chapter 15

5 2 0
                                    

Althea's POV

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa byahe. Nagising na nga lang ako kasi biglang huminto iyong sasakyan. Muntikan pa akong mahampas sa harapan, e sa lakas pa maman ng pagkakapreno.

Naningkit iyong mga mata ko at tinignan siya. Natatawa naman siyang humarap sakin. So, sinadya niya iyon? At kapag wala akong seat belt, ayon basag mukha ko? Napakademunyo talaga nitong baklang to. Walang kasweetan sa katawan.

Bumaba siya ng sasakyan at hindi man lang ako ponagbuksan ng pinto. Binuksan ko iyong pinto at bumaba ako. Bakit ba ako umaasa na pagbubuksan niya ako? Hindi naman siya totoong manliligaw ko at isa pa, hindi na iyon mauulit.

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Sa Vigan City," sagot nya.

"Ahh—Ano?!" Kung umiinom ako, naibuga ko na sa kanya iyong tubig. Nakakaloka! Kanina lang nasa Jem's Café kami tapos ngayon nasa Vigan na kami. "Anong ginagawa natin dito?"

"To get an idea," sagot niya at nagsimula ng maglakad. Sinundan ko naman siya.

Hindi ako makapaniwala na nakapunta ako sa Vigan ng hindi ko inaasahan. Wala sa plano namin ito pero pansin nyo naman, nandito na kami. Nasabi ko na bang first time ko rito?

Namamangha ako sa mga nakikita ko. Vigan City is a tourist destination you would like—not only like but love. You'd love this place. You can see anywhere the history of Vigan. The Spanish ancestral houses and streets. There are also calesa which offer you a ride anywhere in the city of Vigan. Lots of stores selling souvenir that you can buy pasalubong or remembrance.

"Nasa Calle Crisologo tayo. You can see the line of ancestral houses and buildings," tumango-tango naman ako sa sinabi niya. "....calesas, souvenir shops, cobbles stone pavements. You can feel the Spanish era because of the place itself. Do you agree that Crisologo is the living time machine?"

Tinignan ko siya. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang paligid. Makikita mo talaga ang bahid ng history sa paligid. Lalo na sa mga row ng windowed ancestral houses. Halatang luma pero hindi mo pagsasawaan. Napakasaya ko kasi dinala niya ako rito. This place reminded me like I was being transported back to the Spanish colonial time. Nagsimula na akong maglakad. Napahinto ako nang maramdaman kong walang sumusunod sakin. Nilingon ko si Bock.

"Anong ginagawa mo pa dyan?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Alam mo ba kung saan pupunta?" Napaisip naman ako. Sht, hindi nga pala pamilyar sakin itong lugar na 'to. Hindi ko alam kung saan pasikot-sikot dito.

Ngumiti ako sa kanya at inabot ko iyong kamay ko. Napatingin siya sa kamay ko at napatingin din ako. Bakit ko inaabot sa kanya iyong kamay ko? Napairap ako at binaba ito.

"Tara na," yaya ko sa kanya.

Nakita ko siyang ngumiti at lumapit sakin.

"Do you want me to hold your hand while we're walking here in the Calle Crisologo Street?"

"No—"

Pero mukhang hindi niya narinig. Hinawakan niya iyong kamay ko. I glanced to our intertwined hands and look at him smiling ear to ear. I bit my lower lip to control my smile.

"Come on,"

We started walking in the streets while holding his hand. Pinapaalala ko sa sarili ko na pagkatapos ng araw na ito, babawiin ko na ang kamay ko.

"Madalas ka ba pumunta rito?" I asked him.

"Kapag bakasyon. Lagi kong binabalikan dito iyong storya ng pinakamamahal kong babae sa boung mundo," sagot niya.

When We Met The Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon