"The meet up"

980 14 0
                                    

Shar's POV

Hi! I'm Sharlene San Pedro. A Civil Engineering student, currently on my 3rd year and an NBSB. I am straight don't get me wrong. Its just that I know my priorities and entering in a romantic relationship is not one of those. Im enjoying myself as well of being the bunso and the only girl in the group so what more can I ask for? In our college, its literally raining men and being the only girl have its advantages. Too many to mention, be it in laboratory works, inuman sessions and other lakads.

First day of school, excited ako makita ang mga classmates ko kasi 2 months din kami hindi nagkita kita. Katakot takot na kwentuhan na naman ito. I am here at terminal, ang official tambayan dito sa campus namin, waiting for the gang.

"Shar! Kumusta? Tumaba ka ah." bungad na bati sakin ni CJ

"Ga*o, andami pambati ganyan pa. May problema ka ba sakin ha?" balik tanong ko kay CJ

"Ito naman, parang bago ng bago. At saka ano ikinakagalit mo eh totoo naman,hahaha" patuloy pang pang aasar nito.

"Ewan ko sayo." naiinis na sabi ko. "Asan na ba sila,,letse 3rd year na di pa nagbago,late pa din lagi. At saka mangongolekta pa ako ng mga pasalubong ko." mahabang litanya ko.

"Iyan,ikaw ang hindi nagbago, pulis na pulis ang datingan eh." patuloy pa rin na pangaasar ni CJ.

"Shar, CJ, ano pa ginagawa nyo dyan,tara na,,malilate na tayo." sabi ng bagong dating na si Igiboy.

"Yan tayo eh,,makapagmadali eh kayo ang late dumating." sagot ko sa kanya na nagpauna ng lumakad.

"Mabibigat daw subject at prof natin ngayon ah. Sabi nila kuya Ariel lahat ng major si Sir Abe ang hahawak. Eh sa 7 subject natin ngaun 2 lang considered minor eh, then don sa 5 na major 4 ang hawak nya. Aabutin din ata tayo ng nth year dito ah." nag aalalang sabi ni Kobi na kasabay dumating ni Igiboy.

"Grabe naman yon,,ano patayan na?" reklamo ko.

"Kaya nga eh,,tapos 3 lang daw pumapasa don kada sem,,lagot na! Si Shar pa lang sigurado." himig natatakot ni CJ

"Grabe naman yong 3 lang,,ano quota? Aral lang, seryosohin na natin." sabi ko naman habang patuloy kami sa paglalakad papunta sa classroom namin na as usual, dinig sa buong floor ang ingay.

Donny's POV

Hi, Im Donato Antonio Pangilinan, aka Donny. I am a Civil Engineering student and irregular 3rd year. May mga subjects kasi ako na hindi nacredit when I transferred. Anyways, kanina pa ako andito sa room para sa 1st subject ko and 4 pa lang kami andito. I am fully aware na konti lang estudyante dito pero di ko inexpect na ganito kakonti. I was observing the other three when I heard loud voices coming with a lady voice being the loudest. She is laughing hard in a very unlady like manner, then entered a group of students compose of 3 boys and 1 girl.

"Seriously? Apat lang sila and ganon sila kaingay? How much more if they are in a bigger group. Holy cow,,tama ba yong desisyon ko na lumipat?" bulong ko sa sarili ko.

"Psstt.. Hoy tahimik na,,may ibang tao oh, baka sabihin ang loud natin masyado." saway nong babae sa mga kasamahan.

"Iyong totoo Miss,,hindi kayo aware na OA ang ingay nyo?" patuloy kong kausap sa sarili ko. Pero atleast marunong makiramdam.

Hindi nagtagal dumating na din ang professor namin sa subject na iyon which is Surveying.

"Hi guys, Im Engr. Bryan and I will be handling higher surveying and this subject. Oh,,may mga bagong mukha, so I guess kelangan magpakilala ng lahat. Simulan mo na Shar."

