CHAPTER 15

8.5K 269 9
                                    

SALUBONG ANG KILAY NI RED HABANG PAPALAPIT ITO SAKANYA.

"Ano itong ginawa mo at iniwan mo si Marga sa labas nang Bar? Pambihira insan ikaw pa ba yan?"

Tinaasan niya ito nang kilay at inilapag sa maliit na table ang hawak na diyaryo.

"Uhmm..bat parang galit ka?"

Hinila nito ang upuan sa kanyang tabi at doon ito umupo. Inagaw pa nito ang inumin niyang kape.

"Alam mo bang nagwala si Marga sa loob nang Bar dahil sa ginawa mong pang-iiwan sakanya sa labas at hindi lang iyon..galit na galit na siya dahil tinanggihan mo siya!"

Inismiran niya ito at agad na inagaw ang kapeng nasa kamay ni Red. "Hey! Ikaw pa ba talaga yan insan? Comw on! Don't tell me man tamado kana kay Pearlyn?"

Hindi siya umimik hinayaan lang niya si Red na asarin siya. Ewan ba niya pero walang dating yung pangangantyaw nito sakanya ngayon.

"Okay maiba tayo..kumusta yung plano mo?"

"Were getting Married tomorrow--"

Biglang napatampal si Red sa lamesa na ikinabigla niya. "Ano? Bukas? Agad agad?"

Nginisian niya ito "anong problema mo doon?"

Tumawa ito nang malakas sabay tampal nito sa lamesa nang paulit ulit. "Pakakasalan mo talaga? Fucker ni hindi mo pa natitikman kung pasado ba ang Flavor o hindi tapos kasal agad?"

"Gago! Anong akala mo sa kasal? Kelangan may Flavor? Tigilan mo ako Pula"

"Aba! Pumupula kana ngayon pero tinanggihan mo naman ang isang mapula-pulang mansanas ni Marga yehaaaaaa!!!!"

Sinaboy nito ang kaunting kape na natira sa kanyang tasa na naagapan naman ni Red na ilagan.

"Bakit di nalang ikaw ang kumain sa mansanas niyang pula? Tutal kapareho mo naman nang pangalan PULA!"

Humagalpak ito nang tawa tsaka biglang sumeryoso. "Anyway..bilib na talaga ako sa nagagawa nang isang babae at iba talaga ang epekto kapag inlove at ikaw ang pinaka magandang example nun insan!"

Nirolyo nito ang diaryo tsaka ipinalo sa ulo ni Red. Napakalakas kasi nitong mang-asar.

"Tigilan mo ako at di ako inlove.."

"Asus! At ano naman itong kasal kasalang napapayag ka agad agad? Dahil ayaw mong maging step mom? Aruy!!! Di na ako maniniwala"

"Sabihin na nating..She's a Big Challenge to me Red, at di ako tumatanggap nang pagkatalo alam mo yan! I will make her fall for me no matter what!"

Narinig niya ang palakpak nito sa kanyang tabi. "Tama yan! Eh..paano iyan wala talagang plano? Yun lang dahilan mo kaya mo pakakasalan? Iba ka din eh!"

"I offer her pero parang ayaw naman niya well wala naman akong magagawa"

"Anong offer ba iyon?"

Napangiti siya dito "sabi ko lets give it a try..kung di magwork ang marriage na ito then will get a Divorce, isang taon lang naman ang aantayin niya kaso ayaw eh..bahala siya"

Napaisip bigla si Red sa kanyang sinabi "mautak ka din insan ano?! Eh paano kung ikaw pala ang nahulog at siya hindi? Paano ka na?"

Sinamaan niya ito tingin "kanino ka ba kampi? Sakin o sakanya?! Of Course di ako magpapatalo! Siya at siya ang mahuhulog sakin! Sapakin kaya kita diyan!"

"Jowk lang..pero seryoso ha! Ginawa mo namang laro ang kasal..baka mamaya makarma ka at mabaog ka bigla! Boom! Baka magwala Daddy mo makalimutang ibigay ang mana mo lagot ka!"

"Kilala mo ako insan..hindi ako pumapasok sa isang laro kung alam kong matatalo ako.."

But deep inside may parte sa kanyang puso na nag-aalangan siya sa kanyang pinasok. Pero hindi siya pwedeng umatras kung hindi sa kama nang kanyang ama babagsak ang babaeng bumabaliw sa kanya!

***********

"Marie!!!!!" Humahaguhol siya habang papalapit sa kanyang kaibigan. Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay nang makita niyang umalis ang mga magulang nito at nagtungo manggahan.

"Pearlyn! Hala! Bakit ka umiiyak?"

Sinalubong siya ni Marie at tarantang taranta ito dahil sa kanyang pag-iyak. Sino namang hindi mapapaiyak sa kanyang sitwasyon kung matatali na siya bukas sa isang taong di naman niya mahal! Balak na nga sana niyang tumakas ay bumalik nang maynila ngunit kapag ginawa naman niya iyon ay paniguradong di na niya makikita pa si Jeson.

Iginiya siya ni Marie patungo sa likod bahay nila kung saan ay naroon ang papag na pinagtutulugan nila nang tanghali.

"Ano bang problema? Bakit ka umiiyak? Nagbreak na ba kayo ni Jeson? Sabihin mo at uupakan ko!"

Ngumiwi siya at pinunasan ang mga butil nang luha na nalaglag sa kanyang pisngi.

"Hindi! Mas matindi pa ito sa Breakup Marie..ang sakit ang hirap tanggapin!"

Mas lumakas pa ang pag-iyak niya habang si Marie ay humahagod sa kanyang likuran para patahanin siya.

"Eh ano ba iyan? May Dysmenorrhea ka? O tinubuan ka nang pigsa sa singit?"

"Mas malala pa Marie!!!!!"

Pinalo palo nang kanyang kamay ang papag na kinauupuan nila "Mas malala pa sa problema nang mga superhero!!!"

Napakamot si Marie sa kanyang ulo dahil di nito maintindihan ang kanyang sinasabi "Pearl..hindi ko na magets..sabihin mo nalang ano bang problema mo kung di naman kayo nag break ni Jeson? Si Jeson lang naman dahilan nang luha mo palagi eh!"

"Marie..ikakasal na ako!!!!!"

Nanlaki ang mata nito sa kanyang tinuran "talaga? Kanino? Kay Jeson? Kaya ka umiiyak kasi ikakasal ka sakanya tapos nalaman mo di lang pala ikaw ang babae sa buhay niya?"

"Huwag kang OA Marie masasapak kita! Hindi!!! Hindi kay Jeson!"

"Hindi kay Jeson? Ahhh!!! Kaya naman pala labis ang pag-iyak mo dahil di kay Jeson eh kanino ba?"

Tinignan niya ito at muling naluha.."Kay Fire!!!! Ang malas ko Marie!!!"

Natulala ito dahil sa kanyang sinabi. Ni hindi ito gumalaw at nanantiling nakabuka ang bibig nito sa kanyang nalaman. Hanggang sa umiyak na din ito at sinabayan siya..

"Bakit ka umiiyak?!" Tanong niya dito..

"Ang sakit kasi!!!! Ang swerte swerte mo tapos sayo pa napunta ang mahal ko!!! Ang malas ko talaga!"

Parehas na silang umiiyak. Umiyak sila hanggang sa napagod silang pareho. At nang mahimasmasan sila ay nag-usap sila nang masinsinan.

"Marie tulungan mo naman ako.."

"Ano na naman bang binabalak mo Pearlyn? Ang swerte swerte mo na nga umaayaw ka pa!"

Hinawakan niya ang kamay nito "samahan mo naman akong kausapin si Jeson. Baka kasi di ko kayanin..please sige na"

Suminghot singhot si Marie "oh sige..sasamahan na kita pero--siguraduhin mong imbitado ako sa kasal mo.."

Naluha agad siya at kahit ayaw niyang tumango ay ginawa niya. Ang pinoproblema niya ngayon ay kung paano niya ipapaliwanag kay Jeson ang lahat..

-itutuloy-

Joden15

LEGENDARY BOYS #6: Fire Gaudie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon