CHAPTER 11

8.7K 271 13
                                    

BINUHAY NITO ANG ISANG MALAKING BASKET NA MAY LAMANG MANGGA AT INILAGAY IYON SA ISANG MALAKING KARTON.

"Naku! Señorito kami na pong magbubuhay niyan magpahinga nalang po kayo"

Awat sakanya nang isang matanda nang akmang bubuhatin na naman niya ang isang malaking basket na punong puno nang hinog na mangga.

"Okay lang po mang--ano po bang pangalan niyo?"

"Poldo..poldo po Señorito"

Ngumiti siya sa matanda "okay lang mang poldo kaya ko pong buhatin ito"

"Hayaan niyo na siyang Poldo mas mabigat pa diyan ang barbel na binubuhat niyan sa gym kada araw kesa diyan sa isang tekles na mangga"
Singit ni Red na nakahalukipkip sa kanyang likuran.

"Aba! Eh kaya naman pala ganyan kalaki at kaganda ang iyong katawan Señorito dahil sa paggi-gym mo aba eh..baka pwede ko din buhatin iyong barbel na binubuhat mo para gumanda rin ang katawan ko ano?"

Natawa si Red dahil sa pagpapatawa nang matanda "naku mang Poldo baka magiba po yang mga buto niyo kapag binuhay niyo iyon..mag-inuman nalang po tayo mamayang hapon"

Nagsitawanan ang mga taong nandoon na kasama nila. "Aba'y maganda nga iyang sinabi mo Sir Red pampainit man lang sa gabi"

Tumulong si Fire sa pagbubuhat nang mga mangga na hinaharvest sa kanilang manggahan. Para siyang nasisiyahan sa kanyang ginagawa. Ngayon lang kasi ito nakaranas nang ganito malimit naman kasi siyang umuwi dito sa probinsiya.

"Ita'y!!!! Nandito na po kami!"

Napatingin siya sa direksiyon nang sumigaw. Para siyang naestatwa nang makita ang isang dalaga na naglalakad palapit sa kinaroroonan nila.

"Ita'y ito na po yung pananghalian niyo--ehh" natuon sakanya ang paningin nang dalagang bagong dating.

Halos mamatay na siya dahil sa talim nang tingin nang babaeng nasa likuran nang anak ni mang Poldo. "Oh! Pearl nandito ka pala iha! Ahh--Señorito ito pala iyong anak ko si Marie"

"Hi po.." pero di niya ito pinansin dahil nakatuon ang kanyang mga mata sa iisang imahe. Napansin yata iyon nang matanda kaya naman binalingan nito si Pearl.

"Ito po pala si Pearl kaibigan nang anak ko"

"Sige po Mang Poldo, Marie aalis na ako may pupuntahan pa kasi ako"

Pero bigla itong pinigilan nang anak ni Mang Poldo. "Ahh!!! Alam mo Pearl samahan mo nalang ako doon para magseggregate nang mga mangga tuturuan kita halika na!"

Walang nagawa ang dalaga nang hilain siya nang kaibigan nito patungo sa kinaroroonan nang mga matatandang babae kung saan sila ang naghihiwalay sa mga first class na mga mangga.

Sinundan niya nang tingin ang dalawa hanggang sa nakatanggap siya nang siko mula kay Red.

"Sino iyon? Kilala mo? Parang mababali ang leeg mo ah!"

Nginisian niya ito "Soon to be my wife" mahina lang ang pagkakasabi niya ngunit tila mabulunan sa manggang kinakain nito si Red.

"Say what?! Yung Marie?"

Malakas niyang binitawan ang hawak na basket at bumagsak iyon sa paa ni Red dahil doon ay malakas na napasigaw ito sa sakit. "Fuck you! It's not Marie! It's Pearl!"

Muli niyang binuhat ang basket at iniwan si Red na dinaluhan nang ilang tao roon para usisihin ang nangyari.

***********

Inis siyang napapatingin sa lalaking nasa di kalayuan sakanila. Kung alam lang sana niyang narito ito ay do na siya sumama pa kay Marie at ito namang kaibigan niya di man lamang makaramdam na ayaw niya sa presensiya nang binatang Gaudie!

"Napaka gwapo niya ano?! Iiihhhh! Tapos mabait pa"

"Ano namang kinabait niyan?!" Asik niya dito habang hinihiwalay ang mangga sa malilinis at sa may bulok.

"Ano ka ba! Tignan mo nga sila may-ari nang manggahan na ito pero eto siya tumutulong!"

Inirapan niya ito at tsaka yumuko para magkoncentrate sa ginagawa nang magsalita sa kanyang tabi si Marie.

"Diyos ko po!"

Binalingan niya si Marie at para itong naengkanto dahil nakatulala ito sa isang banda. Nang lingunin niya ang tinitgnan nang kaibigan ay para bang naging slomo ang nangyari.

Mula sa paghawak nang binata sa laylayan nang t-shirt nito hanggang sa hinubad nito iyon paitaas..Ang katawan nitong naliligo na sa pawis na kahit matagal ito sa maynila at foreigner ang ama nito pero ang kulay nang balat nito ay pilipinong pilipino!

Napalunok silang pareho ni Marie nang lukutin nito ang damit at ipinunas sa katawan nito. Para silang nanonood nang Advertisement sa TV sa ginagawa nang binata.

Di nahiwalay sa kanyang paningin ang sumunod na ginawa nang binata nang buhatin nito ang basket at ilagay iyon sa balikat nito.

Di naman maitatanggi na maganda ang hubog nang katawan nito na tila alagang alaga. Hindi niya maikakaila na maganda ang katawan nito lalo pa at ngayon lang siya nakakita nang ganito sa personal!

"Eto na po ang mga mangga. Huli na po iyan" wika nang binata sa ina ni Marie at inilagay iyon sa kanilang harapan.

Nainis siya dahil para bang sinadya nang binata na sa kanyang mismong harapan ilagay ang mga iyon tuloy ay nasamyo niya ang mabanggong amoy nito. Nagpapawis na ito pero nagtaka siya bakit amoy perfume parin ito kahit tulo pawis na!

Sinulyapan siya nito bago umalis at di rin nakaligtas kay Marie ang pagngiti nang binata sakanya.

"Ngumiti siya! Ngumiti siya sayo!"

Kinikilig kilig parin si Marie sa kanyang tabi dahil sa nasaksihan nito. Well..wala naman siyang pakialam dahil balewala naman sakanya iyon! Nainis pa nga siya eh!

"Tumigil ka nga! Guni-guni mo lang iyon diko napansin na ngumiti siya! Tignan mo nga yang manggang hawak mo tumulo na ang katas sa kakapisil mo!"

Tawang tawa naman ito nang ihagis ang manggang di na pwede dahil napisil na niya nang sobra.

Nang balingan niya ang binata ay nakaupo na ito sa silong nang mangga kasama ang isa pang binata na kung di siya nagkakamali ay nagngangalang Red na pinsan ni Fire.

Panakaw niyang pinasadahan ang katawan nito. Shit! Para siyang namula nang matuon ang kanyang mata sa pusod nito. She's wondering..

Bakit kaya may mahahabang buhok ang binata mula sa ibaba nang pusod nito?

Biglang umakyat lahat nang dugo niya sa sa katawan dahil sinundan nang binata ang kanyang tingin sa pusod nito at nang magtama ang kanilang mga mata nakita niya itong napangisi sakanya..

Isang malaking kahihiyan na naman ang nagawa niya..

-itutuloy-

Joden15

LEGENDARY BOYS #6: Fire Gaudie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon