CHAPTER 14

8.2K 267 11
                                    

"YOU TWO WILL GETTING MARRIED BY NEXT DAY"

Halos lahat sila ay napanganga at napa 'WHAT' Dahil sa biglaang pagdedesisyon nang matandang Gaudie.

"Bakit naman napakabilis naman po yata Mr. Gaudie?" Tanong nang kanyang ama sa matanda.

"Bakit pa natin patatagalin kung diyan din lang naman sila mapupunta diba? Anyway naasikaso ko na ang lahat kaya wala nang magiging problema"

Tinaliman niya nang tingin ang binata at kapagkuwan ay kinayod niya ito nang nakamamatay na tingin.

"Isang magarbong kasalan ang mangyayari--"

"Ayoko" singit niya at lahat sila ay napatingin sa kanyang gawi. Wala na nga yata siyang ligtas sa kasalang ito.

"Pearlyn!!!" Sita sakanya nang kanyang ina ngunit biglang tumayo si Fire at nagsalita.

"Dad pwede bang pag-usapan muna namin ito ni Pearlyn bago kayo magdesisyon?"

Lumipad ang kanyang mata sa binata na ngayon ay nakatuon sakanya ang paningin nito.

"Okay..have time for it Son"

Nang ayain silang kumain ay pumuslit siya at nagpunta sa labas at ang hindi niya alam ay sinundan pala siya nang binata.

"Are you okay?"

Sinamaan niya ito nang tingin at biglang tinalikuran. Nagtungo siya sa pinakadulo nang beranda kung saan hindi na naaabot nang liwanag nang ilaw.

"Bakit ka nandito? Pwede ba lumayo ka sakin?!"

"Are you mad at me?" Tanong nito sakanya na mas nakadagdag sa inis na kanyang nadarama. Hindi na dapat nito iyon tinatanong dahil halatang halata naman na naiinis siya dito.

"Akala ko ba pag-iisipan mo?! Bakit may date na ang kasal? At sa susunod na araw na?! Ano ba! Nakiusap naman ako sayo diba?! Alam mo ang rason!"

Napangisi ito sakanya. "Whats wrong with it? I mean..anong mali sa pagkakasal natin? Single ako..single ka"

Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang pakay nito kung dahil ba sa utang nila o ano.

"Mr. Gaudie hindi laro ang pinapasok natin. Hindi mo yata alam ang ibig sabihin nang Kasal?" Pinamewangan niya ito "para sabihin ko sayo ang Kasal ay hindi biro panghabang buhay kang magpapatali. Ikaw? Gusto mo bang matali sa isang relasyon na wala ka namang nararamdamang pagmamahal? Makakaya mo bang panindigan ang isang taong ni hindi mo naman kilala at walang pag-ibig sa pagitan niyo? Kasi ako..Hindi ko kaya! Hindi kita kilala. Tapos ano? Ipapatali ako sayo? Ayoko!"

Tiim bagang ito napatitig sakanya at pakiramdam niya ngayon lang siya kinilabutan nang ganun sa harapan nito. Ngunit hindi siya nagpahalata sa binata palihim niyang nagusot ang laylayan nang kanyang suot na blusa dahil sa takot..

Napaatras siya nang makitang humakbang ito palapit sakanya. "Ganyan mo ba ako kadis-gusto para tanggihan mo akong pakasalan ka?"

Naramdaman niya ang grill nang beranda mula sa kanyang likod kahit gustuhin pa niyang humakbang palikod ay wala na siyang magagawa dahil sagad na.

Kahit madilim ay naaaninag nito ang mukha ng binata dahil sa kaunting ilaw na umaaninag mula sa loob. Sinalubong niya ang mga mata nito. Nakita niya kung paanong umapoy ang mga iyon.

Paano nga bang hindi niya tatanggihan ang isang kagaya nito? Bukod sa presko at mayabang ito sa kanyang paningin ay mapagsamantala pa! Mapagsamantala sa sitwasyon! Idagdag na din ang di magandang imahe nito sa ibang tao na kesyo babaero daw ito at madaming babae! Isa sa mga bagay na pinakaayaw niya sa isang lalaki!

Humakbang siya sa gilid para takasan ito ngunit maagap ang binata at nakorner siya nito. Ngayon ay gahibla na lamang ang agwat nila. Napapalunok siya dahil nasasamyo nang kanyang ilong pabango nito na parang nakakapaghipnotismo sa kanyang katinuan.

"Pwede ba umalis ka nga sa harapan ko!"

Gusto niya itong itulak pero natakot siyang hawakan ang kahit anong parte nang katawan nito. "Paano kong ayokong umalis? Paano kung halikan kita ngayon? Anong gagawin mo?"

Nanlaki ang kanyang mata dahil sa sinabi nito. Huwag na huwag lang nitong totohanin ang sinabi niya at baka maihulog niya ito sa beranda.

"Bastos ka talaga!" Tumaas ang kanyang kamay para sampalin ang binata ngunit nasalag nito iyon. At ang sumunod na nangyari ay di niya inaasahan. Sa kauna unahang pagkakataon ay lumapat ang labi nang binata sakanya. Pakiramdam tuloy niya ay naalisan siya nang lakas lalo na ang kanyang tuhod. Para siyang nawala sa sarili saglit lamang ang paglalapat nang kanilang mga labi at agad ding itinigil iyon nang binata.

Nang makabawi siya ay agad niya itong itinulak "kahit kaylan bastos ka talaga! Wala kang kasing bastos!"

Ngunit hinigit nito ang kanyang braso "Now tell me..ganun ba ako kadaling tanggihan?"

"Kung gaano kahirap tanggapin ang sitwasyon na pakasalan ka ganyan din kadaling sagutin ang tanong na iyan! Oo! Ganyan ka kadaling tanggihan!"

Binawi niya ang kanyang braso at nagsimulang maglakad nang marinig nito ang tinig nang binata na nakapagpatigil sakanya.

"Okay..just give it a try"

Hindi siya humarap dito at hinintay ang susunod na sasabihi nito. "Lets get Married then after a year kung talagang diagwowork-out ang marraige na ito then lets get a Divorce..hows that?"

Para siyang mag-aapoy sa galit dahil sa suhestiyon nito. "Ganun lang ba talaga sayo ang Kasal?" Napatawa siya nang pagak sa binata. "Bilib din naman ako sayo! Pati Kasal ginagawa mong laro? Ano to? Trial and error?! Ayoko!"

Tinalikuran niya muli ang binata "well iyan lamang ang mabibigay kong tulong sayo..if you dont want to accept it then nasayo yan"

Nagpupuyos ang damdamin niya habang pabalik na ito sa kinaroroonan nang kanyang magulang. Still she cant believe what's Fire offer to her..

Pero ayaw niyang magpadalus dalos sa pagdedesisyon ngunit paano pa niuang pag-iisipan ang bagay na iyon kung limitado na ang oras niya?

She's runni'n out of time pero may bahagi nang kanyang utak na nagsasabing sunggaban na lang ang naging suhestiyon nang binata sakanya atleast one year lang naman. Ngunit sumagi sa kanyang isipan si Jeson.

Nanlumo siya at parang pinipiga ang kanyang puso dahil sa nagiging sitwasyon nila. Ilang araw na itong tila iwas sakanya tapos ito pa ang problemang kinakaharap nila..

May pag-asa pa kayang maisalba ang relasyong meron sila ni Jeson? Kailangan niyang makausap ito sa lalong madaling panahon!

-itutuloy-

Joden15

LEGENDARY BOYS #6: Fire Gaudie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon