chapter 10

15 3 0
                                        

Althea's POV

Iniisip ko pa rin hanggang ngayon iyong ginawa niya. Nagmumukha akong tanga at napaka-over react ko na pero kasi naman first time ko iyon at sa ganong paraan pa mangyayare. Tapos iyong klase ng paghalik niya sa noo ko e naramdaman ko iyong care at may kung anong bagay ang nasa tiyan ko.

Magkaaway lang kami pero bakit parang na-attach ako sa kanya bigla iyong bang parang gusto ko na maulit pa iyon at ayoko nang matapos—omg Althea!

Humiga ako sa kama ko. Gumulong-gulong ako.

Bakit niya kailangan gawin iyon? Pinagtitripan lang ba niya ako? Anong klaseng pang-aasar iyon? Namamanyak ba siya? Gusto nyo ba iyong ginagawa niya? Nang-iinis kasi alam niya na magiging kahinaan ko iyon? Ano?! Ano?!

Napasigaw ako sa sobrang inis. Actually halo halo na iyong nararamdaman kong emosyon. Kasi naman, bakit parang nagiging mahirap sakin at parang napakadali sa kanya?

Napahawak ako sa labi ko. Naalala ko iyong mukha niya, iyong labi niya. Sht! Mabura ka na sa utak ko. Ayoko na maalala pa!

Bigla naman bumukas iyong pintuan ko. Pumasok si Yuri at Sunny na kakarating lang ata. Umupo si Sunny sa edge ng higaan ko at dumapa naman si Yuri sa kama ko.

Napasimangot naman ako.

"Problema mo?" tanong ni Yuri.

Hindi ako sumagot. Tinakpan ko lang iyong mukha ko at sumigaw ng malakas. Mukhang nagulat sila sa ginawa ko kasi naramdaman ko iyong kilos nila.

"Anong ka-oa-yan yan, Althea? Makasigaw ka!" saway sakin Yuri.

"May nangyare ba?" tanong naman ni Sunny. Inalis niya iyong kamay ko na nakatakip sa mukha ko at tinignan ako. Ganon pa rin iyong mukha ko. Nakasimangot at kunot ang noo.

"Kasi....ano....iyong...first kiss ko....wala na! Pati sa noo! Di na siya virgin!" sagot ko sa mga tanong nila.

Bigla naman humalaklak iyong dalawa sa sinabi ko. Pinunasan ko iyong luha ko na tumulo mula sa mata ko. Kainis! Pot que may nahalikan na sila, e. Tumayo ako at pumunta sa banyo para magtoothbrush. Nagtoothbrush ako baka sakaling mawala iyong kiss at makalimutan ko iyong nangyare. Maligo na rin siguro ako.

Habang nagtotoothbrush ko, umakbay sakin si Yuri at Sunny naman ay nasa pintuan na sandal. Pareho silang nakangiti habang tinitignan ako.

"Kaya pala ganon iyong reaksyon mo kasi hinalikan ka ni Bock," sabi ni Yuri. Nakatingin siya sa reflection ko sa salamin. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya. "And then you were so affected. Why?"

Kumibit balikat ako. Hindi ko rin kasi alam. Malabo naman na gusto ko agad siya dahil sa kiss na iyon at isa pa magkaaway kami. Ayoko siya! We're not supposed to be like that kasi nadamay lang kami sa away ng dalawa pero ayoko pa rin siya kasi mayabang ang aura niya. Nakakaannoy siya at nakakabweset.

"In a battle, wag mong ipapakita na apektado ka sa nangyare kasi gagamitin nila iyon as your weakness na ikakabagsak mo. You have to be a stronger, Althea," dagdag niya.

Tama siya. Napakaover react ko sa mga first ko. Siguro nasa loob ko lang iyon at hindi ipapakita sa iba kasi gaya nang sabi ni Yuri. Gagamitin nila iyon bilang bait para matalo ako. Parang ako na rin ang gumagawa ng sarili kong hukay kahit hindi naman dapat.

"Iniisip mo iyong first kiss mo at kahit ako noong may nahalikan ako, oa rin ako non pero tinanong ko sa sarili ko na kung bakit napakahalaga ng first kiss natin?"

Hindi ako sumagot sa kanya. Tinignan ko lang siya at hinihintay na magsalita.

"Kasi yong mindset ng tao nakareserve na yon sa taong mamahalin natin. Pero alam mo, wala naman kaso iyon. Experience is an experience. Mararanasan mo siya nang hindi mo inaasahan. Pero the most important kapag may nirereserba ka is your whole heart. Yong buo pa iyong puso mo at hindi pa wasak. Yong pagmamahal na puro at totoo. Yon yong pinakamagandang ireserve mo. Kalimutan mo na iyang first kiss mo..."

When We Met The Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon