MATIYAGA SILANG NAG-ANTAY NI MARIE SA KATABING TINDAHAN KAHIT PINAPAPAK SILA nang lamok makausap lang niya si Jeson.
Tinapik siya ni Marie at biglang tinuro ang direksiyon nang bigasan na sarado na.
"Si Jeson--"
Tumayo siya at pupuntahan ito nang makita nilang kasama nito si Roselle. Napatigil siya at tinignan ang dalawa.
"Jeson!"
Timawag niya ito at natigil ang dalawa sa pag-uusap nang makita siyang papalapit sakanila. Hindi niya maintindihan pero iba ang pakiramdam niya kay Roselle ngayon.
"Pearlyn!" Doon lang ito ngumiti at sinalubong pa siya nito. Nakita niya ang naging reaksiyon ni Roselle para itong nagseselos na ano.
"A--anong ginagawa mo dito?"
Nasa tabi niya si Marie at tinatanaw naman nito si Roselle. "Bakit? Ayaw mo ba na nandito ako? Naistorbo ko ba kayo?" Sarkastiko nitong saad sa kanyang nobyo.
"Hi--hindi..gabi na kasi pero nandito ka pa..di ba sabi ko sayo huwag ka magpapagabi?"
"Ahem...huwag daw magpagabi pero siya ginagabi kasama pa ibang babae--"
Pagpaparinig ni Marie sa kanyang nobyo at nang di ito tumigil ay tinulak niya ang likuran nito.
"Pwede ba kitang makausap?"
Nakita niya na hindi mapakali si Jeson sa kinatatayuan nito at napapasulyap sulyap sa kinaroroonan ni Roselle. Tinignan niya si Roselle na di kalayuan sakanila. Naiinis siya dito dahil bakit pa ito naroon? Bakit di pa ito umuwi?
"Bakit di ka pa umuwi? May inaantay kang sundo? O inaantay mo boyfriend ko?" Pagsusungit niya dito na agad namang siyang inawat ni Jeson.
"Pearl..ano bang nangyayari sayo bakit pati si Roselle pinag-iinitan mo?"
Dahil sa pagkakasabi niya kay Roselle ay agad itong tumalima at pumara nang sasakyan. "Ano? Hahabulin mo?" Baling niya kay Jeson na parang gustong habulin si Roselle. Alam niyang may gusto siyang palabasin ngayon pero alin ba talaga ang dapat mauna?
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nang kanyang nobyo "Tara diyan sa Gotohan doon tayo mag-usap"
Inakbayan siya nito na parang iyon ang lumusaw sa pangambang kaninay kanyang nararamdaman. Nag-order ito nang tatlong goto dahil kasama nila si Marie. Pumwesto si Marie sa pinakadulong upuan para bigyan sila nang privacy.
"Ngayon anong pag-uusapan natin?"
"Ikakasal na ako bukas"
Napatigil ito sa pagsubo sa goto at ibinaling nito sakanya ang paningin. Nakita niya na parang natahimik ito.
"Wala na ba talagang paraan para di matuloy?"
May isang bahagi nang kanyang utak na gusto niya itong sisihin dahil wala naman itong ginawa para pigilan iyon pero ayaw niya itong masaktan. Dahil may mas magagawa naman ito ngayon.
"Meron pa.."
"How? Tell me"
Tinignan niya ito sa mata "pigilan mo ang kasal namin bukas ni Fire Gaudie"
Nanlaki ang mata nito sa kanyang sinabi. "Gaudie? Iyong anak ni Krn Gaudie na Foreigner?"
Makailang lunok ito sa sariling laway nang malaman nitong anak nang Foreigner na Gaudie ang pakakasalan niya.
"I can't do that.."
"Ano? Bakit? Hahayaan mo akong makasal sakanya?"
Hinawakan ni Jeson ang kanyang kamay "hindi sa ganun..pero di mo kilala ang mga Gaudie Pearlyn..madami silang pwedeng gawin! Baka mabalitaan mo nalang kinabukasan patay na ako"
Nanginig ito sa sinabi ni Jeson. Posible kayang kaya nang mga Gaudie na pumatay? Ganun ba kadelikado ang taong makakasama niya?
"Eh anong gagawin natin? Magtanan tayo?"
Ngumiwi si Jeson "hindi magandang ideya iyan dahil mga mahal natin sa buhay ang maghihirap"
Napabuga siya nang hangin dahil sa mga dahilan ni Jeson na parang tama naman talaga. Naisip niya tuloy ang alok ni Fire sakanya. Mabuti nalang may isa pang pwedeng gawin pero napa risky..
"May pwede pa tayong gawin"
"Ano?" Tanong sakanya ni Jeson
"May offer siya sakin na ituloy namin ang kasal pero pagkatapos nang isang taon magdidivorce din kami..papayag ka ba sa ganun? Kung ako lang ayoko sana"
Ginagap nito ang dalawa niyang kamay at mahigpit na hinawakan "kung ito ang paraan para makalaya ka din nang tuluyan--isang taon lang Pearlyn..isang taon lang kakayanin natin ito"
Napakunot noo siya sa sinasabi ni Jeson. Parang di siya makapaniwala na papayag ito sa ganuong set up!
"Papayag ka?" Pagkokompirma niya sa nobyo at dali dali itong napatango. Kahit naguguluhan siya ay tinaggap niya ang desisyon nito. Isang taon..isang taon lang naman.
"Mahihintay mo ba ako sa isang taon?"
"Bakit hindi. Oo naman..mahal kita Pearl kaya hihintayin kita. Andito lang ako para sayo"
Para siyang nabunutan nang tinik sa kanilang relasyon dahil kahit papano ay alam niyang suportado at nandiyan parin si Jeson para sakanya na kahit anong pagsubok sakanila.
Ngunit di rin maiaalis sa kanya ang matakot at magalit kay Fire. Nangangamba siya sa kung ano ang patutunguhan nang lahat pagkatapos nang kasal bukas.
"Halina kayo ihahatid ko na kayo"
Hinatid sila ni Jeson pero hanggang sa bungad lamang nang kanilang baranggay. Baka kasi makita sila nang magulang niya eh malintikan na naman siya.
"Eh nakakainis talaga ang Roselle na iyon! Aba! May gana pang mag-antay kanina sa nobyo mo? Kapal nang mukha!"
Binalingan niya lang si Marie pero di niya muna ito inimik. Sa totoo lang nawala sa kanyang isipan iyon kanina itatanong sana nito kung may nangyayari ba sa pagitan nila na di niya alam pero naunahan na naman siya nang hiya..
"Ewan ko ba may pakiramdam ako na di ko maipaliwanag.."
"Ah..iyon bang tinatawag na 'instick'"
Siniko niya ito "ano ka ba! Instict! Hindi instick!!!" Sumimangot siya.
"Yan bang pakiramdam na iyan eh parehas nang nararamdaman ko?" Tanong ni Marie dito
"Ano bang nararamdaman mo Marie? Sa tingin mo papatulan ni Jeson ang Roselle na iyon? Tingin mo may nabubuo kaya sa pagitan nila?"
"Alam mo Pearlyn talagang may mabubuong bata kapag dika gumalaw! Ewan ko ba sayo dika naman bulag pero pagdating kay Jeson nagbubulag bulagan ka!"
"Alam mo Marie maiintindihan mo din ako kapag nagmahal ka."
Kinayod siya nang tingin ni Marie. "Hay naku..diyan ka nalang kay Fire kesa naman diyan sa Jeson mo na di ka naman maipaglaban!"
"Mahal ko siya Marie. Ayokong basta nalang itapon yung tatlong taong relasyon namin. Mabait naman siya talaga at alam niya akong irespeto. Tignan mo kung ibang lalaki lang si Jeson baka matagal nang wala ang iniingatan kung puri pero sakanya ni hindi nga niya ako pinipilit na gawin iyon"
"Yan ba ang dahilan kaya nagbubulag bulagan ka nalang? Paano kapag nalaman mong may namamagitan sakanila ni Roselle?"
Napaisip ito sa sinabi ni Marie. "Di naman siguro niya magagawa iyon sakin"
Kibit balikat lang ang isinagot ni Marie sakanya at nagpatuloy na sila sa paglalakad pauwi..
-itutuloy-
Joden15
BINABASA MO ANG
LEGENDARY BOYS #6: Fire Gaudie (COMPLETED)
Romance-WARNING: SPG [MATURE CONTENT]- LEGENDARY BOYS #6: FIRE GAUDIE He's CUTE. SEXY. FLIRT. SEDUCTIVE. BOSSY. ANNOYING. PLAYER. CENTER OF ATTRACTION. HAPPY GO LUCKY in short... He's not ready to take a Big Responsibility in life. Fire Gaudie at the age o...