Chapter 23

25 3 0
                                    

SA MGA sumunod na araw ay nagsimula na akong pumasok sa Company bilang isang Marketing manager. Unang araw pa lang ay bundok bundok na ang mg dapat kong trabahuhin. Mga request na dapat kong basahin ng mabuti kung pwede ko ba itong payagan sa kanilang gusto dahil kapag nakamali ako, malaki din ang pweding mawala sa amin at hindi ko pweding mangyari yun. Lalo na ngayon na kailangan kong makuha ulit ang loob ni mama.

"How are you?" Agad na tanong sa akin ni David sa kabilang linya, kahit naman nasa iisang companya lang kami ay hindi kami halos nagkikita, iba iba din naman kasi ang mga posisyon namin dito sa companya.

"Busy pa rin" sabay unat ko pa habang naka sandal sa aking upoan, kanina pa ako naka upo dito at sumasakakit na din tong likod ko.

"Let's date tonight" agad akong umayos ng upo ng marinig ko yon.

"All right, I love that" masaya kong sagot sa kaniya.

"I'm happy to hear that" sabi naman niya.

"See you later" masaya kong sabi pa sa kaniya

"Hmmmm see you" sabay baba niya na ng tawag sa akin.

Ang kaninang boring kong trabaho ay naging masaya ng marinig ko yun sa kaniya, naging masigla rin ang naging pakiramdam ko. Agad kong binasa ang mga natitira pang report. Ng inakala kong kunti na lang at matatapos ko na tong nasa harap ko ay nakamali ako ng pumasok si Clare na secretary ko at dala ang mga iba pang mga report.

"Ma'am, ito pa oh" sabay lagay nito sa aking lamesa.

"Ang dami naman" naka simangot ko pang sabi sa kaniya, naging magaan din ang loob ko kay Clare, hindi naman kasi masyadong makalayo ang edad namin. Tatlong taon lang din ang tanda niya sa akin.

"Wala oh tayong magagawa dyan, ma'am" natatawa niya pang sabi habang naka tingin sa akin. Naging magaan rin ang kaniyang loob sa akin kaya ganon siya kung sumagot. Nong una kasi ay subrang layo niya sa akin. Ganon din ang iba nong unang araw ko pa lang. Bilang nagiisang anak na babae at asawa ng CEO ay sa tingin nila ay subrang taas ko na kahit hindi naman yun totoo.

"Thank you, Clare. Balik ka na don" tanging sabi ko na lang habang naka tingin sa nakabundok na namang mga report.

"Sige po ma'am" sabi pa nito at nagpaalam na.

Kahit naka busangot tong mukha ko ay nagsimula na akong magbasa ulit. Kailangan matapos ko to kahit papaano man lang. Sumasakit na din ang ulo ko habang nagbabasa, walang kwenta din kasi tong ibang pinapasang report sa akin. Walang magandang rason pero nagrequest pa din sa akin. Ang iba naman ay hindi ko maintindihan kung anong pinupunto nila sa report na to.

"Clare?" Tawag ko sa kaniya sa telephone.

"Yes, ma'am?" Sagot agad nito sa akin sa kabilang linya.

"Gawan mo nga ako ng kape" sabi ko naman sa kaniya.

"Opo" agad nitong sagot sa akin at pinatay ko na ang tawag.

Kung hindi pa ako uminom ng kape ay sigurado akong makakatulog ako habang binasa tong mga report. Pilit ko pa ding pinumulat ang mga mata ko, inaantok na ako habang naka tutok sa mga report na to at ang sakit na din sa mata. Maya maya pa ay pumasok na si Clare na dala ang kape ko, agad niya itong binaba sa aking lamesa at yumuko saglit bilang pagpapaalam sa akin. Agad kong ininom pero may pagiingat pa rin, ang init kaya. Nagbasa na ulit ko, may mga report na subrang ganda din na pagkakagawa pero ayaw ko lang talaga ng dahilan nito. May nagustohan din ako na agad kong pinirmahan upang magawa agad. Tatlong kape na ata ang na ubos ko habang nagbabasa ng mga report at ito pa rin ako hindi pa rin matapos tapos.

"Ma'am, lunch oh" lagay nito sa isang mesa pa.

"Gutom na din ako" bago ako tumayo ay umunat na naman ako. Ngayon lang ulit ako tumayo ngayon araw. "Iba ata to?" Agad kong tanong ng makita na hindi naman to ang pagkain sa canteen sa baba.

I don't want to be alone, but... Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon