Chapter 18

5.5K 188 5
                                    

CHAPTER 18

I'll be home late, sweetheart. Iyon lang ang natanggap na text ni Brionna mula kay Claud sa maghapon. Nang maitext niya ito kung kumain na ito kanina ay hindi naman ito nagreplay kaya tinawagan narin niya ito pero unattented ang telepono nito, maskin ang business number nito. Bakit naka off ang business phone nito? Hindi siya sanay na hindi ito tumatawag.

Diyos ko nasaan na ba ang lalaking iyon?

Napatingin siya sa wall clock. Maghahating gabi na pero wala parin ito. Kinakabahan na siya, baka kung ano na'ng nangyari dito. Hindi siya mapakali.

Maya-maya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nadismaya siya ng numero lang ang lumabas doon. Malamang ay isa iyon sa mga pasyente niyang may kung anong emergency na itinawag.

"Hello?"

"I'm glad to have finally talk to you, doctor Brionna Soliva," anang matinis na boses sa kabilang linya.

"S-sino to?" aniyang nagsimula ng kabahan. Pakiramdam niya ay hindi maganda ang intensiyon ng tumawag.

"Kamusta ang pakiramdam mo ngayong pinakasalan kana ni Claud?" Nanunuya ang tono ng boses nito. "Masayang masaya ba?"

Who was this woman? Hindi niya gustong mag-isip ng masama. Hindi niya gustong bumalatay ang kung anumang pagduduba sa dibdib niya.

"Hello doctor? Bakit hindi ka makasagot?"

Napalunok siya bago sumagot, pinilit maging kalmante ang tono ng magsalita. " Anong kailangan mo?"

Narinig niyang natawa ito. "Well, siguro naman alam mo ang totoong rason kung bakit ka pinakasalan ni Claud...iyon ay dahil sa bata, hindi ba doctor?"

Nakuyom na niya ang mga palad.

"Anyways, hindi ako tumawag para awayin ka kundi ipaalam kung nasaan ang asawa mo." Nagpatuloy ito. "Akala ko kasi sa akin na siya uuwi ngayong nakabalik na siya sa Maynila, hindi pala. I've caught him today with another woman. You see? Were on the same side right now, doctor."

Napalunok siya, pinanawalan ng lakas ang dila niyang sagutin ang walanghiyang babae.

"Kung gusto mong malaman kung nasaan si Claud ngayon ay pumunta ka sa Redlight...ay teka sa Sun City Hotel ka nalang pala dumeretso nasa suit 301 ang asawa mo, just so you would like to know..." Iyon lang at tuluyan ng naputol ang linya.

Nanginginig ang mga kamay niya ng maibaba ang tawag.

Hindi na siya muling nag-isip pa at kinuha ang susi ng kanyang sariling sasakyan. Ayaw niyang pagdudahan si Claud pero natatakot siya...bakit tatawag ang babaeng iyon? Anong ginawa ng asawa niya sa isang hotel ng ganitong oras?

Hindi siya magagawang lokohin ni Claud. Sabi nito ay mahal siya nito. Hindi! Not now, that everything seemed to be perfect...

"Ma'am gabing-gabi na po baka po mapaano kayo. Hayaan niyo pong si Lito na ang magmaneho sa inyo baka malagot po kami kay Sir," anang gwuardiyang nakaronda sa gate nang matapat na ang sasakyan niya roon. Agad naman nitong tinagawan si Lito sa hawak na cellphone.

"Hindi ko kailangan ng driver ngayon. May kukunin lang ako sa condo ko, palabasin mo na ako ngayon, Kiko," aniyang tinigasan ang boses.

"Pero Ma'am..."

"I said open the gate," aniya muli sa matigas na boses.

Wala narin itong nagawa kundi buksan ang gate.

Nanginginig ang mga kamay niya habang nagda-drive. Kung anu-ano ng naiisip niya. Sana naman okay lang ang asawa niya, sana naman ay wala itong kasamang babae...

Claudius Anthony Pierce (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon