Chapter 22

10 3 0
                                    

ILANG araw din ako naka higa lang sa kama dahil ang sakit pa din ng parting don.

"Are you feeling well? " Ilang ulit na niyang tinatanong kung wala na ba akong naramdamang sakit.

"Ilang bises ko na din sasabihin na okay lang ako, hmmm" naka ngiti ko pang sabi sa kaniya, ayaw niya pa kasi na gumagalaw na ako at gumawa ng mga bagay dito sa bahay.

"Are you sure?" Nakayakap niyang sabi sa akin mula sa likod, habang ako naman ay nagluluto pa para sa aming umagahan.

"Oo" sabay harap sa kaniya at hinalikan siya ng sandali, humabol pa nga ang kaniyang mga labi sa akin, bago ako humarap ulit sa aking niluluto. Nakulangan ata kaya na tawa na lang ako habang naghahalo.

Ilang sandali pa ay bumitaw na din siya sa pagyakap sa akin. Kumuha siya ng mga plato at hinanda na ang lamesa. Ng matapos siya ay tinulongan niya pa ako sa pagahin ng mga pagkain. Ng maayos na ang lahat ay sabay na kaming upo.

"Papasok ka na ulit ngayon sa office, diba?" Biglang tanong ko sa kaniya.

"Yeah?" Patanong namang sagot niya sa akin. Alam ko namang kailangan na siya sa Companya pero hindi niya pa ako kayang iwan.

"Mister, kailangan ka na nila, kaya papasok ka" naka taas pa ang kilay ko habang sinasabi yon sa kanya.

"Kaya ko namang magtrabaho habang nandito lang ako sa bahay" kuntra niya pa sa akin. Nagpapatuloy pa din siya sa pagkain habang naguusap kami habang ako naman ay napatigil na dahil kausap ko pa siya.

"Iba pa din yung nasa office ka, malapit ka lang sa mga employee mo at madali ka lang nila malalapitan kung may kailangan silang ipasa ng mga report" mahaba haba ko pang sabi sa kaniya. Ilang araw na din siyang hindi pumapasok dahil sa akin. Halos araw araw na dumadaan ay may kausap siya sa phone at may mga pumuponta pa dito para ipasa yung mga dapat ipasa sa kaniya.

"But, wife" kukuntra pa sana siya pero mukhang pinagbigyan na din ako.

"Okay lang talaga ako hmmm" naka pout ko pang sabi sa kaniya para hindi na talaga siya umangal pa.

"Okay fine" naka ngiti naman ako habang kumakain na ulit.

Ng matapos na kami sa pagkain ay sabay na kaming pupunta sa aming kwarto, tinulongan ko pa siya sa pagaayos ng kaniyang necktie.

"Tapos na" masaya kong sabi sa kaniya habang naka tingin sa kanyang business attire. "Ang pogi ng Mister ko" sabi ko pa sa kaniya, habang siya naman ay halatang ayaw pumasok sa trabaho ngayon.

"Tsk" tanging na rinig ko na lang sa kaniya.

"Wag ka ng magalala dyan, papupuntahin ko naman dito sina Katrina mamaya" mas pinapalaki ko pa ang ngiti ko para hindi na siya masyadong magalala pa sa akin. Wala naman talaga akong planong papuntahin sila dito pero kahit papaano ay hindi na siya magalala pa ay sige, mas okay na din yun.

"Sigurado ka bang kaya mo na?" Nandon pa din ang pagalala sa kaniyang mga mata.

"Oo, promiseeeeee" naka taas pa ang right hand ko na para bang nanunumpa sa kaniya.

"Okay" sabi niya pa sabay buntong hininga.

Sabay na kaming bumaba habang siya ay naka hawak sa aking bewang, ihahatid ko sa hanggang garahe. Humalik pa siya sa akin bago pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Hindi pa siya umalis ng makapasok na siya. Binaba niya pa ang salamin ng sasakyan at naka tingin sa akin kaya agad akong lumapit sa kaniya. Yumuko ako ng kaunti at hinawakan ang kanyang mukha upang mahalikan ko siya ng maigi. Agad siyang lumaban sa aking halik na ngayon ay ang kaniyang kamay nasa aking batok na upang mas madiin pa ang kaniyang paghalik sa akin. Tumigil din kami ng maubusan na kami ng hininga.

I don't want to be alone, but... Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon