CHAPTER 7

9.1K 290 16
                                    

"PEARLYN!!!!"

Napatingin ito sa babaeng tumawag sa kanuang pangalan at napangiti siya nang makita ang kanyang kaibigang si Marie.

"Uy! Kamusta ka na? Balita ko kababalik mo lang galing maynila? Kelan ka pa dumating?"

Pinapasok niya ito sa loob nang kanilang bakuran at inakay patungo sa papag sa ilalim nang maliit na puno.

"Ayos naman.." malungkot nitong sagot sa kanyang kababata at matalik na kaibigan sa kanilang probinsiya.

"Eh..ayos naman bakit malungkot ka?" Tanong nito habang inaalis ang sariling sumbrero at inilapag ang hawak nitong basket na may lamang mangga.

"Eh kasi..nakipagkita ako kay Jeson kanina--miss na miss ko siya dahil dalawang linggo kaming di nagkita kaso..parang iba na siya--"

Nakita niyang nag-iwas ito nang tingin sakanya at napayuko. "Bakit? May alam ka ba kung bakit parang iba si Jeson ngayon Marie?"

Napaisip ang kanyang kaibigan kapagkuwan ay napilitang napangiti. "Ahh? Ay naku! Wala..madalang ko lang naman kasing nakikita yang nobyo mo eh busy kasi ako sa manggahan--ah! Eto nga pala para sayo kapipitas ko lang nang mga iyan kanina..matamis yan"

Kinuha niya ang isang manggang hinog at agad na binalatan iyon para matikman. Masarap at matamis iyon..nakakamiss pala ang probinsiya wika niya sa sarili.

"Eh bakit parang kinikilig kilig ka pa diyan? Dahil sa matamis na manggang binigay mo?" Tanong niya kay Marie at isang siniko siya nito sa tagiliran habang nakangiti abot hanggang tenga.

"Kasi naman..kinikilig talaga ako! Yeeeyyy!!!"

"Ano nga kasi iyon? Para kang kinagat nang langgam sa itsura mo!"

"Kasi nga! Dumating yung anak nung may-ari nanganggahan!"

Napaisip siya at napatingin sa kaibigan "iyong foreigner na magaling magsalita nang tagalog?" Turo niya dito

"Oo! At alam mo? Ang gwapo gwapo niya!!!! Sobra! Makalaglag panty nga yung kakisigan niya..nakakapaglaway!"

Inismiran niya si Marie sa kanyang tabi. "Asus! Kumekerengkeng kana naman diyan! Siguro palagi ka namang mamamalagi sa manggahan at sa hacienda niyan kahit sabado at linggo no?"

Pinagdikit nito ang kanyang mga palad "naku! Oo naman! Pero may mga naririnig akong bali-balita diyan sa tabi na may pagkababaero daw yata yun" dagdag pa nito na ikiangisi niya.

"Kaya huwag kang lalapit dun kung ayaw mong mabuntis nang di oras!" Bigla nitong inihagis ang buto nang mangga sa labas nang kanilang bakod at pumulot ulit nang isa pa.

"Hala! Grabe naman! Ano yun tingin pa lang nakakabuntis na? Pero--kung sakali na pwede kami ay!!! Kahit mabigyan lang niya ako nang lahi okay na--aray!!!"

Nahulog si Marie sa papag dahil tinulak niya ito sa balikat. "Tumigil ka ha! Anong lahi lahi! Mabuti sana kung pagka foreigner lang niya makuha nang anak mo eh paano kung pati pagkababaero nun? Di ka na naawa sa mga katulad nating babae"

Pinampag ni Marie ang kanyang bistida at umupo ulit sa kanyang tabi "eto naman! Nagbibiro lang naman ako..teka! May salo-salo yatang magaganap sa Mansiyon mamayang gabi eh--naku! Kelangan ko nang umuwi Pearl baka kasi aalis na si inay sa bahay..pupunta pa kasi iyon sa Mansiyon tutulong sa paghahanda para sa-salo-salo doon..mauna na ako"

Tinanguan niya ito "salamat sa mangga Marie sana di akong magka bungang araw dito" natawa silang pareho sa kanyang tinuran.

Nakalabas na si Marie nang kanilang bakuran nang bumalik ito at tinuktok ang kawayan na bakod sa kanilang harapan.

LEGENDARY BOYS #6: Fire Gaudie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon