NAGISING ako na nasa tabi ko pa rin siya. Magulo ang kaniyang buhok dahil sa pagtulog pero kahit ganon ay subrang gwapo pa rin niyang tignan na para bang isa siyang modelo at inayos yon para sa kaniya, na subrang nababagay. Tumalikod ako saglit upang kunin ang aking cellphone, ng makuha ko na ay agad ko siyang kinunan ng maraming larawan. Kahit saang angulo ay para talaga siyang modelo, akin lang ang modelong ito. Hinahaplos ko rin ang kaniyang buhok, pati ang kaniyang nuo pababa. Ang matangus niyang ilong at mapulang mga labi na ilang beses ko ng natikman. Napahinto ako sa paghaplos sa kaniya ng hawakan niya ang aking kamay na papunta na sa kaniyang labi. Hinalikan niya ang aking kamay na nakapikit pa rin. Unti-unti ding minulat niya ang kaniyang mga magagandang mata na kulay kaumangi. Dahan dahan siyang lumalapit sa akin habang hinahalikan ang aking kamay papunta sa akinh braso. Nasa akin lang ang kaniyang tingin habang ginagawa niya yon. Ng nasa harap ko na siya ay agad niya akong hinalikan, isang masuyong halik ang na tangap ko sa kaniya.
"Morning" sabi niya sa akin sabay sik-sik niya sa aking leeg.
"Morning" bati ko rin sa kaniya pabalik sabay halik sa kaniyang ulo. Ganon lang ang naging posesiyon namin. Nakadikit lang ako sa kaniya at ganon din siya sa akin. Nakayakap ang dalawa niyang kamay sa akin. "Do you still want to sleep?" Tanong ko sa kaniya ng makitang magaalas 8 na. May trabaho pa siya.
"No, but I just want to be by your side" malambing nitong sabi sa akin.
"But you still have something to do in the office and do you have a meeting, right? " tanging sabi ko sa kaniya na hinahaplos ang kaniyang buhok. Kung ako ang tatanongin, gusto ko nandito lang siya.
"Yeah" walang gana nitong sabi sa akin. Mas lalo pa ito sumiksik sa akin, parang bata ang isang to.
"Get up, David. You still have something to do in the office." Sabay tulak ko sa kaniya papalayo. Ng bumitaw na siya ay agad akong bumangon upang hindi na ulit siya yumakap sa akin, kailangan na niyang maligo. Nakatingin lang siya sa akin, ilang sandali pa ay bumangon na din siya at lumapit sa akin sabay halik sa akin saglit. Ng matapos ay pumasok na din siya sa banyo upang maligo.
Bumaba na din ako at don na rin naghilamos. Naghanda na din ako sa mga dapat kong lutoin ngayon. Hinanda ko na rin ang kaniyang kape. Paglabas ko ng kusina ay siya namang pagbaba niya. Ang gwapo niya talaga sa suot niyang business attire.
"Let's eat" aya ko sa kaniya, agad naman siyang tumabi sa akin, nilagyan ko ng mga pagkain ang kaniyang plato.
"what are you going to do today?" Tanong niya sa akin kaya agad akong napatigil sa pagsubo. Oo nga pala makipagkita ako ngayon kay mama. Sabado ngayon kaya wala akong gagawin kundi yon lang.
"My mom wants to see me, so magkikita kami mamaya" naka ngiti kong sagot sa kaniya. "Mukhang sa mansyon na din akong maglulunch" patuloy ko pa.
"I'll go with you" agad akong tumingin sa kaniya na siya namang pagtuon niya sa kaniyang pagkain.
"No, and why do you have to go with me?" Tanong ko naman sa kaniya at kumain na din ulit.
"I just wanted" agad naman nitong sagot sa akin.
"Hindi ka sasama, David, may gagawin ka pa" sabi ko pa sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang tinitimbang niya ang mga sinasabi ko.
"Okay, fine" sabi niya pa sa akin sabay buntong hininga. Ngumiti lang ako sa kaniya.
Ng matapos kami sa pagkain ay tulad pa rin nong dati ako lang din ang naghuhugas. Gusto sana niya na siya ang gagawa pero hindi ko pinayagan. Ang pangit kaya tignan na naghuhugas siya ng mga plato habang naka business attire. Pagharap ko ay naka sandal lang siya sa labasanan ng kusina at naka tingin lang sa akin.
BINABASA MO ANG
I don't want to be alone, but...
RomanceStephanie Elizabeth Valencia, isang babaing binago ng mahabang panahon. Kontrolado lahat ng kaniyang ina ang lahat. Dahil don ay hindi na niya alam kung paano ba bumalik sa dating siya nong buhay pa ang kaniyang ate. Ayaw na niya ang ganitong paglal...