Chapter 20

14.9K 395 54
                                    

CHAPTER 20

IKATATLONG araw na nilang nag-aabang sa bar at mukhang dininig yata ng Diyos ang naging dasal ni Brionna nang nagdaang mga araw dahil nakita niya ngayon ang babaeng naabutan niyang kasama ni Claud sa kwarto ng isang hotel.

"Sigurado kang siya talaga iyan, Bri? Baka makasuhan pa tayo nito kung hindi siya iyong babaeng nakita mo."

"I'm sure siya iyon, Lyd..." aniyang napahimas sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay nanakit iyon dahil siguro sa pagpipigil na masunggaban niya ang walanghiyang babae.

"Halika na Bri, siguro naman ay alam mo na ang gagawin ngayon?"

Napalunok siya at nagsimulang naglakad, nakasunod naman sa kanya si Lydia. "Excuse me?" aniya sa malambing na boses sa babaeng ngayon ay nakaupo sa isang stool na malapit sa counter ng bar.

Nanlaki ang mga mata nito ng makita siya.

"Diba ikaw iyong babaeng kasama ng asawa ko sa Sun City Hotel?"

Hindi ito nakasagot, mukhang nataranta dahil bigla itong tumayo sa stool at akmang aalis pero nahagip niya ang braso nito. Maliit siyang babae pero dahil sa galit ay napalakas ang pwersa niya dahilan para mapatigil ito. "Anong totoong nangyari noong gabing iyon? May ginawa ka ba sa asawa ko?" deretsahan niyang saad sa mariin pero kontroladong boses.

Biglang namutla ang mukha nito.

"Sumagot ka!" aniyang hindi na napigilang magtaas ng boses. Hindi niya gustong mag eskandalo pero noon pa niya gustong sikmatan ang mukha nito.

"Ayaw mong sumagot? Baka gusto mo kaladkarin kita ngayon sa presinto at kasuhan ng adultery? Anumang oras ay kayang-kaya kitang ipakulong."

Pinanlakihan niya ito ng mata ng hindi parin ito sumagot.

" I guess klaro naman ang gusto mong mangyari, gusto mong dalhin kita sa presinto," pagkuway basta nalang niya itong hinila. Wala na siyang pakialam sa ibang tao.

"T-teka-teka lang, sasabihin ko na..." napatigil siya sa paglalakad at nilingon ito.

"W-wala talagang nangyari sa amin ng asawa mo..."

Nabitiwan niya ang kamay nito. Oh God!

"Sasabihin ko ang totoo pero mangako kang hindi mo ako ipapakulong?" anitong napalinga sa kanilang gilid.

"Okay..." aniyang nagsimulang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib.

" We set him up, mag -isang umiinom ang asawa mo noon. I was in the bar. Nung medyo makarami na siya ay nilagyan ko ng pampatulog ang basong inabot ng waiter sa kanya. I guess hindi niya iyon namalayan. Tinabihan ko siya nun para mabantayan kung sakaling makakatulog na siya. Nang mangyari iyon ay nagpatulong akong maisakay siya sa mismong sasakyan niya. W-wala talagang nangyari sa amin...inutusan lang akong gawin iyon sa asawa mo."

Nagsimula na namang manginig ang kanyang kamay. "Sino ang nag-utos sayo? Sabihin mo kung hindi mo gustong ipakulong din kita!"

"S-si Febbie Aldo, binayaran niya ako."

Sa sama ng loob ay hindi na niya napigilang maangat ang isang kamay at nabigyan ito ng malakas na sampal. " That's for making me believe what I saw last time!" Napalingon ang lahat ng tao roon pero hindi na niya iyon inisip. Wala na siyang pakialam sa kung anumang isipin ng ibang tao sa kanya ngayon. "Salamat nga pala at sinabi mo ang totoo. " Binalingan niya ang kaibigan. "Halika na Lyd."

Nakamaang na iniwan nila ang babae roon.

Nanginginig parin ang buong katawan niya ng makapasok na sila sa sasakyan ni Lydia. "Ang walang hiyang babaeng iyon!" aniyang hindi na napigilang mapaiyak. " Ang sama-sama ng mga nasabi ko sa asawa ko Lyd. Ano bang ginawa ko?!"

Claudius Anthony Pierce (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon