CHAPTER 27

9.1K 318 35
                                    

"WHY DID YOU MARRY ME?"

Tumitig ito sa kanyang mga mata na para bang ang titig nito ay di niya kayang tagalan.

"Paano kung sabihin ko sayong gusto kita? Maniniwala ka?"

Siya na mismo ang pumutol sa kanilang titigan at napatawa nang pagak. Gusto? No way! Nagpapatawa yata ito.

"Gusto? Lahat naman nang babae GUSTO mo basta maganda at sexy! Basta pasado sa kama okay na! Huwag mo nga akong patawanin!--huwag mo nga akong titigan nang ganyan!"

Hindi kasi ito natinag at tila mas nilapit pa nito ang mukha sakanya. Kahit umiiwaa siya nang tingin ay di parin natigil ang dagundong sa kanyang dibdib. Nagraragasahan na naman ang mg daga sa loob nun..

Pasimple siyang napahawak sa kanyang dibdib at napiga ang kanyang damit. Natataranta kasi siya kapag ganun sila kalapit sa isat isa.

"Paano kung--sakaling matutunan mo akong mahalin makikipagdivorce ka pa ba?"

Napalunok siya nang wala sa oras at panakaw tingin ito sa kanyang tabi. "Paano ka naman nakakasigurong mahuhulog ako sayo aber?!itig--"

"Hindi ka mahirap mahalin.."

Napamulagat siya at natameme sa kanyang narinig. Ngayon lang kasi may umamin na lalaki sa kanyang harapan patungkol sa nararamdaman nito sakanya.

"Jokeness ka ano?" Hindi na siya makangiti dahil nanlalamig na ang kanyang kamay.

"Actually no..hindi naman marunong mag jowk regarding sa feelings ko sayo..anyway--magkwento ka naman sa buhay mo.."

"Anong ikukwento? Wala namang interesante sa buhay ko ano--maliban sa nagkaroon ako nang nanay na na-adik sa sugal at nagkanda utang sa tatay mo at ako ang naging kabayaran..tsssk! Pagkatapos iyong jowa ko na tatlong taong kami niloko ako..in the end--yung status kung Single naging Married..tapos!"

Napabaling siya kay Fire nang tumawa ito nang mahina.."Ganyan ka talaga kadis-appoint sa mga nangyari sa buhay mo ano? Galit ka pa ba sa nanay mo?"

"Siguro..medyo--di naman basta basta mawawala eh, galit ako kasi bakit kelangan pa niyang maadik sa sugal? Diba? Kung di sana siya nagsugal wala siyang magiging utang! Alam mo iyon nagsusumikap akong magtrabaho para mabigyan sila nang magandang buhay pero ako yung nilubog niya! Problema kasi kay Mama masyadong nagpapadala sa pera..kaunting salapi lang na dadampi sa palad niya akala mo di maauubos iyon..kaya ang taong puro pagpapayaman lang ang laman nang utak ay siyang kadalasang napapahamak.."

"Agree ako diyan..di mo alam na sa kagustuhan mong yumaman may ibang tao ka na ding nasasaktan"

Bakit pakiramdam niya ay naramdaman niya nang sobra ang sagot ni Fire..Para itong may pinanghuhugutan.

"Walang iwanan?"

Taka siyang napatingin kay Fire nang marinig niya ang sinabi nito.

"Ha?"

"Di ba nagsumpaan tayo? Sa mata nang tao at sa mata nang Diyos?"

"Ano bang gusto mong sabihin?"

"Kung sakaling matutunan mo akong mahalin pwede bang--Huwag mo na lang akong iwan?"

Dinig na dinig niya ang bawat pagtibok nang kanyang puso. Tila sia nabibingi dahil sa lakas nun idagdag na din ang napakalalim na pagtingin ni Fire sa kanyang mga mata na para siyang nahuhulog sa napakalalim na balon..di siya makapagsalita. Di siya makagalaw tila nahihipnotismo siya nito..

"A--alam mo lumalalim na ang gabi inaantok na rin ako--tara na kaya"

Nauna na siyang tumayo at di mapakali sa kanyang kinatatayuan. Kahit pilitin niyang ihakbang ang kanyang paa ay di niya magawa dahil nanginginig pa siya.

LEGENDARY BOYS #6: Fire Gaudie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon