#TheFINALE
#withSPECIALCHAPTERMAINGAT NA UMUPO SI MARIE SA KANYANG TABI AT SINAMAHAN SIYA NITONG NAKAMASID SA MADAMING ILAW NA PARANG ALITAPTAP MULA SA IBABA HANGGANG SA ITAAS NANG BUNDOK.
"Ang Gandang tignan ano? Akalain mong magkakaroon din sila nang ilaw doon"
Napangiti siya at sinulyapan si Marie sa kanyang tabi. "Oo nga.." tipid niyang sagot dito na kasing tipid nang kanyang mga ngiti.
"Ang dami din palang nabago dito.." dagdag niya.
"Oo..tatlong taon ka ding nawala--pero tignan mo ngayon..di lang ilaw ang meron sila sa bundok..nagkaroon na din sila nang Health Center at di lang iyon..may tinatayo na din na maliit na hospital para dina mahirapan ang mga tao lalo kaag umuulan at bumabagyo. Naayos na din ang daan doon"
Masaya ang kanyang kaibigan habang kinukwento ang mga improvement nang baryo at sa bundok.
"Lahat iyan dahil sa tulong ni Fire--Tinupad niya ang sinabi niya. Ang pangako niya sa bundok at sayo--"
Napangiti siya nang mapait at muling sinariwa ang mga araw at sandali na magkasama sila sa baryo at sa bundok. Ang sarap sanang balikan ang mga iyon..
"Kumusta na din kaya si Fire ano? Nakamove-on na din kaya siya gaya mo?"
Napatingala siya sa kalangitan. Kumusta na kaya si Fire? Walang araw na hindi niya iyon naitatanong sa kanyang sarili habang nasa malayong lugar. She missed him so much..
"Ewan ko.."
"Paano kapag nagkita kayo? Tapos may asawa na pala siya at may pamilya na? Okay lang ba talaga sayo?"
Pinagdarasal niya na sana nga ay hindi..pero nakahanda ba talaga siya kung sakaling magkita sila muli? Kya ba niyang tanggapin kung may pamilya na ito? In the First Place..siya ang nang iwan..
"Siguro kung di ka umalis--may anak na kayo ngayon..siguro kung pinaniwalaan mo siya--"
"Pinaniwalaan ko siya..naniniwala ako sakanya..Pero kelangan kong lumayo--Ang daming nangyari Marie..nadamay pati pamilya ko at malalapit sa amin--hanggang dumating sa punto na parang nakulangan ako sa sarili ko. Parang may kulang na diko maintindihan. Tumanggi akong maging witness sa pagkamatay ni Jeson at isang banta ang natanggap ko mula sa pamilya niya..muntikan ko nang nawala si Papa..ayokong pati si Fire madamay pa ulit--mas pipiliin ko pang masaktan siya dahil sa iniwan ko siya kesa kapalit ang buhay niya.."
"Pearl..hindi ko alam--"
Tumulo ang luha niya mula sa kanyang mata. Iyon ang dahilan kaya pinili niyang iwan ito at magpakalayo layo. Pero ngayon ay hinaharap na niya ang consequences nang desisyon niya.
"Mahal mo parin siya?"
Tumango siya nang paulit-ulit.. "Sobra Sobra Marie..Sobra!"
Niyakap na lang siya nito nang hindi na niya mapigilan ang mapaiyak nang todo at di na kayang kontrolin ang kanyang emosyon.
**********
"MAAM ANO PONG ORDER NILA?"
Tinuro niya ang menu sa itaas "Cappucino then Moist Chocolate Cake"
"Ok Maam"
Habang nasa pila siya at inaantay ang kanyang order sa isang Cake Shop ay tumitipa naman siya sa kanyang cellphone.
"Good Morning Sir..ano pong order nila?" Tanong nang crew sa kabilang linya.
"May 3in1 coffee ba kayo?"
Napangiwi siya at napangiti nang marinig iyon sa counter ngunit nakayuko parin siya habag nagcecellphone.
"Maam eto na po ang order nito"
BINABASA MO ANG
LEGENDARY BOYS #6: Fire Gaudie (COMPLETED)
Romansa-WARNING: SPG [MATURE CONTENT]- LEGENDARY BOYS #6: FIRE GAUDIE He's CUTE. SEXY. FLIRT. SEDUCTIVE. BOSSY. ANNOYING. PLAYER. CENTER OF ATTRACTION. HAPPY GO LUCKY in short... He's not ready to take a Big Responsibility in life. Fire Gaudie at the age o...