CHAPTER 35

7.9K 249 19
                                    

#PagdududaniPearl
#evidence
#FireisonFire

"MRS. GAUDIE GUSTO PO SANA NAMIN KAYONG MAKAUSAP REGARDING SA IMPROVEMENT NANG IMBISTIGASYON SA NANGYARI PO SA INYONG AMA"

Nakaramdam siya nang kaba habang pinagmamasdan ang mga pulis habang kausap ang kanyang asawa kasama siya.

"Sir ano pong balita? May ibedensiya na po ba kayong nahanap?"

Tinignan siya nang isang pulis "Sadly to say..pero wala kaming makuhang lead..sa mga nakakita nang insidente ay di nila nakuha ang plate number nang sasakyan"

"Eh paano po iyon Sir? Yung Cctv footage? Baka makita po doon Sir"

Nagkatinginan ang mga ito bago ulit tumingin sa kanyang direksiyon. "We are so sorry Mrs. Gaudie peri nang puntahan namin ang Cctv kanina ay walang nakuha sa gabing iyon."

Kunot noong tinignan siya ni Pearl at parang nawawalan nang pag-asa. "A--ano pong ibig niyong sabihin? Na nabura?"

"Possible Mrs. Gaudie pero pwede ring baka nawalan iyon nang kuryente sa oras na iyon o kaya ay pumalya ang Cctv. Pero huwag po kayong mag-aalala gagawin namin lahat para makakuha nang lead kung sino ang nakabangga sa inyong ama--aalis na po kami"

Tumango lamang siya sa mga ito at nang makaalis ay nanlulumo siyang napaupo. Naaawa siya sa kanyang Misis at nakaramdam siya nang pangongonsensiya sa sarili. Goddamn that Jeson!

"Pa--paano na ito? Bakit parang pakiramdam ko may kakaiba sa nangyayari. Bakit pakiramdam ko parang may humaharang sa imbistigasyon sa pagkakabangga ni Papa?"

Napaiwas siya nang tingin kay Pearl at agad na hinila para yakapin. Maging siya rin ay hindi niya nagugustuhan kung anuman ang nangyayari.

Natakot siya bigla na baka mamaya ay may iba pang madamay sa ginagawa ni Jeson. Thats why naisipan niyang tapusin na ang kabaliwan nang lalaking iyon.

"Don't worry Misis..malalaman din natin kung sino ang may gawa niyang kay Papa.."

Nang makampante siyang okay na ang pakiramdam ni Pearl ay nagpaalam muna siyang aalis at may aasikasuhin.

Tinawagan niya si Red at nagkita sila sa condo nito. "Ano na naman bang naiisip mo at nagpakuha ka nang mga ito?"

Ikinasa niya ang isang baril at sinilip silip iyon na parang tumatarget. "Kailangan ko ito.."

"Insan..di sa nakikialam ako pero sana huwag kang padalos dalus..and don't ever think na kag-isa mong haharapin ang baliw na iyon"

"Exactly!"

Napanganga sa kanyang harapan si Red kapagkuwan ay napaupo at tinuro siya. "Nababaliw ka na din ba?! Susugod kang mag-isa? Come on Fire..di mo kabisado ang lalaking iyon. Magulo siya kung makipaglaro at napakahirap basahin ang galaw. Huwag mong gagawin iya--"

"Kung di pa ako kikilos baka mamaya si Pearlyn na ang isunod niya. At ayokong mangyari iyon..baka kulangin pa ang buhay niya kapag nasagi niya si Pearl"

Napabuntong hininga si Red at tinignan siya "pwede tayong magpatulong sa mga pulis--"

"Huwag--"

"Okay..ako nalang dalawa tayong susugod--"

"Fuck you! Sabing ako lang eh..huwag kanang sumama..laban ko ito, naming dalawa labas kana doon"

Galit itong hinarap ang kanyang pinsan na napakakulit na ngayon ay napakaseryoso nang dating.

"Bakit ba ayaw mong--"

"Dahil ayokong may ibang tao pang madamay! Ayokong pati ikaw madamay! Get it?! So back off Red..kaya ko ito"

"Whatever you say..pero sana sabihin mo sakin ang detalye kung saan kayo magkikita para alam ko ang ginagawa ko kapag nagkaaberya ka! Kahit iyon nalang.."

Tinampal niya ang balikat nang kanyang pinsan at tinanguan. Pagkatapos nun ay kinuha nito ang mga armas na pinakuha niya kay Red. Kapag kasi kay Archer pa siya magpakuha ay baka bukas pa dumating ang mga iyon ay di na niya kayang antayin pa ang bukas. Mamayang gabi ay makikipagkita na siya kay Jeson..

Matira--Matibay!

***********

Naalimpungatan si Pearl habang nakaidlip sa tabi nang kama nang kanyang ama.

"Oh anak..gising kana pala"

Bumungad sakanya ang kanyang ina na naghahanda nang kanilang makakain sa mesa. Kasalukuyang nasa hospital pa sila at nagpapagaling ang kanyang ama.

"Ma dumating na ba si Fire?"

"Wala pa eh--pero si Red nasa labas"

Tinuro nito ang pintuan at nakita doon si Red sa labas. Nagpaalam siya sa kanyang ina para puntahan ito at kausapin kung saan nagpunta ang kanyang asawa. Unti unti na din niyang nakakalimutan ang sinabing kabaliwan ni Jeson na ito ang may pakana sa nangyari sa kanyang ama. Para sakanya ay di niya dapat iyon pinapaniwalaan dahil mabait ang kanyang asawa..

Pagkalabas niya sa pintuan ay nakita niyang may kausap sa phone si Red at nilapitan niya ito baka si Fire iyon. Ngunit gayon nalang ang pagtataka niya nang marinig ang pinaguusapan nito at nang nasa kabilang linya.

"Magpahinga ka nang maayos nang makabalik ka na dito. Huwag mong alalahanin si Fire naiintindihan niya ang nagyari sayo..sa ngayon ay nasa Secret Garage na ang sasakyan ni Fire tinago ko muna para walang maging problema..--"

Nagtago siya sa pader nang makita niyang parang mapapatingin sa kanyang direksiyon si Red. Napatakip ito sa sariling bibig dahil sa narinig. Abot abot ang lakas nang tibok nang kanyang puso at ayaw paniwalaan iyon. Nanginig siya at tinawagan si Fire..

"Mister--na-nasaan ka?"

"Misis nandito ako sa condo ni Fire may Video Call kasi ako sa company may urgent meeting..mamaya puntahan kita diyan. I love you Misis. Take care--"

"Sige--" wala siyang sinayang na sandali at umuwi siya nang Mansiyon. Wala siyang ideya kung nasaan ang nasabing Secret Garage ni Fire na nabanggit ni Red sa katawag. Nagbakasakali lang siya. Pagkadating sa Mansiyon ay nilibot niya ang loob nito ngunit wala siyang natuklasan.

Napapikit siya at naiisip na di tama ang kanyang ginagawa dahil kawalang tiwala iyon kay Fire pero parang may kung anong nag-uudyok sa kanya na hanapin parin ang Secret Garage. Bumaba siya at lumabas nang bahay. Nilibot niya rin iyon pero wala siyang nakita.

Nakahinga siya nang maayos nang maisip niyang mali siya..hahakbang na sana ito nang may mahagip ang kanyang mga mata na isang lagusan mula sa likuran nang bahay. Hindi iyon makikita kung di mo tititigan nang mabuto dahil ang mala pintuan nito ay nababalutan na nang lumot ay mga halamang gubat..

Unti unti niyang tinulak ang pinto nito at madilim na kapaligiran ang sumalubong sakanya. Maalikabok at amoy lumot. Hinanap niya ang switch nang ilaw at nang pindutin niya iyon nanlaki ang kanyang mga mata dahil tumambad sakanya ang isang bagay na kinatatakutan niya..

Hindi...

Nagtalo ang isip at puso..di parin siya makapaniwala sa,kanyang nakikita. Ang pintura nito, ang modelo nang sasakyan at ang plate number nito..oO di na siya pwedeng magkamali..ito ang sasakyan na bumangga sa kanyang ama!

Napangiwi siya at napaiyak. Bakit nandito ang sasakyan? Kay Fire ba talaga ito? May kinalaman ba ito sa nangyaring hit in run nang kanyang ama? Kung oO bakit nito iyon ginawa? Anong motibo niya?

Biglang tumunog ang kanyang cellphone at tumatawag ang isang numero na di naan niya kilala.

"He--hello?"

"Pearl makipagkita ka sakin mamayang gabi. May ipapakita akong ibedensiya sa pagkakabangga nang ama mo..at madami pa akong sasabihin tungkol sa asawa mo--"

"Saan?-- anong oras tayo magkikita?"

Matapos nitong sabihin kung saan at kung anong oras sila magkikita ay nanghihina siyang lumabas nang garage at umuwi sa Hospital..

-itutuloy-

Joden15

LEGENDARY BOYS #6: Fire Gaudie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon