Chapter 3

22 3 0
                                    

KAKATAPOS lang ng tatlong subject namin at nakakapagod.

"Tara, kain tayo" aya sa akin ni Katrina habang hinihimas ang kaniyang tyan na naka tayo sa aking harapan na naghihintay na tatayo na ako.

"Sige" tanging sabi ko na lang sabay tayo at nagsabay na kaming lumabas sa room. "Anong problema mo?" Taka kong tanong sa kaniya.

"Si daddy kasi, may nirereto na naman sa akin" naiirita niyang sabi sa akin, gusto na kasi ng daddy niya na makaroon na siya ng asawa upang may makatulong sa kanilang companiya pero ayaw ng gaga. Kasi gusto niyang ikasal sa taong mahal niya, sino bang hindi gustong ikasal sa taong mahal mo.

"Walang magagawa yang daddy mo pagsinabi mong ayaw mo, diba?" Tanong ko sa kaniya.

"Tama ka, pero sa mga araw na dumaan. Lagi na lang niya nasasali ang bagay na yon sa usapan, nakakainis!" May pasigaw niya pang sabi.

"Queen be!" Bigla kaming na paharap sa aming likod ng may tumawag sa akin.

"What?" Tanong ko agad ng nasa harap ko na ang isang lalaking may mukhang ipagmamalaki. Pangit nga lang kung pomurma.

"For you" sabay bigay sa akin ng isang paper bag. Agad kong nalaman kung anong laman ng makita ko ang logo ng isang restaurant na lagi kong pinupuntahan.

"oh, thank you" naka ngiti kong sabi ng tangapin ko ang kaniyang bigay.

"Always welcome" ang cute niyang ngumiti, may dimple pa. "Sana kainin mo" tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya.

"Sige, bye" sabay talikod ko sa kaniya.

"Patikim ha" sabi sa akin ni Katrina na naka tingin sa hawak kong paper bag. Tango na lang din ang naging sagot ko. Ng nasa loob na kami ng canteen ay agad akong naghanap ng aming pwesto. "Anong sayo?" tanong niya sa akin, siya na lang daw ang oorder.

"Wag na, ito na lang yung akin" sabay turo ko sa paper bag.

"Sige" sabay alis niya sa aking harapan upang magorder na.

Habang wala si Katrina ay unti-unti ko namang nilabas ang mga pagkaing nasa paper bag. Saan ba nila nalalaman kung anong pagkain ang mga gusto ko? Halos gustong gusto ko ang mga pagkaing to.

Agad kong kinuha ang aking cellphone ng tumunog ito. May tumatawag kasi, si mama pala.

"Ma" ng masagot ko na ang tawag ni mama sa akin.

"Umuwi ka ng maaga, may party tayong pupuntahan" may halong galit parin niyang sabi sa akin, kahit papaano ay hindi na masyado.

"Opo, ma" agad niya namang binaba ang tawag. Anong klasing party na naman ang pupuntahan namin.

"Sinong tumawag?" Tanong agad sa akin ni Katrina na may dala ng pagkain.

"Si mama, may party daw kaming pupuntahan mamaya. Dapat maaga akong umuwi" sabi ko na sa kaniya sabay subo sa mga pagkain na nasa aking harapan.

"Ganon ba" tanging sabi na lang niya at kumain na rin. Ng kwentuhan pa kami tungkol sa mga taong walang magawa sa buhay. "Galit na galit daw si Ella kaninang umaga" kwento niya pa sa akin.

"Bakit daw?" tanong ko sa kaniya papabalik.

"Dahil kalat na kalat daw na pinupormahan ka ni Kevin at pati na rin kagabi" naiirita na naman niyang sabi sa akin.

"Ayaan muna, wala namang katuturan ang lahat ng yan" tanging sabi ko na lang at tinapos na ang aming kinakain.

"Walang hiya ka talaga eh, noh!!" Malakas na sabi sa akin ni Ella na kakapasok lang. Agad kaming dinumog mg mga tao na nakichismis.

I don't want to be alone, but... Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon