Chapter 1

14.7K 320 3
                                    

CHAPTER 1

"BRI, sigurado kang kaya mong maglakad?" ani Lydia na kaibigan niyang isang anesthesiologist. Inalalayan siya nito dahil sa lasing na siya. Napakasakit ng ulo niya at ngalay na ang mga balikat niya. Nagdu-double vision narin siya dahil kahit kailan ay hindi pa siya nalasing sa tanang buhay niya.

Natapat na sila sa elevator nang muli itong magsalita. "Bri, hindi na kita masasamahan sa itaas dahil hinihintay na ako sa OR. Alam mo naman siguro kung aling unit at floor ka?" paniniyak nito.

Namumungay ang mga mata niya nang tumango. "Yeah...yeah...I can handle myself. Go ahead," she answered, pilit na humiwalay sa kaibigan at napasandig sa dahon ng elevator. Bahagya pa siyang ngumiti.

"I'm sorry Bri kailangan ko na talagang umalis." Hinalikan siya ng kaibigan bago ito nagmamadaling nagmartsa palabas sa gusali ng tinutuluyan niyang condominium.

Wala sa loob na pinindot niya ang buton ng elevator at dahil nakasandig siya roon bigla siyang natumba nang magbukas ang mga pinto, ang mga kamay niya ay naitukod sa sahig ng elevator. Panandaliang umikot ang kanyang sikmura.

"Okay ka lang?" anang isang babaeng papalabas na sana ng elevator.

"Uhmm..." tanging nasagot niya habang tinatakpan ang bibig.

Lumabas ang dalawang babae at may pumasok namang isang medyo middle aged na.

Pakiramdam niya ay wala na siyang lakas para tumayo kaya gumapang siya at sumandig sa wall ng elevator.

Hindi naman siya pinansin ng matandang kasama niya.

Ilang segundo ang kanyang hinintay bago bumukas ang elevator. Naunang lumabas ang matandang babae na mukhang kanina pa nakatingin sa kanya pero wala namang ginawa, saka siya sumunod at nagmamadaling gumapang para makalabas ng elevator. Pakiramdam niya ay lalabas na lahat ng ininom at kinain niya anumang oras.

Nagpapasalamat siyang malapit lang rin sa tapat ng elevator ang unit niya. Pasuray-suray siyang tumayo saka careless na binuksan ang pinto ng unit. Hindi na niya naisipang kumuha ng susi. Surprisingly, nakabukas iyon at hindi na niya inabalang isipin pa kung careless na hindi niya iyon nai lock kanina.

Pati ang kakaibang interior na napasukan niya ay hindi na niya pinansin dahil sa tingin niya ay nag hahallucinate na siya sa dami ng kanyang ininom. She doesn't want to think. Pagod siya, lasing at sobrang sama ng loob niya.

At na kompirma niyang nagha-hallucinate na nga siya ng may biglang hubo't hubad na lalaking tumapat mismo sa harapan niya.

Nanuyo bigla ang kanyang lalamunan.

The guy stood there who looked surprise but didn't even bother to cover his nakedness. I am hallucinating? She closed and opened her eyes. This time, nakakalokong ngiti na mula sa lalaki ang nakita niya.

She fluttered her eyes again. Goodness but the man was so good-looking. He was so easy in the eyes.Ultimo katawan nito ay tila nililok para magmukhang diyos. Ayaw niyang agad na maglaho ito sa kanyang pangingin at paniwalaang nag-hahallucinate lang siya. She was actually enjoying her view.

She wanted to laugh at the silliness of her thought. Infairness, pamilyar ang mukha nito. Kamukha nito ang tisoy na lalaking naging crush niya sa isang cigarette commercial dati at minsan na nilang pinagpantasyahan ng mga kaklase niyang babae noong nasa pre-med pa lamang siya. Si Claudius Anthony, anak ng isang airline at tobacco mogul!

She laughed. She was surely hallucinating. Pakiramdam niya ay lalong umikot ang kanyang sikmura. Sinikap niyang pumikit at nang magmulat ay ang gwapong mukha parin nito ang kanyang nabungaran.

Claudius Anthony Pierce (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon