BUKAS na ang exam kaya ngayon magsusunog na ako ng kilay. Marami pang dapat pagaralan. Marami pa akong dapat gawin sa gabing to. Magaalas 9 na ng gabi pero hindi pa rin siya umuuwi. Tumawag naman siya sa akin kanina na gagabihin siya ngayon, marami pa daw siya dapat gawin sa office niya.
Bawat buklat ko sa mga page ay inaantok na ako, pilit kong ginigising ang sarili ko para hindi matuloyang makatulog. Ilang tasa na rin ng kape ang naiinom ko ngayon pero mukhang walang epikto sa akin. Inaantok pa rin ako sa bawat basa ko sa mga page na to.
Ilang sandali pa ay naka rinig ako ng katok sa aking kwarto kaya agad akong tumayo sa aking study table para buksan yon. Pagkabukas ko ay mukha niya agad ang nakita ko. Halatang pagod din siya.
"Subrang gabi na" sabi ko agad sa kaniya, hindi siya sumagod at agad akong niyakap. "Na pagod ka ba?" Tanong ko pa sa kaniya. Tumango naman siya bilang sagot sa akin. "Edi magpahinga ka na sa kwarto mo" patuloy ko pa sa mga sinasabi ko. Yumakap na din ako sa kaniya.
"Dito muna ako" sabi niya sa akin at bumitaw sa aking yakap. Pumasok na din siya sa kwarto ko at agad nahiga sa aking kama.
"Hindi ka makakapagpahinga dito, magaaral pa kasi ako" sabi ko naman habang sinasara ang pinto ng aking kwarto.
"Okay lang" sabi niya sa akin habang naka tingin sa mga libro na nasa aking study table. Naka tingin din siya sa mga tasang nasa gilid lang. "Ilang tasa na ang nainom mo?" Agad niyang tanong sa akin.
"Mga lima ata" hindi ko alam kung ilan na ba talaga ang nainom ko. Tumango naman siya.
"Magtatagal ka pa ba?" Tanong niya sa akin na naka tingin sa mga libro ko.
"Oo, mukhang madaling araw na ako makakatulog nito" sabay lapit ko sa kaniya, naka higa pa din siya sa aking kama at ginawang unan ang kaniyang dalawang braso. "Magpahinga ka muna" lalayo na sana ako ng bigla niya akong hatakin pahiga. Agad niya akong niyakap ng subrang hikpit.
"Just a minute" bulong niya sa aking tinga. Halatang pagod siya sa araw na to, subrang bigat ng buntong hininga niya. Tumango naman ako bilang sagot sa kaniya, namiss ko siya. Ang busy naman kasi namin kaya minsan hindi na kami nagkikita paggising ko wala na siya o paguwi niya ay tulog na ako.
Ilang sandali pa ay ramdam ko na naka tulog na siya. Dahan dahan naman akong bumangon para hindi siya magising sa pagkatulog. Lumapit agad ako sa aking study table para ipagpatuloy ang pagaaral ko. Ng maubos ko ang isa pang tasa ay bumaba ulit ako para kumuha pa ng isa at bumalik agad sa aking kwarto. Ng makita kong nasa business attire pa rin siya ay agad akong lumapit sa kaniya at tinangal ang kaniyang sapatos. Dahan dahan ko din tinatangal ang long sleeve niya para makatulog siya ng maigi.
"Nagising ba kita?" Malambing kong sabi sa kaniya. Naka tingin lang siya sa akin. Ng matapos ko ng matagal ang mga batunis ay agad ko yong pinahubad sa kaniya. Kaya naka sando na lang siya ngayon."ayan okay na" naka ngiti kong sabi sa kaniya. "Matulog ka na ulit, pagod ka" sabay alis ko sa tabi niya at lumapit ulit sa aking table.
Kunti na lang at matatapos ko na din to. Ilang page na lang at makakatulog na din ako sa tabi niya. Pagod na pagod na ang mga mata ko. Ilang sandali pa ay natapos ko na din ang isang page at agad akong tumabi sa kaniya. Pinatay ko din ang naiwang ilaw upang malatulog na, madaling araw na at kailangan ko ng matulog. Siniksik ko agad ang sarili kp sa kaniya. Na sanay na din ako na katabi siya. Lagi akong natutulog sa kwarto niya at itong unang beses na dito siya matutulog sa kwarto ko. Nagising ko ata siya ng bigla niyang pina unan sa akin ang kaniyang braso at niyakap ako ng subrang hikpit. Gustong gusto ko ang yakap niya, bawat yakap niya ay may halong lambing at pagiingat. Ilang sandali pa ay nalunod na din ako sa antok.
***Na una pa akong na gising sa kaniya, magaalas 7 na ng umaga at mamayang alas 8 ang exam ko. Tulog pa rin siya, hindi ata ako magsasawang titigan siya ng ganito ka lapit. Ilang sandali pa ay nagising na din siya at agad akong tinignan.
BINABASA MO ANG
I don't want to be alone, but...
Roman d'amourStephanie Elizabeth Valencia, isang babaing binago ng mahabang panahon. Kontrolado lahat ng kaniyang ina ang lahat. Dahil don ay hindi na niya alam kung paano ba bumalik sa dating siya nong buhay pa ang kaniyang ate. Ayaw na niya ang ganitong paglal...