CHAPTER 3

10.8K 312 12
                                    

NAPAPALINGA LINGA ITO HABANG TINITIGNAN ANG MADAMING TAO NA NAGSASAYAWAN SA GITNA NANG DANCE FLOOR.

"Ganito pala kapag super yaman nang mga tao. Di nila iniisip kung magkano o gaano kalaki nang perang gagastusin"

Bulong nito sa kanyang sarili nang makaramdam nang pagka-ihi. Nilibot niya ang kanyang mga mata para hagilapin ang kaibigang si Sharey na kanina'y nagpaalam para puntahan si Zaine. Ang laki kasi nang Mansiyon at di niya kabisado ang pasikot sikot doon.

Napahawak siya sa kanyang puson dahil parang puputok na yata ang pantog niya dahil ihing ihi na siya.

Naglakad siya at hinanap kung nasaan ba ang Rest Room sa mansiyon. Nang may makasalubong siyang isang teenager na babae ay tinanong niya kung saang banda ang Rest Room at tinuro naman nito.

Pumasok siya agad at sa kauna-unahang cubicle. Halos mapangiti pa ito nang makaraos ngunit napawi ang kanyang magandang ngiti at napalitan iyon nang pagtataka at pangungunot nang noo nang makarinig siya nang mahinang ungol.

Binalewala niya iyon nung una ngunit nang itinaas nito ang kanyang under wear ay mas dumami pa ang ungol na naririnig niya na tila nagkakasunod sunod na.

Dahan-dahan siyang lumabas nang cubicle na parang nangingilabot na dahil baka minumulto siya doon.

Isang ungol. Ngunit ang isang ungol ay nasundan pa nang nasundan. Iba kasi iyon sa kanyang pandinig. Inisa isa niya ang mga cubicle hanggang sa umabot siya sa pinakahuli.

Doon nga! Doon nagmumula ang ungol. At doon niya napansin na hindi lang iisang tunog ang ungol na iyon kundi tila nagdu-duet?

Dahil sa kanyang kuryusidad ay tinapat niya sa pintuan nang cubicle ang kanyang palad at mabilis na inislide. At sa pagkakataon na iyon napasigaw siya dahil sa kanyang nasaksihan!

"Aaahhhhhhhhhhhh!!!!"

"What the--fuck!"

Kitang kita niya ang panlalaki nang mata nang dalawa sa loob habang ang babae ay nakapinid sa pader at ubod lakas na binubuhat nang lalako habang sila'y nagtatalik!!!!!

Hindi na niya hinintay ang lalaki o ang babae na magsalita at nanakbo na siya palabas nang Rest Room!

"Ito ang pinaka-nakakahiyang karanasan ko sa buong buhay ko!" Wika niya habang nananakbo parin at panay ang iwas sa mga taong nakakasalubong niya.

Hanggang sa may humaklit sa kanyang braso "there you are!"

Pero biglang nawalan nang kuryente! At dahil sa lakas nang pagkakahaklit nang sinuman sa kanyang braso ay na-out balance siya at biglang bumagsak.

Ngunit sa kanyang pagkakabagsak ay hindi sa matigas na sahig kundi sa isang matigas na katawan nang isang tao. At ang mas nakakaalarma..

They kissed accidentally!

Mabilis niyang itinulak ang katawan nito at pinilit bumangon na kahit wala pang ilaw. Naramdaman niya na iisa lamang ang suot niyang sapatos pero hinayaan na lang niya iyon at kinapa ang kanyang dadaanan.

Nang magsindi ang ilaw ay nakatalikod na siya at malapit na sa bukana nang pinto palabas nang marinig niya ang pagtawag nang isang lalaki sa kanya. Hindi na niya ito nilingon at dali-daling lumabas at umalis without looking back.

Papatapos na din naman ang party kaya tinext nalang niya si Sharey at sinabing nauna na siyang umuwi dahil may pasok pa siya. Habang nakasakay ito sa taxi at napatingin siya sa kanyang paa.

"Tsssk! Sayang naman yung sapatos ko!"

Nag-ala Cinderella tuloy siya sa Party dahil naiwan niya doon ang isang pares nang kanyang sapatos. Naningkit ang kanyang mata nang maalala ang nangyari doon.

"That man! Manyakis!"

Pero habang nakatingin siya sa labas nang bintana ay bumabalik ang itsura nang lalaki sa Party kanina.

"Parang kilala ko siya--"

Parang may kamukha kasi ito na na-meet na niya before.

"Impossible!"

***********

HALOS MABITAWAN NIYA ANG BABAENG buhat buhat nito nang napasigaw ang isang babae sa kanyang likuran.

"What the fucking--"

Agad niyang binitiwan ang babaeng katalik sa loob nang Rest Room at di pa man naitataas ang zipper nang kanyang slocks ay hinabol na niya ito.

Ewan ba niya bakit hinabol pa niya ito at bigla siyang napngiti nang naabutan niya ito at nahawakan sa braso nang biglang nawalan nang ilaw! Dahil sa lakas nang pagkakahaklit niya ay natumba silang pareho at dumagan sakanya ang babae at sa hindi sinasadyang pangyayari. Naghinang ang kanilang mga labi.

Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan dahil sa simple at aksidenteng halik na iyon. It a strange feeling. Ngunit naramdaman niya ang pagtulak nito sakanya at ang pag-alis nito. Nang makabangon siya ay iyon din ang pag on nang ilaw ngunit nasa pintuan na palabas ang babae. Nakita niya ang isang pares nang sapatos nito sa kanyang harapan at pinulot niya iyon tsaka sumigaw.

"Hey! Wait!"

Ngunit di na niya ito naabutan pa. Nakita nalang niya na sumakay ito sa isang taxi at dahil madilim di niya nakuha ang plate number nito.

Napatitig siya sa isang pares nang sapatos na kanya paring hawak hawak nang bigla siyang napangisi at napahawak sa kanyang labi.

"See you soon..Cinderella"

Humakbang siya papasok ulit sa party at tinago sa kanyang likuran ang isang piraso nang sapatos. Matapos kasi siyang ikulong nina Rose at Erica sa loob nang Library dahil natalo siya sa pustahan ay pinakawalan din siya nang mga ito after two hours!

Madami daw kasi siyang pusong paluluhain. Pero they're wrong! Madami siyang babaeng napapasaya ngayong gabi at isa doon ang nakasama niya sa loob nang Rest Room.

"Sanka nagpunta? Kanina pa kita hinanap ah!" Pinulupot nang babae ang braso nito sa kanyang leeg. Ito yung kasama niya kanina nang may makakita sakanila.

"Itutuloy na ba natin?" Tanong nang babae sakanya. Ngunit tila ba wala na ang excitement niya.

"Come on Fire.." paglalambing nito at nanayo bigla ang kanyang alaga dahil sa paghaplos nang babae doon.

"Your hard baby..tutulungan na kita" bulong nito. He bite his lips at siniil nang halik ang babae. Mabuti nalang at dim ang ilaw kaya wala masyadong nakakapansin sakanila.

"Okay baby.." sang-ayon niya.

"Sa Rest Room ba ulit?" Maarteng tanong nang babae at napangisi naman siya.

"Nope..in my Car"

Inakay niya ito para doon na ituloy ang naudlot na langit nila kanina. Alam niyang nabawasan ang kanyang excitement pero hindi niya pwedeng palampasin ang babaeng ito..

He's Fire Gaudie, at ayaw niyang nagiging malungkot ang mga babae sa kanya. So he decided to make her moan!

-itutuloy-

-Joden15-

LEGENDARY BOYS #6: Fire Gaudie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon