CHAPTER 31

8.6K 272 13
                                    

SIX MONTHS LATER!

Napakabilis nang mga araw at di nila namalayan na nangangalahating taon na ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Magmula nang buksan ni Pearl ang kanyamg puso para kay Fire ay mas tumibay at naging maganda ang samahan nilang dalawa.

Acceptance! Iyon naman pala ang susi upang gumaan ang kanyang nararamdaman.

"Ang ganda nito Mister.." sabay haplos sa damit na kanilang nadaanan sa Mall.

"Sus! Mas maganda ito Misis" hila nito sa damit na nasa likuran niya. Napaingos nalang siya nang makitang parang wala na yatang hangin ang papasok sa kanyang katawan kapag iyon ang kanyang sinuot.

"Huwag na lang doon nalang tayo sa--gutom na ako"

Hinila niya ang kanyang Mister patungo sa mga isang cake shop. Natakam siya bigla nang makita ang isang box nang mochi with ice cream filling!

"Miss isang box nga neto--"

"Miss sandali lang..etong tinitinda niyo ngayon ngayon lang?"

"Opo Sir..kaninang umaga lang po dumating mga iyan"

"Naku! Wala ba iyong ngayong nfayon lang? Ngayong oras na to? Aba eh! Baka naman sumama ang tiyan nang Misis ko niyan--"

Agad niya itong siniko sa tiyan at napatigil sa pagsasalita. Pinanlakihan niya ito nang mata sabay kayod nang tingin. Aba h namumuro na ito sakanya. Pansin na pansin niyang kanina pa nito inaaberya mga gusto niyang bilhin at kainin.

"Ahh Miss pasensiya..next time nalang"

Nagmartsa siya palabas nang cake shop pakiramdam nga niya ay di na siya gutom! Tinatawag siya ni Fire ngunit nagkakanda bingi bingihan siya hanggang sa makarating sila sa Mansiyon.

"Misis kausapin mo naman ako--"

Pabagsak niyang nilapag ang bag sa sofa at inis na inis niyang hinarap at pinamewangan ang asawa.

"Kausapin?! Alam mo bang kanina pa ako inis na inis sayo?!"

Nagtataka namang nakatingin lang ito sakanya at parang wala itong ideya sa pambabadtrip sa araw niya.

"Misis ano bang kinaiinis mo? Kalma misis"

"Kalma?! Gutom na gutom ako at gusto kung kumain nang mochi ice cream tapos anong ginawa mo? Hiniya mo yung nagtitinda pati itong paninda! Tapos yung damit na gusto ko iba yung nirereto mo?! Sabihin mo lang kung balak mong inisin talaga ang araw ko at epektibong epektibo!"

Hinawakan nito ang kanyang kamay na agad naman niyang piniksi. "Misis sorry..di ko naman alam na naiinis ka na pala..sana sinabi mo na gusto mo pala iyon--"

"Talaga?! Bakit di pa ba sapat yung ekspresyon ko para makita mo kung gaano ko kagusto mga iyon at kung gaano ako naiinis sa ginagawa mo?! Alam mo pansin ko ikaw nalang parati itong nasusunod! Aba! Di naman ako payag diyan! Porket ikaw na ang lalaki ikaw palagi masunod?"

"Eh..Misis di naman ganuon ang gusto kong ipahiwatig..eh ano bang gusto mong mangyari?"

Humalukipkip siya sa harapan nito. "Gagawa ako nang batas!"

"Batas? Anong batas?"

Tinaasan niya ito nang kilay.. "Batas kung sinong masusunod sa kada araw. Gusto ko mula lunes hanggang biyernes ako ang masusunod at kada sabado at linggo ikaw naman masusunod"

Napakamot sa ulo nito si Fire at napangiting aso sakanya "Misis parang dehado naman yata yung hati mo sa isang linggo..limang araw sayo ako dalawa lang?"

"Pwede kang matulog sa kabilang kwarto kung ayaw mo sa patakaran ko!"

"Ay naku Misis! Okay na okay pala sakin iyan..mabuti nga may dalawang araw pa ako baka gusto mo sayo na si yung sabado akin nalang linggo--"

"Marunong ka palang umintindi Mister..alalahanin mo Miyerkules ngayon"

Napapatango nalang ang kanyang Mister nang tuluyan na niya itong iwan sa sala na mag-isa.

KINAGABIHAN BAGO SILA MATULOG AY NAKITA NIYANG parang kakaiba ang kinikilos nang kanyang asawa. Para itong balisa at kapagkuwan ay may katawag sa cellphone.

"Mister sinong tumawag?"

Nakita kasi niya itong parang galit na galit sa katawag ngunit nang kanyang tanungin dito kung sino ang tumawag ay sinabi lang nitong sa kompanya lang iyon.

"Mauna ka na sa kwarto natin Misis susunod na lang ako isesettle ko lang itong problema sa opisina"

"Si--sige..sunod ka agad ha?"

Hinalikan pa siya nito sa noo bago siya pumanhik sa loob nang kwarto. Ngunit bigla siyang nagkaroon nang kuryusidad sa kinikilos ni Fire. Ngayon lang kasi niya ito nakitang ganun kagalit.

Kaya minabuti niyang lumabas nang kwarto at hinanap ito. Nakita niya itong nakatayo sa terrace at may katawag na naman sa cellphone. Base sa kanyang nakikita na reaksiyon at galaw nang katawan nito talagang di maipagkakaila ang galit nito.

Alam niyang di tama ang makinig sa usapan nang iba ngunit di siya mapakali sa kanyang kinatatayuan. Nagtago siya sa gilid nang malakinb kurtina at pinakinggang mabuti ang paguusap nang kanyang asawa at ang katawag nito sa kabilang linya.

"Stop this nonsense! You idiot! Oras na masagi mo kahit dulo nang buhok niya sinasabi ko sayo di ako magdadalawang isip na ipadala ka kay Satanas!"

Napatakip siya sa kanyang bibig. Di siya makapaniwala sa kanyang narinig. Ibig sabihin nun kayang pumatay nito!

Di na niya inantay pa ang ibang pinag-usapan nang mga ito at agad siyang umalis doon at bumalik sa kanilang kwarto. Nagtulog tulugan siya nang maramdaman niya ang mga yabag nang asawa papasok sa kanilang kwarto. Ngunit di nito nahintay na tumabi ito sakanya bagkus ay narinig niya ang paghila nito sa cabinet pagkatapos ay muling lumabas nang kwarto.

Di niya malaman kung saan ito nagpunta basta narinig niya ang pag-alis nang sasakyan nito. Nasa dalawampu't limang minuto ang nakalipas nang muling marinig niya ang pagdating nang sasakyan nito.

Nanlalamig ang kanyang katawan dahil dis-oras na nang gabi ay lumabas pa ito at nagtagal pa sa pinuntahan nito. Di siya mapakali sa pag-alis nito kanina na parang gusto niya itong sundan.

Muli siyang humiga sa kama at kunwari ay natutulog ngunit medyo binubuka niya ang kanyang mata para tignan ang kadarating na Mister. Kahit madilim sa kwarto at tanging lampshade lang ang nakailaw ay naaninag niya ang bagay na nilagay ni Fire sa drawer..

Oo..di siya pwedeng magkamali baril iyon!

Dumiretso ito sa CR at nagshower at habang nagshashower ang kanyang Mister ay dahan dahan siyang bumangon at kumpirmahin kung baril talaga ang nilagay nito sa drawer..

At nagulat siya nang makita iyon..may bahid na dugo ang baril! Napahawak siya sa kanyang dibdib. Magkahalong takot at pangamba ang kanyang naramdaman. Natatakot siyang baka nga may nagawa itong di maganda at nangangamba siya kung sino ang kaaway nito..

Sa buong magdamag ay di siya nakatulog dahil sa labis na pag-iisip para sa kanyang Mister..

Sino ang kausap nito sa cellphone? Sino ang kinatagpo nito sa dis oras nang gabi? Bakit may bahid nang dugo ang baril nito?

Sino ang kaaway nito?

-itutuloy-

Joden15

LEGENDARY BOYS #6: Fire Gaudie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon