MATAPOS kong umiyak ay inayaan lang ako ni Katrina na manahimik muna habang yakap niya parin ako.
Ilang sandali pa ay bigla siyang bumangon at humarap sa akin.
"Okay ka na ba?" Mahinahon niyang tanong sa akin, ramdam ko ang pagalala niya sa akin.
"Okay na" tanging sabi ko na lang habang nakatingin sa kawalan. Ang sakit ng mata ko, kakaiyak kanina.
"Ano ba kasing nangyari?" Mahinahon niya paring tanong sa akin.
"Ewan ko ba, nakaramdam na lang ako ng rejection kagabi. Sa kaniya pa" wala man akong binangit na pangalan alam ko alam niya kung sino ang tinutukoy ko. "Dapat masanay na ako pero bakit ganito, mas masakit kung galing sa kaniya. Wala siyang sinasabi pero nararamdaman ko" sa gilid ng aking mga mata ay unti-unti namang tumutulo na naman ang aking mga luha. Agad niya tong pinunasan at malungkot na tumingin sa akin. Hindi man niya tinanong kung ano talaga ang buong nangyari ay alam ko na hinihintay lang niya na ako mismo ang magsabi, pero ngayon wag muna.
"Tama na, tahan na" nagaalala niyang sabi sa akin. "Hindi ko talaga gusto na makita kang ganito. Noon ang mama mo lang, nganon siya na ang dahilan kung bakit nandito ka ngayon. Dumagdag pa talaga siya" sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Hindi, ako lang to. Ang OA ko lang siguro magreact kaya ganito" tangi ko pa sa kaniya. Ako lang naman talaga to, ang OA ko talaga.
Kumalas siya sa pagyakap sa akin at tinignan ako.
"Pinagtangol mo pa, ikaw na nga yong nasaktan. Ewan ko sayo" nangiinarte niya pang sabi sa akin. Kaya bigla na lang din ako napa ngiti. "ngiti-ngiti ka pa dyan, ewan ko na talaga sayo"
"Thank you, Rina" naka ngiti kong sabi sa kaniya.
"Nandito lang naman ako" naka ngiti niya ring sabi sa akin sabay punas sa huling luha kong tumulo. "Tara kain tayo, gutom na ko" ng sabihin niya yon ay agad niya ako hinila papalabas ng kaniyang kwarto.
Pagkababa namin ay agad ding naghanda ang mga katulong. Agad din siyang umupo at ako din ganon ang ginawa sa kaniyang tabi.
"Ma'am, Steph. Umiyak oh ba kayo?" Nagaalalang sabi ni Manang sa akin na isa sa mga subrang tagal na dito sa bahay nila Katrina. Ngumiti na lang ako bilang sagot. "Ngumiti ka lang ma'am, hindi bagay sayo na umiiyak" naka ngiti niya ring sabi sa akin.
"Thank you manang" naka ngiti kong sabi kay manang na nagaayos ng lamesa at nga mga pagkain. Naka ngiti lang itong tumango sa akin. Hindi naman tagala ako masyadong nagugutom pero sige kain na lang ako.
Ng matapos kaming kumain ay na iwan ako sa sala at kumakain ng ice cream. Habang si Katrina ay pumasok sa kaniyang kwarto para maligo. Habang nasa sala ako ay ramdam kong okay na ako, wala lang naman kasi yon. Ang OA ko lang talaga.
"Tara, nuon tayo ng movie" aya sa akin ni Katrina na pababa pa lang siya ng hagdan.
"Ano naman ang panunuorin natin?" Tanong ko agad sa kaniya ng makaupo na siya sa aking tabi.
"May bago akong binili, romance ata yon" sabi pa niya sa akin "Oo, romance nga yon" ng maalala na niya talaga kung anong klasing binili niya.
"Oh sige" sabay tayo ko, siya naman ay nagtungo sa kusina at kumuha pa ng isang malaking ice cream.
"ang laki naman niyan" sabi agad sa kaniya, maliit kasi yong akin. Yong pangisahan lang, yong kinuha niya kasi pang apat ata o higit pa ang pweding kumain non.
"Ano naman" naka ngiti niyang sabi sa akin sabay hawak sa aking kamay papunta sa taas. "Manang magdala ka ng popcorn sa kwarto ko ha!" Pa sigaw nitong sabi kay manang.
![](https://img.wattpad.com/cover/190686279-288-k220472.jpg)
BINABASA MO ANG
I don't want to be alone, but...
RomanceStephanie Elizabeth Valencia, isang babaing binago ng mahabang panahon. Kontrolado lahat ng kaniyang ina ang lahat. Dahil don ay hindi na niya alam kung paano ba bumalik sa dating siya nong buhay pa ang kaniyang ate. Ayaw na niya ang ganitong paglal...