahan. Pinagdarasal nila ang isa't isa."
Nasa Banta Watchtower kami, pinagmamasdan namin iyong Bantay Bell Tower. Gusto ko man puntahan, hindi na namin nagawa kaya rito na lang kami. Nang makakita kami ng wooden bench, umupo kami.
"Diyan mismo sa Bantay Church sila nagpupunta. Pinag-usapan nila iyong gusto nilang maging future. Actually, hindi lang sa simbahan na iyan sila pumupunta, umaabot sila sa kung saan malapit dito sa Vigan. Maswerte sila kasi hindi sila nahuhuli man lang."
Tumango-tango ako sa kwento niya. As I heard the story of Lola Anastasia, para akong bumalik sa panahon na wala pang gadget. They'd talked personally or if they were far from each other, they'd make an effort to wrote a letter then sent it to the receiver. It was a time that I want to go back in. But in the reality, it was just an story that we have heard.

BINABASA MO ANG
When We Met The Bad Boys
Teen Fictionwhen the three pretty girls meets the three bad boys. /kung cliché agad yong iniisip nyo sa istoryang ito, nagkakamali kayo. dahil mas cliché pa ito sa iniisip nyo! yuck! first story ko ito. isinulat ko ito noong 2013, ngayon ko lang ipapublish kasi...