Ang isang prof na bago lang sa University namin. Isang prof na mas kakaiba sa lahat na naging prof namin. Halos lahat ay hinihiling na maging prof siya at matitigan man lang habang nagtuturo sa klase. Kahit dumaan lang siya sa mga gilid ng mga school mate ko at ang mga kaklase ko ay nanginginig na agad sila.
Sabi nga ng iba, sinong hindi makakagusto sa isang tulad niya. Sinong hindi maghuhumaling sa taglay niyang aura na para kang dinadala sa langit. Maka laglag panty daw kapag tinignan ka niya sa mata at kapag nangyari yon ay para ka na daw nanalo sa luto. Baliw na lang daw ang hindi makakagusto sa kaniya. ayy mali, pati pala baliw may gusto na yata sa kaniya.
Ang katawan niya na halatang tambay sa gym na para bang naging bahay niya yon dahil sa ganda ng kaniyang katawan. Hindi siya na babagay bilang isang prof sa University na to. Mas bagay pa ata sa kaniya ang maging model o isang CEO ng isang making companya. Maputi kasi siya at mas makinis pa ata kaysa sa mga babae. Para siyang diyos kung tignan ng iba. Sino daw ang makaka sabi na isang tao lang siya sa taglay niyang gagandahang lalaki na parang kapantay na niya ang isang diyos dahil sa kaniyang perpiktong katawan at mukha.
Aaminin ko, magandang lalaki siya at ibang iba ang kaniyang aurang pinapakita sa lahat. Mga mata niya na minsan ay walang buhay pero kahit ganon ay kaibig ibig siyang titigan, sabi nila. Bawat lakad niya sa hallway ng school ay para siyang isang modelo na naglalakad. Kahit wala siyang ginawa ay iba ang napaparamdam niya sa iba, pati na yata sa akin.
Ako? Isa akong pamalit sa na wala kong ate. Kamukhang kamukha ko daw siya. Halos nakukuha ko ang lahat pero hindi yon para sa akin kung di para sa aking ate. Tinitignan ako ni mama bilang siya, hindi bilang ako. Ang sakit diba? Para bang patay ako at buhay yong matagal ng patay. Halos gusto na ata nilang gawin ko kung anong klasing babae si ate. Isa siyang perpiktong tao sa mata ng lahat nong buhay pa siya. Kaya lahat ng pressure ay na sa akin. Kailangan ay ganon rin ako kung ano siya. Kula ang sapat na sa aking mga magulang, gusto nila ay hindi sapat lang kung hindi ay makuha ko ang buo. Dahil ganon si ate at kabaliktaran ko siya. okay na sa akin ang sapat. Kung ano siya ay wala ako. Hindi ako perpikto tulad niya. Magkaiba kami pero gusto nilang maging ako siya. Gusto nilang makita bilang siya, pero hindi ko kaya. Hindi ko magagawa kahit kailan.
Pero nagbago ang lahat, dahil sa kaniya. Pinuno niya ang mga bagay na may kulang sa akin. Dahil sa kaniya ay unti unti akong nabuo. Binuo niya ako pero siya rin pala ang wawasak sa akin. Ang mas dudurog sa buhay ko na durog na noon pa. Ang puso kong binuo niya ay unti unti niya ring sisirain. Ganon rin pala siya, tulad din siya ng iba. Ganon rin siya kung tignan niya ako. Pero sa huli........
-----------------------------------------------------------
Lahat ng cover ko galing kay Mr, Google.VOTE AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.
Ps: pasinsya na sa mga wrong grammar, typo and etc...
*Please obtain permission. Names, character, place and incidents are product of the Author's imagination or are use fictitiously. Any resemblance to actual events, locales or persons, living or dead, is entirely coincidence*
BINABASA MO ANG
I don't want to be alone, but...
RomansaStephanie Elizabeth Valencia, isang babaing binago ng mahabang panahon. Kontrolado lahat ng kaniyang ina ang lahat. Dahil don ay hindi na niya alam kung paano ba bumalik sa dating siya nong buhay pa ang kaniyang ate. Ayaw na niya ang ganitong paglal...