NAKATAYO SIYA SA MAY BINTANA HABANG PINAGMAMASDAN ANG LIKURAN NANG ISANG TAO.
"Di kaya--sobra naman yung ginawa mo sakanila? Pinakain na nga ni lola nang almond galing sa bunganga niya tapos pina-ulam mo pa nang dagang bukid at bayawak..aba! Eh paano kung di kayanin nang tyan nila? Di pa naman sila sanay"
Tinabihan siya ni Marie at pareho silang nakadungaw sa bintana. Nauna na kasing pumasok si Red sa kwarto na tutulugan nito marahil ay pagod ito sa pagmamaneho paakyat kaya maagang dinalaw nang antok.
"Bahala siya ano! Paki ko naman!" Pero ang totoo niyan ay nakaramdam siya nang kaunting guilt. Ginawa lang naman niyang paulamin ito nang dagang bukid at bayawak para makita ang reaksiyon nito and that was funny! Di naman kasi ito sanay sa,mga ganuong ulam Exotic foods!
"Di kana naawa sakanya..wala naman siyang ginagawang masama eh--tignan mo nga siya..alam mo ang swerte mo lang talaga..bakit kung hindi mo nalang ibaling yung nararamdaman mo sa asawa mo para unti unti mo nang makalimutan ang taksil na si Jeson?"
Napabuntong hininga siya at hinarap si Marie. "Di yun ganun kadali..isa pa--hindi siya yung tipo ko..masyadong malayo siya sa lalaking pinapangarap ko"
"At ano ang lalaking pinapangarap mo? Yung kagaya ni Jeson? Minsan kasi mahirap din na may kraytirya tayo lalo sa lalaking mamahalin natin kasi nga walang perfect! Hindi lahat nang gusto mong katangian nasa iisang lalaki..walang ganun! Isa pa--mas malayong mas ideal si Señorito kesa kay Jeson"
Pinilig niya ang kanyang ulo at napapaisip. "Ano bang nakikita mo kay Fire at parang botong boto ka sakanya?"
Pinanlakihan siya nito nang mata "ano bang nakikita mong pagkakaiba nila?"
"Si Jeson tahimik lang. Kapag di mo na kinausap di na kikibo. Si Fire makulit. Matalak. Nakakainis! Yung tipong kahit di mo pinapansin o kinakausap para lang siyang baliw na kinakausap ka! Si Jeson parang mahinhin na babae ang dating, may pagka conservative SAKIN!--" umikot ang kanyang mata dahil naalala niya ang pagiging conservative kuno nito pagdating sakanya samantalang sa iba gumagapang pala!
"Si Fire..malaswa! Manyak! Makapal! Mahangin! Mayabang! Naiinis ako kasi ang Flirt niya!"
Biglang natawa si Marie sakanyang reaksiyon. "Good side binigay mo kay Jeson naging bad side naman kay Fire eh ano bang Good Side ni Fire?"
Ano nga ba? Napatingin siya sa likuran nang lalaking nasa papag at nakatanaw sa madaming ilaw sa ibaba nang bundok.
"Caring siya at may..Sense of Humor"
"Iiihhhhh...alam mo sa sinabi mong iyan lamang na lamang na siya kay Jeson! Siya na siguro si Mr. Right mo..ang kaso di mo tipo eh--sayang naman si Señorito kung pakakawalan mo pa..wala ka bang kahit na anong nararamdaman man lang sakanya? Pagmamahal na kahit konti o paghanga man lang?"
Ang totoo niya ayaw na ayaw niyang tinititigan ito sa mata kasi pakiramdam niya nilulusaw nito ang galit na meron sakanya. Takot siyang mapalapit dito dahil bumibilis ang pintig nang puso niya at di siya makahinga kapag magkalapit sila. Nasasagi lang nito ang kanyang balat nang di sinasadya ay para siyang nakukuryente..
Iba siya..ibang iba ang pakiramdam niya kapag kasama at magkalapit sila ni Jeson sa nararamdaman niya kay Fire kapag ito ang malapit sakanya. Hindi niya iyon maipaliwanag sa kanyang sarili. At hindi iyon maganda para sakanya.
Unti unti siyang ngumiwi.."Wala akong maramdaman..hindi ko alam--ewan ko, tsaka--di ko kaylangang makaramdam nang kahit na ano sakanya isang taon lang at lalaya na kami pareho sa sitwasyon na ito"
"Ayaw mo bang subukan man lang? Ayaw mo bang gamitin siya para kahit papano makalimutan mo si Jeson?"
Gamitin? Subukan?..
BINABASA MO ANG
LEGENDARY BOYS #6: Fire Gaudie (COMPLETED)
Roman d'amour-WARNING: SPG [MATURE CONTENT]- LEGENDARY BOYS #6: FIRE GAUDIE He's CUTE. SEXY. FLIRT. SEDUCTIVE. BOSSY. ANNOYING. PLAYER. CENTER OF ATTRACTION. HAPPY GO LUCKY in short... He's not ready to take a Big Responsibility in life. Fire Gaudie at the age o...