CHAPTER 11
Anglo Saxon Community
HINDI makapaniwala si Brionna ng mga sumunod na oras. Dinala siya ni Claud sa airport at ngayon ay kalalapag lang ng eroplanong sinasakyan nila sa isang napakalaking isla. Gustuhin niya mang magwala sa sama ng loob ay pinanawalan na siya ng lakas.
Sandali niyang inaliw ang mga mata sa nakikitang kagandahan sa kanyang paligid. Pakiramdam niya ay nasa ibang lugar siya at wala sa Pilipinas, nalaman niya kanina mula sa Piloto na nasa Palawan sila.
So this was the famous Anglo Saxon Community? Minsan na niya narinig ang tungkol sa kakatayo lang na komunidad.
Mula sa kinatatayuan niya ay natatanaw niya ang napakalinaw na dagat. Bakit ba siya dinala ni Claud doon? Biglang nanumbalik ang kaninang inis niya ng maalala iyon.
"Halika na, Brionna," kinuha ni Claud ang isa niyang kamay saka hinila siya sa isang nakaparadang limousine.
"Bakit mo ba ako dinala dito?"
"Uuwi na si mama sa LA dahil kailangan niyang alagaan si Stephie. Isa hanggang dalawang buwan lang ang hiningi ko sa kanya. Ngayong wala na akong masyadong gagawin ay matutukan na kita. At gusto kong dito ka muna, hanggang sa makapanganak ka."
Napanganga siya sa tinding gulat saka pumiksi sa pagkakahawak nito. Muling nagngingitngit ang kanyang kalooban. " Anong karapatan mong gawin sakin to? Diba sinabi ko ng pabayaan mo na ako?!"
Hinila siyang muli nito at isinabay siya nitong pinasok sa limousine. "Bitiwan mo ako! Wala kang karapatang panghimasukan ang buhay ko!"
"Ihatid mo kami sa villa, Rudy," anito sa driver saka lang siya nito binalingan. Kinabit nito ang seatbelt niya. "Alam ko kung gaano katigas ang ulo mo, Brionna. Tinawagan ko ang doktor mo kagabi na dito ka muna pansamantala hanggang sa makapanganak ka at dito ka narin niya titingnan."
Huminga siya ng malalim dahil nagsisimula na namang manikip ang kanyang dibdib. How frustrating and exasperating was this man? "Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang pinapakialam ang trabaho ko. Ilang beses ko ba iyang pilit ipapapaintindi sayo, ha?" Pinigilan niya muling mapa-iyak. Ano nalang ang sasabihin ng mga pasyente niya sa kanya? Na isa siyang pabayang doktor? Hindi niya gustong makarinig ng masama tungkol sa mga ito o sa propesyon niya bilang mangagamot. At paano na ang kagustuhan niyang maluklok bilang chief cardio kung hindi siya magtatrabaho ngayon?
"Tinawagan ko ang sekretarya mo kahapon. May doktor akong pinakiusapan na pansamantala munang mangalaga sa mga pasyente mo hanggang sa makapanganak ka."
Sinapak niya ang braso nito. "God, how dare you!"
"You made me do this, Brionna. Sinabi kong lahat ng kung anong mangyari sayo ay sabihin mo sakin. Pero hindi mo ginawa. Ama ako ng anak mo at may karapatan akong pangalagaan kayong dalawa."
He was all that to her. Ama ng anak niya kaya kailangan siya nitong alagaan!
May kung anong bumikig sa kanyang lalamunan. Napalunok siya at hindi na muling nag Salita. Ulit ay naninikip na naman ang kanyang dibdib. Pinigilan niyang umiyak muli sa harap nito.
Makalipas ang ilang minuto ay nag-anunsiyo na ang driver na naroon na sila.
Hindi siya umimik nang buksan ni Claud ang pinto at muli siya nitong hinila papasok sa loob ng bahay nito.
Nilapag naman ng driver ang ilang gamit na dala ni Claud kanina saka ito nagpa-alam.
Anong gagawin niya sa isang bahay kasama ito? Maslalo lang maghihirap ang kalooban niya kung magkaganoon.