Chapter 12

17 3 0
                                    

MATAPOS ang gunting tampuhan namin, mali, ako lang pala yong nagtampo. Ang OA ko sa parting yon. Dinamdam ko agad at hindi nagisip. Pagkagising ko ay mukha niya agad ang sumalubong sa akin. Subrang gwapo niya habang na tutulog. Kahit ata matulog to mukhang mamahalin. Ganon ang itsura niya. Maaga pa lang pero ang bango na niya, ang sarap titigan na para bang pagmamay-ari mo siya. Akin na lang kaya siya.

Pagkauwi ay balik ulit kami sa dati. Naging busy rin sa school dahil malapit na ang exam sa huling semester namin at makagraduate na rin. Pati ata siya ay naging busy rin, madalas ay late na siya nakakauwi dahil minsan ay dumadaan pa siya sa companya nila. Mukhang kailangan na din siya don.

Marami akong ginagawa na dapat kong ipasa sa susunod na araw, marami kasing pinapagawa ang mga prof namin ngayon dahil malapit na rin kaming magtapos.

"Putek, ang dami ko pang tataposin" reklamo ni Katrina habang naka busangot ang mukhang "may dinagdag pa sila, nakakaluka na" patuloy niya pang reklamo

"Tumigil ka nga dyan, walang magagawa yang reklamo" saway ko sa kaniya, kanina pa kasi siya reklamo ng reklamo.

"Kasi naman eh" naiirita niya pang sabi sa akin.

Agad kami pumasok sa library upang gawin na ang mga dapat gawin, mas dumami pa ang mga papers na dapat kong taposin ngayon. Gabi na din ako natatapos o minsan ay hindi ko na talaga matapos ang dapat ay matapos ko. Naglalaan parin ako ng oras para magaral dahil malapit na ang exam.

Tumayo muna ako at lumapit sa ibang parte ng library upang hanapin ang ibang libro na kailangan ko sa papers na ipapasa ko bukas. Halos na sa may dulo na ata ko kaya walang masyadong tayo sa parting to.

kukunin ko na sana ang libro pero hindi ko abot, hindi naman sa maliit ako. Ang taas lang talaga kaya hindi ko maabot. Bigla akong napatigil ng may ibang kamay na kumuha ng librong kukunin ko sana kung abot ko lang. Ramdam ko siya sa likod, subrang lapit niya kasi. Kung hindi ko lang amoy ang mamahalin niyang pabango baka agad akong umalis sa harap niya pero siya to eh, kaya ganito muna.

"Dapat nagpatulong ka" bulong niya pula sa tinga ko. Ramdam ko tuloy ang hininga niya.

"Akala ko kasi, kaya kong maabot" dahilan ko pa sa kaniya, yon naman talaga ang tingin ko. Agad niyang hinawagam ang aking magkabilang balikat at pinaharap sa kaniya. Matapos ay agad niya din akong niyakap. "Baka may makakita sa atin" sabi ko pa sa kaniya, baka may mamakita talaga sa amin. Huli talaga kami.

"Hindi mangyayari yon" sabi niya pa sa akin na para bang sigurado siya. Mabigat ang bawat paghinga niya, halatang pagod. Kaya inayaan ko lang siyang nakayakap sa akin.

"Galing ka pa ba sa companya?" Tanong ko sa kaniya perp pabulong pa rin, baka may makarinig.

"Oo" agad niyang sagot sa akin, ilang minuto pa ay bumitaw na rin siya sa pagyakap sa akin at sumandal sa lalagyan ng mga libro "kailangan ko ng bumalik sa companya bukas" dugtong niya pa.

"Paano naman yong klase mo sa amin?" may halong lungkot na sabi ko, hindi ko na siya makikita sa school.

"Babalik na si Nicolas, bukas din" agad niyang sabi at titig na titig sa akin.

"Ganon ba, babalik na pala si Sir" tanging sabi ko na lang sa kaniya habang siya ay na sa akin parin ang tingin.

"Hmmm" tanging nagawa na lang niya.

"Kailangang-kailangan ka na siguro sa kompanya kaya pinababalik ka na" may lungkot paring sabi ko.

"Hindi sa ganon, kailangan na rin bumalik ni Nicolas sa trabaho" sabi pa niya sa akin.

"Kailang mo yan sasabihin sa iba? O baka aalis ka na lang bigla" Tanong ko sa kaniya  na sumandal na rin sa lalagyan ng mga libro.

"mamaya" maikli niyang sagot sa akin, titig na titig parin siya sa akin.

I don't want to be alone, but... Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon