NAGISING SIYA NA WALA NA ANG KANYANG ASAWA SA KAMA. Tinignan niya ang kanyang sarili na ngayon ay may kumot na nakatakip sa kanyang katawan.
Pinilit niyang bumangon at lumabas nang kwarto nang makasalubong nito ang kanyang ama.
"Good Morning son! How's your Pulo't pukyutan last night?"
Napaisip siya sa term nang kanyang ama hanggang sa nag sink in din iyon sa kanyang utak..
"Home run Dad" biro niya dito. At isang malakas na tawa ang pinakawalan nito.
"Great!!! Great! Magkaka apo na din ako sa wakas!"
Napapangiwi siya habang papasok naman sa kanyang kwarto. Agad siyang naligo at nagpalit bibisita na lang muna siya sa manggahan.
Habang pababa siya nang hagdan ay nakasalubong niya si Lorna at tinanong dito kung nakita ba nito ang kanyang asawa.
"Eh Señorito maaga pong umalis at di po sinabi kung saan pupunta"
Tinanguan lamang niya ito at nagpatuloy sa labas. "Hey! Couz! Saan ang punta mo?"
"Diyan lang sa manggahan bibisita ako saglit bago ako umuwi nang maynila"
"Uuwi ka nang maynila? Kelan?"
Nagpatiuna siya sa paglalakad at sinundan naman siya ni Red "this week..may meeting ang board I need an update regarding sa company"
"Isasama mo si Pearl? I mean your wife..ahhh!!! Nakita ko pala siya kanina nakasakay nang tricykle saan yun pupunta?"
Nagkibit balikat siya dito dahil wala naman siyang alam basta nalang ito umalis nang maaga.
"Asawa mo di mo alam? Anyway! Kumusta ang unang gabi ha? Naka home run ka ba?"
"You want an honest answer?"
Napatango si Red sakanya "Zero" sagot niya na ikinalaki nang mata nito sakanya.
"Zero? As in balot?! Why?! Fuck. first time ito ha! Na dika naka-score sa isang babae! Ang hanep diyan asawa mo pa pero di ka nakatikim?! Outside the kulambo ka ba?"
Pang-aasar ni Red sakanya ngunit maging siya ay di rin makapaniwala na wala siyang nagawa kagabi. Nasanay kasi siya na ang mga babaeng nakakasama niya ang nag-iinitiate nang moves at hindi siya. Pero nanibago siya sa kanyang sarili dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na kinaya niyang magkontrol!!!!
"I don't want to force her..I am not forcing any girl para maikama ko, sila ang nagi-initiate..but to her? I don't know..yeah! I want her but..I respect her"
"Shit talaga!!!! Sumama ka sakin mamaya papabindisyunan kita insan..hindi na kita makilala sa mga pinagsasabi mo! Utang na loob! Bumalik ka na Fire--aray!"
Pinilipit niya nang mahina ang leeg ni Res dahil sa kadaldalan nito. "Tumigil ka na o baka gusto mong ikaw ang magharvest sa lahat nang mangga dito?"
"Ito naman insan oh..relax! Naninibago lang talaga ako sayo..but seriously and honestly speaking, ibang iba yung pananaw mo ngayon kesa pananaw mo nung di ka pa kinakasal o mas sabihin nating noong di mo pa siya nakilala!"
Humalukipkip siya dito. "Ang tawag diyan insan MATURITY! May maganda palang naidulot sayo ang pag-aasawa kasi mas naging RESPONSIBLE ka sa lahat nang bagay!"
"Tigilan mo akong bolahin wala kang mapapala sakin! Ulol!"
***********
Agad niyang napagdesisyunan na puntahan si Jeson sa pwesto kinaumagahan. Kailangan niya itong makita at makausap. Ngunit sumaglit muna siya sa kanilang bahay para kunin pa ang ilang natira niyang gamit.
Mga alas dos na yata nang hapon nang magtungo siya sa bayan at naabutan niya si Jeson na busy pa sa mga ginagawa nito kaya naman mas minabuti niyang tumambay muna sa tindahan na malapit doon.
"Ang gwapo ni kuya Jeson no Ma?" Rinig niyang sabi nang isang nagdadalagang bata. Imbes na makaramdam siya nang selos ay napangiti pa siya dahil madami din palang nakaka appreciate sa kagwapuhan nito.
"Oo anak ..kaswerte nang girlfriend niyan mabuti pa ay itali na niya si Jeson nang di na makawala pa!"
Unti unting nabura ang ngiti sa kanyang mga labi. Iyon naman dapat ang plano ang makasal na sila kung di lang dahil sa kanyang magulang at sa mga Gaudie. Mapait niyang sinulyapan ang kanyang nobyo at para siyang nanlamig sa kanyang kinauupuan nang makitang pinupunasan ni Roselle ang pawis ni Jeson sa noo at nakangiti pa silang pareho!
Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at naglakad palapit sa dalawa. Sinalo niya ang panyo na dapat ay lalapat sa leeg ni Jeson at nang tumingin sakanya si Roselle ay ginawaran niya ito nang sampal.
Sa lakas nang sampal na iginawad niya ay napaatras pa ito. "Pearlyn!" Malakas na sigaw ni Jeson sakanya at humarang sa harapan niya. Nakatingin na sa kanila ang mga tao.
"Sabi na nga ba't iba ang pakiramdam ko sayo! Alam mo bang itong kinekerengkeng mo ay boyfriend ko?!"
Dinuro duro niya si Roselle na sapo sapo parin nito ang pisngi na kanyang sinampal. "Hoy Roselle! Lahat nang nababalitaan ko at nakikita ko binabalewala ko pero sa puntong ito na naakto kita ay ibang usapan na ito! Malandi ka! Mauubusan ka ba nang lalaki at yung taken pa ang gusto mo?!"
Nayuko lamang ang babae sakanya habang sinasangga naman ni Jeson ang kanyang daliri at inaawat siya nito dahil sila na ang pinag uusapan doon.
"Ano?! Ipagtatanggol mo iyang babaeng iyan ha?! Ano ha?!!! May namamagitan na sa inyo ganun? Ano Jeson?! Sagutin mo ako!"
Di na kayang pigilan ang kanyang damdamin dahil kapag di niya iyon ginawa ay baka mabaliw na siya.
Nakita niyang napalunok si Jeson at tadtad na ito nang pawis sa mukha. Doon siya natakot, natakot siya sa kung ano ang isasagot nito sakanya. "Pearl it's not--"
"Ano Jeson? Itatanggi mo parin ba ako? Akala ko ba nag-usap na tayo?"
Nakuyom niya ang kanyang kamao at kapag di siya nagpigil ay baka mabanatan na ito nang wala sa oras. "Ahh..nag-usap na pala kayo!" Baling niya kay Jeson na nanatiling walang imik.
"Oo! Nag-usap na kami! Ako na ang magsasabi nang totoo sayo! Oo may relasyon kami at may pagkakaintindihan na kami!"
Isang sampal ulit ang iginawad niya kay Roselle ngunit sa puntong ito ay matapang nang humarap ito sakanya.
"Ang kapal nang mukha mong babae ka! Mang-aagaw!"
"Tawagin mo na ako sa lahat nang gusto mong itawag sakin! Pero wala akong pakialam! Wala akong inaagaw na kahit ano sayo dahil bago pa maging kami nitong boyfriend mo ay sinabi na niyang wala na siyang nararamdaman sayo--"
"Roselle!!!" Awat dito ni Jeson ngunit nagpatuloy parin ito. Hindi mapigilan nang kanyang luha na umagos sa kanyang pisngi..
"At anong sabi mo? Makapal ang mukha ko? Sino kayang mas makapal ang mukha? Ako na single na nagmahal sa taong single o ikaw na may asawa at kasal na, na nakikipagtagpo at pilit na ipinagsisiksikan ang sarili? Mas makapal ka!"
Sunod sunod ang pag-agos nang kanyang luha dahil sa pagkapahiya. "Nako..akala ko siya yong legal na gf may asawa na pala, bakit pa naghahabol sa dating bf niya kung may asawa na pala siya?"
"Hala may asawang tao nakikipag agawan pa sa ibang lalaki?"
"Wala naman itong delekadesa.. nakikikabet!"
Umatras siya nang maramdaman niya ang pangangatog nang kanyang tuhod lalo na nang marinig nito ang bulungan nang mga tao roon.
"Pearl let me explain--"
Ngunit tinalikuran na niya ito at tumakbo palayo sa mga tao..
-itutuloy-
Joden15
BINABASA MO ANG
LEGENDARY BOYS #6: Fire Gaudie (COMPLETED)
Romance-WARNING: SPG [MATURE CONTENT]- LEGENDARY BOYS #6: FIRE GAUDIE He's CUTE. SEXY. FLIRT. SEDUCTIVE. BOSSY. ANNOYING. PLAYER. CENTER OF ATTRACTION. HAPPY GO LUCKY in short... He's not ready to take a Big Responsibility in life. Fire Gaudie at the age o...