"Hala,,bakit ako sir? Alphabetical arrange eh." nakangusong reklamo nong babae.

I find her cute doing that, super manly ng course nya, puro lalaki kasama sa grupo, brusko na kumilos yet may ganon sya gestures na parang bata. How ironic. Her name is cute also.

"Ladies first." sabi ni Engr. Bryan.

"Hindi naman babae yan" sabay sabay naman sagot agad ng mga kasama nya.

"Ayos kayo ah,,mga sira ulo talaga kayo." balik sagot ni Shar. "Lugi naman kapag ganun sir, as if may ibang babae dito. Anyways, hello, ako si Sharlene San Pedro, you can call me Shar. "

"Wow anyways! Letse Shar ang pabebe mo." asar ng mga kasama nya na nagpatawa sa amin lahat.

"Mga tarantado talaga kayo. Sir oh first day pa lang bangag na ata." sumbong ni Shar kay Engr. Bryan

"Tigilan nyo si Sharlene." saway ni sir sa grupo. "Kaw naman umayos ka ng pagsasalita, parang hindi ka babae umasta ah. O ikaw CJ next." patuloy ni Sir.

"Hindi naman talaga babae yan sir." tatawa tawang pahabol ni CJ." What's up guys, ako si CJ Navarro, irregular ako. Actually kami lahat pwera kay Shar."

"Wow actually!" ganting asar ni Shar. "At putik, pabebe yong anyways ko,,ano tawag mo sa what's up mo? Ano rapper? Letse" naluluha sa pagtawa na sabi ni Shar.

"Shar!wordings mo sabi eh."natatawang saway ulit ni sir kay Shar.

Mukhang okay naman ang grupo. Just as expected sa engineering class. Trivia, hindi ka CE student kung di ka maligalig, kung di ka umiinom and kung hindi ka pa nakapasok ng nakainom. Yes, that's what we are.

Sumunod nagpakilala sila Kobi at Igiboy at turn na namin mga transferee.

"Hi, ako si Jairus Aquino. Graduate na ako ng CET, itutuloy ko lang ng BS. Galing ako sa TUP."

"Bakit hindi ka na lang sa TUP nagtuloy? Eh anong year classification mo ngayon?" tanong ni sir.

"Late ko lang narealize na mas ok BS sir. Bale irreg 3rd and 4th year po pero aabutin pa rin ako ng 3 years." paliwanag naman ni Jairus

"Hi, ako si Nash Aguas, from TUP rin ako pero BS talaga ako, nagtransfer lang.

"Bakit naman? Eh di magkakilala kayo?" usisa pa ni sir

"Wala lang naman sir, graduate kasi dito tatay ko at kapatid ko,naisipan na lang. Hindi naman po kami magkakilala, magkaiba po kasi building namin." sagot naman ni Nash

"Hello, ako si Donny Pangilinan, from Divine College sa Mindoro. Mga fresh grad na kasi yong instructor namin don tapos yong iba barkada ko pa kaya ayon, nagtransfer ako. Dito naman kasi pumapasok ng SE ung pinsan ko kaya dito ako napapunta." mahabang paliwanag ko.

"Hello, ako si Carl Gesmundo, from UST and dito din. Returnee ako,,tumigil kasi ako.

"Ah ikaw ung pamangkin ni Ma'am Noli?" tanong ni sir at tumango naman ito.

Okay, dahil kilala na lahat, magstart na tayo." and he discusses the course syllabus. Also his requirements to pass the subject.
"Ok class dismiss. By the way, wag kayo matakot sa mga ito or mapikon, ganyan lang talaga mga iyan, lalo na yang si Shar, palibhasa mag-isang babae kaya bunsong bunso sa mga yan." pahabol ni Engr. Bryan bago lumabas ng room.

Pumunta ako ng library pagkatapos ng klase dahil sa mamayang after lunch na ulit ang klase ko samantalang may klase pa naman yong mga kasama ko. Sa library ay pumwesto ako sa sulok at natulog.

Wasted ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon