"SAMA KA MAMAYA?" Tanong sa akin ni Katrina habang inaayos ang kaniyang gamit.
"Saan?" Tanging tanong ko sa kaniya habang inaayos rin ang aking mga gamit na ilalagay mamaya sa locker.
"Bar daw tayo sabi ni Jane" sabi niya sa akin na ngayon ay tapos na. Sasagot na sana ako ng magsalita ulit siya "wag mong sabihin na ayaw mo, ewan ko na sayo" masungit niya pang sabi sa akin.
"Oo na, sasama na" aayaw naman talaga ako pero sige na nga, sasama na lang ako. Namiss ko na rin kasi sila.
"Queen!" Agad akong napatingin sa may pinto ng may tumawag sa akin.
"Bakit?" Tanong ko sa isang lalaki na mukhang nahihiya. "Lapit ka" agad niya naman yon sinunod at lumapit sa akin.
"Ito" sabay bigay sa akin ng isang letter. Pagsampong letter sa araw na to.
"Thank you" tanging sabi ko na lang ng tangapin ko ang kaniyang bigay. Tumango lang siya at umalis na. Nilagay ko na lang sa aking bag ang letter at agad na kaming lumabas.
"Paano kaya kapag nalaman nila na kasal ka na" pabulong na sabi ni Katrina sa akin.
"Ewan" tanging sagot ko na lang sa kaniya.
"Siguro maraming magluluksa, hindi lang ang mga lalaki kungdi pati na ata ang mga babae kapag na laman nila na naging asawa mo ay si Sir David" masayang sabi ni Katrina na pabulong parin. Tama nga siya, baka ang iba ay magpakamatay pa. Biro lang.
"Baka nga" natatawa kong ring sabi ng may mga bagay na pumasok sa isip ko sa naging usapan namin ni Katrina.
Lumiko agad kami sa may locker para ilagay ang ibang gamit don bago pumunta sa canteen. Ng matapos ay agad kaming nagtungo sa canteen at nagorder ng aming mga pagkain.
Halos ang iba ay nakatingin sa akin, mukhang naging busy talaga ako nong nakaraang lingo para tingin nila ako ng ganito. Mga tingin kasi nila na para bang subrang tagal kong nawala.
"Kamusta na" bati sa akin ni Jane na kakaupo pa lang.
"Ito okay lang" tanging sabi ko na lang.
"Ano? Sama ka mamaya?" Naka Oo nako kanina kay Katrina kaya makakasama talaga ako sa kanila.
"Oo, sama siya. Pumayag na siya kanina nong niyaya ko siya" nauna pang sumagot si Katrina kaysa sa akin na para bang subrang excited niya. Tumingin lang sa akin si Jane na para bang kino confirm kung sasama ba talaga ako. Kaya agad akong tumango bilang sagot.
"Buti naman pala, ilang lingo ka ring Miss in action" sabi niya pa sa akin "sige una na ako, may maga pa akong klase" paalam niya sa amin na bago tumayo at umalis.
"I'm so excited" sabi pa ni Katrina na may tili pa. Baliw!
"Bilisan mo na nga, may next class pa tayo" sabi ko sa kaniya ng matapos na ako. Daldal ng daldal kasi kaya ang tagal natatapos.
"Bakit naman kasi late na natapos ang klase natin kanina" reklamo niya pa na may kasamang dabog. Gusto kasi ng gaga na kapag kumakain parang nasa isang commercial. Baliw talaga.
"Bilisan mo, baka malate tayo nito" paalala ko sa kaniya ng makita ko na hindi naman siya nagmamadali.
"Oo na, ito na" naka simangot niya pang sabi sa akin.
Ng matapos ay agad kaming lumabas sa loob ng canteen at nagtungo agad sa next class namin. Sakto na mang pagkaupo namin ay dumating na agad ang prof namin.
"Buti na lang talaga binilisan natin, ayaw pa naman ni prof na nalalate tayo sa klase niya" sabi sa akin ni Katrina.
"Ikaw lang naman kasi yung dahilan kaya tayo natatagalan" tanging sabi ko na lang habang naka tingin lang sa harao habang nag li-lecture si prof.
BINABASA MO ANG
I don't want to be alone, but...
RomanceStephanie Elizabeth Valencia, isang babaing binago ng mahabang panahon. Kontrolado lahat ng kaniyang ina ang lahat. Dahil don ay hindi na niya alam kung paano ba bumalik sa dating siya nong buhay pa ang kaniyang ate. Ayaw na niya ang ganitong paglal...