Chapter 28

16 3 0
                                    

NAGISING na naman ako ng madaling araw na wala siya sa tabi ko. Tulad pa rin non ay agad akong bumangon at naglakad pa puntang banyo. Dinikit ko ang aking tinga don at pinagkikinggan kung anong nangyayari sa loob. Habang tumatagal na nangyayari yun kapag madaling araw ay mas lalo siyang nagtatagal sa loob hindi tulad nong una. Bawat pagbalik niya ng higa ay mas halatang pagod siya, para bang may masakit sa kaniya. Habang ganon ang aking pwesto ay rinig na rinig ko ang bawat ungol niya na para bang hirap na hirap na siya. Pagod na pagod na siya sa mga nangyayari sa kaniya ngayon, halata yun sa bawat sigaw na naririnig ko.

Bumalik na lang ako sa aming kama pero hindi na nahiga, umupo lang ako don habang hinahintay siyang lumabas. Gustong magtanong kung anong nangyayari sa kaniya. Gusto kong malaman kung okay lang ba siya pero halata namang hindi. Gusto kong tanongin siya pero may parte sa akin na siya mismo ang magsabi hindi dahil tinanong ko siya kung di ay nagkusa siyang sabihin yun.

Ng marinig ko na ang pagtunog ng lock ay agad agad akong humiga upang hindi niya malaman na nagising ako na wala siya. Hindi siya agad dumeritsyo sa kama dahil nagpalit pa siya ng damit. Pawis na pawis siya na para bang ilang kilometrong layo ang tinakbo niya. Ng makabihis na  ay nagtungo siya sa isang single sofa at don ay naupo. Nakapikit lang ako dahil alam kong nasa akin ang kaniyang tingin. Ramdam ko yun, may kaba sa bawat minuto na dumadaan na walang ingay na maririnig kung di ang kaniyang mabigat na paghinga.

Gusto ko siyang yakapin, gusto kong buhatin kong ano man yung nagpapabigat sa kaniya. Pero ramdam ko na wala akong magawa, hindi ko kayang tulongan siya kung ano man yun. Bawat buntong hininga niya ay subrang bigat, habang naririnig ko yun ay ramdam ko na yung takot. Isang malaking takot na baka.....hindi pwede maging ganon.

Ramdam ko na ang paghiga niya sa aking tabi, mahigpit na yakap agad ang sumalubong sa akin. Ang yakap na to ay nagbibigay babala na baka ito na yung huli o di kaya ay hindi na ganito ka higpit. Nasa ulo ko na ang kaniyang mukha, rinig na rinig ko din ang kaniyang mabigat na paghinga.

HINDI na ako nakatulog pa hanggang nagumaga na. Habang siya naman ay tulog na tulog na. Dahan dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Naghanda muna ako ng aming umagahan at ng matapos ay lumabas ako ng bahay, dala dala ang aking cellphone.

Mag aalas 6 pa lang at hindi pa masyadong sumisikat ang araw. Mababaliw ako kung wala akong pagsasabihan nito kaya tinawagan ko si Katrina kahit alam ko na baka pagod yun sa mga momodeling niya. Bago ko siya tawagan ay umupo muna ako sa isa sa mga lounge.

"Wow gurl, hindi ka masyadong maaga" agad niyang sabi sa akin na halatang sarcastic. Halatang pagod na pagod sa boses niya ng sagotin niya ang tawag.

"Sorry" bigla na lang tumulo ang luha ko sa hindi malamang dahilan.

"What happened?" Naging seryoso na din ang boses niya. Halatang ready na makinig sa mga sasabihin ko.

"I don't know" tanging na sabi ko na lang, wala naman talaga akong alam. Wala siyang sinabi kaya wala akong alam kung di ay makaramdam lang ng gamito.

"Anong hindi mo alam, umayos ka nga!" Alam kong magaalala na siya.

"May nangyayari sa kaniya na hindi ko alam" humikbi na din ako, takot na takot ako kung ano man yung nasa isip ko ngayon. Ayaw kong banggitin. "Takot na takot ako" mahina kong sabi.

"Tanongin mo kaya siya at sigurado akong hindi babae to, diba?"

"Hindi, walang babaing involve. Takot akong tanongin siya. Takot akong malaman ang bagay na yun" Umiiyak na talaga ako, hindi ko masabi kung ano ba talaga yung nasa isip ko.

"Paano mawawala yang takot mo kung hindi mo pa nga alam kung ano" alam kong naguguluhan na din siya sa akin.

"Hindi ko maiwasan matakot habang napapansin na yung pagbabago" takot ako na marinig na balang araw magiisa na naman ako.

I don't want to be alone, but... Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon