chapter 11

6 3 0
                                    

Althea's POV

Pumunta ako sa library total maaga pa naman kaya naisipan ko na magbasa muna. Nang makapasok ako sa loob naghanap agad ako ng libro na pwede kong basahin. Siguro iyong magustuhan ng mga mata ko.

Pumunta ako sa iba't ibang shelves para maghanap pero parang tinatamad ako. Nasa dulo na ako ng isang shelf at may nakita akong isang libro. Nilapitan ko iyon at tumikli ako para abutin iyong libro pero hirap pa rin ako. Inulit ko iyon at sa huling pagkakataon ay nahawakan ko na ito. Huhugutin ko na sana pero may iba pang humawak sa librong napili ko. Hinugot niya ito pero nakipaghilahan ako. E, ako nauna rito.

"Akong nauna rito!" sabi ko sa kanya pero medyo nagulat ako kasi si Bock iyon. Ginagawa niya rito nang ganito kaaga? Tapos nasa library pa siya.

"Akong unang nakakita rito!" muli niyang hinila iyong libro pero bumawi ako. Napatingin ako sa mga labi niya. Sht! Nanlaki iyong mata ko at bumili iyong kabog ng dibdib ko nang ngumisi siya. "Bakit?"

"Huh?" napakurap ako nang nagsalita siya. Nang-iinis na naman siya sakin. Napaka-aga para manggago siya. Hindi niya ba alam na tinatamad ako at gusto ko nang katahimikan kaya ako nandito.

Bigla naman siyang humakbang paabante dahilan para mapaatras ako at pumatong ang likod ko sa shelf, sa mga libro.

"Anong ginagawa mo?" sinamaan ko siya ng tingin pero parang wala lang sa kanya iyong ginawa ko. Mas lumapit pa siya sakin. Ayon na naman iyong labi niya na pulang pula at basa. Napalunok ako dahil don. "Layuan mo ko!"

Napabitaw ako sa libro at sinubukan kong itulak siya pero hindi man lang siya gumalaw. Nasaan iyong lakas ko ngayon? Imbes na sumagot siya sa tanong ko ay bigla niyang inilapit iyong mukha niya sa mukha ko. Naaamoy ko na iyong hininga niya.

"C-Close ba gamit mong toothpaste?" wala sa sariling tanong ko.

Nakita ko na kumunot iyong noo niya. Tigilan mo na ginagawa mo please? Napapikit ako at nagdarasal na sana lumayo na siya dahil hindi ko na kaya iyong ginagawa niya.

Narinig ko siya ng tumawa kaya napamulat na ako. Malayo na iyong mukha niya sakin kaya nakahinga ako nang maluwag. Inabot niya iyong libro sakin at umalis na. Pinagmasdan ko siya na habang naghahanap ng ibang libro. Napairap ako sa naisip.

"Gago siya at babaero kaya ganyan siya,"

Pumunta ako sa long table at umupo na. Binuklat ko iyong libro at sinimulan na ang pagbabasa. Hindi ko na siya iniisip. Nagmumukha siyang sobrang gwapo dahil sa ginagawa ko. Kainis!

Nakarinig ako ng yapak at napatingin ako rito. Si Bock. Papalapit sakin. Sinamaan ko siya ng tingin na akala mo matitinag e sa kapal ng mukha niyan. Napansin ko na uupo siya sa harapan ko kaya hinanda ko iyong paa ko. Papaupo na sana siya nang sipain ko iyon nang malakas dahilan para mapaupo siya sa sahig. Hindi ko mapigilan ang matawa. Tama nga sayo!

"Ang sama mo naman! Magbabasa din naman ako, e!" naiinis na sabi niya. Tumayo siya at humarap sakin. Tinukod niya iyong braso niya sa table at tumingin sa mga mata ko. Sama ng tingin niya sakin kaya nilabanan ko iyon nang nakangisi at nakataas iyong isang kilay.

"Wala akong pake-alam," sabi ko pa sa kanya.

"Paano kung halikan kita ulit?" tanong niya. Nawala iyong ngisi ko.

"Ano? Go! Akala mo affected ako?" kunware matapang na sabi ko. Sana lang huwag niyang gawin.

Tinignan niya iyong labi ko.

"Talaga?" siya.

"O—"

Hindi ko na natuloy iyong sasabihin ko nang halikan niya ako. Hinalikan niya ako sa labi ko. Sa sobrang gulat ko nanlaki iyong mga mata ko at para akong naputulan ng hininga. Ginawa nga niya.

When We Met The Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon