"GET IN" bigla niyang sabi sa akin. Kaya agad akong tumingin sa isang kotse na katabi lang ng sasakyan ni Katrina kung saan naka park kanina. Ng makita niyang hindi parin ako kumikilos ay agad siyang bumaba at umikot upang buksan ang pinto ng kaniyang kotse. "I said, get in" sabi niya ulit sa akin kaya agad akong pumasok sa loob ng kaniyang kotse.
"Saan ba tayo, Sir? Dandali lang ba tayo? Dapat umuwi ako ng maaga" agad kong tanong ng mandarin niya ang kaniyang kotse pero siya ay nasa daan lang ang atensyon at hindi na inabala pa na sagotin ang aking tanong kaya tumigil na rin ako.
Habang tinitignan ko ang kalsada ay pamilyar na pamilyar sa akin. Papunta to sa amin! Bakit pupunta to sa amin?! Anong meron? Agad akong tumingin sa kaniya na nasa daan parin ang atensyon.
Tama nga ako, agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Baka hinatid niya lang ako pero paano niya nalaman kung saan ang bahay namin.
"Miss, nandito na oh pala kayo. Pasok na oh" sabi sa akin ni Christine na siyang nagbukas ng gate. Kayo? Ibig sabihin inaasahan nila na kasama ko siya, may nangyayari ba na hindi ko alam.
"Let's go" aya sa akin ni Sir papasok sa loov ng bahay namin. Nagtataka pa rin akong nakasunod sa kaniya.
"Salamat sa pagpunta" masayang sabi ni mama kay Sir na ngayon ay na naka tingin sa akin. Ano ba kasing nangyayari? "Steph, umupo ka na" sabi sa akin ni mama. Kaya agad akong sumunod sa naging utos niya sa akin. Don ko lang mas nakita pa na hindi lang siya ang nandito, pati ata buong pamilya niya. Bilang pagalang ay ngumiti ako sa kanila.
"Magandang gabi oh" magalang kong bati sa magulang ni Sir na nasa kaniyang tabi.
"Magandang gabi rin sayo hija" bumati rin pabalik sa akin ang kaniyang mommy. Ang daddy naman niya ay ngumiti lang aa akin.
"Let's eat" aya sa amin ni mama kaya nagsimula na kaming kumain. May pinagusapan pa sila na about sa business at ibang bagay na umiikot don. May mga tawanan pang nangyayari dahil sa mga kwentohan nila.
"Subrang ganda ng iyong anak" nahihiya naman akong ngumiti sa nabi ng kaniyang mommy sa akin "kamukha nga siya ng kaniyang Ate" okay na sana pero may dinugtong pa siya. Kaya agad na walan ng ngiti ang aking labi. Ramdam ko ang kaniyang mga titig sa akin o minsan ay nakikita ko siyang nakatingin sa akin.
"kailan ba ang kasal?" Tanong ng kaniyang daddy sa aking mama na naka tingin sa akin. So ito pala ang gustong pagusapan ni mama.
"Ano sa tingin mo hija?" Tanong sa akin ng kaniyang mommy na naka ngiti. Gulat na gulat akong naka tingin sa kanila, inaasahan ko na baka may napili na sila sa mga binatang pinakilala nila sa akin sa gabing yon pero hindi ko naman ata na siya, siya ang napili nila.
"Hindi-------ko alam" nauutal ko pang sabi, gulat na gulat parin ako sa nangyayari.
"Sana bukas, hija, may desisyon kana" sabi sa akin ng kaniyang mommy. Tumango na lang ako at ngumiti ng pilit. Ramdam ko ang kaniyang kasiyahan sa pagsabi sa akin ng tungkol sa bagay na yon. Ng matapos kami ay nagpagdesisyonan ng mga magulang namin na don muna sila sa office ni papa dahil may importante silang paguusapan.
"Kakilala mo ba ang ate ko?" Tanong ko sa kaniya ng hindi ko na matiis ang subrang katihimikan namin dito sa may garden.
"Yes" tanging sagot niya sa akin habang nasa akin ang kaniyang mga mata.
"Kung buhay siya, baka kayo ang kinasal at hindi tayo"
"Hindi mangyayari ang bagay na yon" nakipagtitigan ako sa kaniya dahil sa naging sagot niya sa akin.
"Paano mo yan na sabi?" Nagtataka kong tanong sa kaniya, hindi siya sumagot at tumingin na lang sa ibang deriksyon. Anong ibig niyang sabihin don?
BINABASA MO ANG
I don't want to be alone, but...
RomanceStephanie Elizabeth Valencia, isang babaing binago ng mahabang panahon. Kontrolado lahat ng kaniyang ina ang lahat. Dahil don ay hindi na niya alam kung paano ba bumalik sa dating siya nong buhay pa ang kaniyang ate. Ayaw na niya ang ganitong paglal...