Chapter 2

15 3 0
                                    

KAHIT bagong bukas pa lang ay marami ng tao. Pansin rin ang pagka unique ng paligid. May mga nilagay sila na hindi makikita sa ibang bar, baka. Yun ang pansin ko. Marami na ring nagsasayawan sa may dance floor. Halata may tama na.

"Dito tayo" sabay hila sa akin ni katrina sa isang sofa na kung saan naka upo ang iba naming mga kaibigan at malapit lang rin sa may dance floor. Nakibeso muna kami bago maupo ng tuluyan.

"Buti naka punta ka" salubong agad sa akin ni Jane.

"Aayaw pa ba ako" pabiro kong sabi sa kaniya. At don na nagsimula ang kasiyahan namin.

Niyaya na rin nila akong sumayaw pero tumangi muna ako. Wala pa ako sa mood para makipagsik-sikan sa mga taong sumayaw sa dance floor. Baka mamaya.

Ilang shots na rin ang na inom ko at mukhang natatamaan na rin ako. Kailangan ko pang umuwi mamaya.

"Tara na" nangungulit na namang aya sa akin ni katrina.

"Ito na" sabay hampas ko sa kaniyang kamay na naka hawak sa aking braso.

Mas sumik-sik pa kami sa mga taong nagsasayawan.

"Ohhhhhhhhh" sigawan namin habang sinasabayan ang tugtug. Ramdam ko rin na may lumapit pa lalo sa aking likod. Hokage rin tong isa. Mas nilapit niya pa ang sarili niya sa akin kaya napagdesisyon ko na humarap na sa kaniya.

"Oh! Kevin" pagiinarte ko pang sabi, kanina ko pa siya nakikita na tinitignan ako kanina habang nasa sofa pa lang ako. Bigla na lang niya akong kinulong sa dalawa niyang braso. Nakangisi pa ang luko.

"Mas gumaganda ka pagganito ka lapit" pangakit niyang sabi sa akin. Isang basketball player na walang magawa kung di dagdagan pa ang kaniyang listahan at hindi ako kasali don. Hindi mangyayari na masali ang isang tulad ko.

Kinalas ko agad ang kaniyang braso na subrang higpit na nakayapos sa akin.

"Asan na ba si Ella at bakit nandito ka ngayon sa harap ko" lumayo ako ng kaunti sa kaniya sabay lingon sa ibang deriksyon na para bang hinahanap ko talaga.

"why" malambing niyang sagot sa akin at sinusubukan na naman niyang kainin ang distansya naming dalawa.

"diba girlfriend mo siya" subrang lapit na naman niya sa akin kaya wala na akong bagawa kung di ay manatili na lang sa pusisyon na to dahil sa paligid namin ay maraming taong sumasayaw.

"Were not" iba rin ang lalaking to. Kalat na kalat na sila nong isang araw tapos ngayon wala sila. Pinagluluko talaga ako ng isang to.

Nasa bewang ko na ulit ang kaniyang dalawang braso "Okay" sabay tangal sa kaniyang braso na nakayapos sa akin "were done, excuse me" sabay talikod sa kaniya at umupo ulit sa sofa namin.

Mas naging maingay pa ang paligid ng palitan ng DJ ang tugtug at naging mas naging wild pa ang mga tao.

"Bigla ka na lang na wala" sabi sa akin ni Katrina na naka salampak na sa sofa.

"Nandon si Kevin" tanging sagot ko na lang sa kaniya at sabay inom.

"Ginugulo ka na naman ba, diba sila ni Ella" sabay himas sa kaniyang ulo, mukhang may tama na rin ang isang to.

"Wala daw sila" walang gana kong sabi sa kaniya.

Tumawa pa siya bago nagsalita "anong wala, kalat na kalat yon nung isang araw tapos wala" tumawa ulit siya at uminom na rin ng kaniya "baliw pa rin siya sayo, naniwala ka naman?" patuloy niya pang sabi.

"Baliw ka ba, syempre hindi. Kahit wala sila hindi ko pa rin siya papatulan" natawa na lang din ako. Hindi mangyayari na papatulan ko ang isang yon.

I don't want to be alone, but... Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon