Chapter 25

12 3 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga din akong gumising para ihanda na ang lahat para sa event mamayang gabi. Bawat pwede kong alamin ay inalam ko na para sa event. Gusto kong ipakita na kaya ko ang ganitong trabaho. Na pwede niya din akong ipamalaki sa lahat. Na kaya ko ding maging anak niya.

"Kailan ba maihahanda yung mga pagkain?" Tinitignan ko ngayon ang mga list ng mga bisita na dadalo.

"Sa tamang oras ay mahahatid na ang lahat, ma'am" agad ding sagot nito sa akin na busy din sa kaniyang tab.

"Good" tanging sabi ko pa habang naka tingin sa ibang bahagi ng venue. "Bakit kulang yung mga upuan?" Halatang kulang sa bahagi sa may kanan.  Nasa may gitna kami ngayon ng venue para agad kong makita ang lahat kung may kulang pa ba o wala na.

"Sabi nong tinanungan ko, malalate daw yung ibang upuan, ma'am" sabi nito sa akin.

"Siguradohin mong mahahanda na yan mamaya"

"Yes, ma'am"

Iniwan ko naman si Clare don at lumapit sa mga speaker kung naka handa na ba ng maayos.

"Okay na ba yan?" Agad kong tanong sa mga nagaayos don.

"Yes, ma'am, maayos naman po" agad ding sagot nito sa akin. Tumango naman ako na may ngiti at lumipat na naman sa ibang bahagi ng venue.

Pupunta ako sa may stage at tinitignan din kung maganda na ba at maayos ng tignan mula dito ang lahat. Ng tumunog ang phone ko ay agad ko itong sinagot.

"Hello, la" masaya kong sagot.

"Oh apo" iwan ko ba pero ramdam ko na lang bigla ang pangungulila sa kaniya.

"Ano pong meron at pataway oh kayo"

"Gusto ko lang sabihin na dadalo ako mamaya" subrang tanda na nga ni lola dahil sa paraan ng kaniyang tono.

"Masaya akong malaman yan, la" masaya na nga akong tumuwag siya pero mas ikakasaya ko pa ng malaman kong dadalo siya mamaya. "Kaya niyo po bang bumiyahe?" May pagalala ko ding sabi, ang tanda na niya para bumiyahe pa ng ganon ka layo. Nasa Cebu kasi siya ngayon.

"Kasama ko naman ang iba mong pinsan" tanging sabi nito sa akin. Oh sige, apo, kita na lang tayo magdating ko" paalam na nito sa akin, rinig ko ding sa background na tinatawag niya siya, mukhang aalis na sila.

"Sige, la, ingat oh kayo" paalam ko rin at pinatay na ang tawag.

Masaya akong malaman na makikita ko sila lola mamaya, tatlong taon na din simula ng umalis ako ng Cebu at umuwi dito. Nong buhay pa si ate Therese ay sumaba ako kina lola papauwi ng Cebu at don nga ako nagtagal hanggang kailan kong umuwi magisa dahil dadalo ako ng isang kaarawan ng isa sa mga kaibigan ko at nangyari nga ang hindi inaasahan. Simula noon ay nanatili na ako dito sa Cebu.

"Kain ka muna ma'am" aya sa akin ni Clare, umalis kasi ako ng bahay ng wala pang kain pero nagluto naman ako para kay David bago ako umalis kanina.

"Kumain ka na ba?" Sabay na din kaming naglakad sa isang table kung saan niya hinanda ang mga pagkain ko.

"Opo, ma'am. Kayo lang ata ang hindi kumain, magaalas 9 na ng umaga at hindi ka pa kumakain" sabi nito sa akin, para tuloy siyang ate na pinagasasabihan ako ngayon. Ang sarap lang sa pakiramdam. Ganon kasi noon si ate Therese sa akin kapag umuuwi ako ng manila.

"Opo, kakain na" pabiro ko namang sabi sa kaniya.

"Hala, sorry ma'am" gulat niyang sabi sa akin. Hindi niya ata na pansin na naging ganon na ang mga na sabi niya sa akin.

"Thank you, Clare" may halong lungkot kong sabi pero masaya akong maramdaman yun ngayon. "Pinaramdam mo sa aking makaruon ulit ng nakakatandang kapatid na babae" Sabay subo sa mga pagkain na nasa aking harapan.

I don't want to be alone, but... Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon