Chapter 15

6.4K 209 4
                                    

CHAPTER 15

DUMAONG ang yate sa isang napakagandang dalampasigan. Naroon ang isang napakagandang resort para sa mga honeymooners, sa gilid niyon ay may isang lagoon.

Pumasok sila sa isang Moroccan villa. Pakiramdam ni Brionna ay nasa ibang bansa siya. Nagtuloy-tuloy sila ni Claud sa taas kung saan naroon ang kanilang kwarto. Hindi niya mapigilang mamangha ng masilayang merong infinity pool sa mismong katabi ng kwarto na masisilip mula sa salaming nakapagitan lang doon. Meron ding nakatanim na palmera sa magkabilang gilid ng pool. May kung anu-ano pang mga bulaklak doon.

Pinanuyuan siya ng lalamunan nang mapagmasdan ang isang king size bed, may kung anu-anong bulaklak na nakasabog roon.

"Claud ano bang gagawin natin?" She felt so stupid for asking that question.

Inilapag nito ang bag na bitbit sa kama. "Maliligo tayo sa lagoon Brionna. This will be the perfect time dahil hindi pa nagtatago ang araw at marerelax ka dahil medyo mainit ang tubig."

"Hindi ako marunong lumangoy."

"Then I will teach you how to swim," anitong binuksan ang bag na dala.

" Okay lang ba sa kalagayan ko ang mag swimming?"

Napaangat ito ng mukha. "Natawagan ko na sa Cynthia kung anong mga activities ang pwede mong gawin at hindi. Swimming will be good for you, sweetheart."

Umikot ang mga mata niya. Ano nga ba naman ang aasahan niya? Lahat ng kung anong detalye sa pagbubuntis niya ay alam nito. Mas marami pa nga itong alam kesa sa kanya na siyang nagdadalang tao. Mas bagay yata dito ang maging doktor kesa sa kanya.

"Maghubad kana sweetheart, maliligo na tayo habang may araw pa," ani Claud na nagsimula naring hubarin ang damit nito, may kung ano itong inilabas sa bag na bitbit.

"Bakit naman ako maghuhubad?"

Natigilan ito sa ginawa. "Brionna, you can't swim with your dress baka iyan pa ang ikalunod nating dalawa. Lumapit ito sa kanya. "Here, move it sweetheart." Inabot nito sa kanya ang isang pares ng swimwear.

Nanlaki ang mata niya, inaasar na naman ba siya ng lalaking ito? She was pregnant for crying out loud! "You expect me to wear those?" aniyang tiningnan lang ang two-piece. Hindi niya carry magsuot ng ganoon. "No, hindi na ako maliligo, ikaw nalang mag-isa mo!"

"Brionna, ano pa bang ikinakahiya mo? Nakita ko na lahat sayo. I knew every curves and folds of your body. Wala kanang dapat ikahiya."

"Gusto mong suotin ko ang mga iyan for all the world to see? And I'm pregnant!" Ni hindi pa nga siya nakakapagsuot ng one piece sa tanang buhay niya, two piece pa kaya?

Natigilan naman ito. "I wouldn't let any man see what's mine, Brionna. Hindi kita pagsusuotin nito para ibalandra ang katawan mo. Kaya ko nga pinasara ang resort para masolo kita. So please sweetheart, magbihis kana o kung gusto mo ako ng magsuot nito para sayo?" naging mapanukso na ang boses nito.

Inirapan niya ito saka hinablot na ang swimwear. "Magbibihis na ako."

Narinig pa niya ang nakakalokong tawa nito

Umalsa baba na ang dibdib ni Brionna pagdating sa banyo.

I wouldn't let any man see what's mine, Brionna. Did he really mean those words? Pinanabikan narin ng katawan niya ang mga haplos ni Claud. Matapos noong gabing may nangyari muli sa kanila ay hindi na siya ginalaw ni Claud. Hindi narin naman siya muli nagpakita ng motibo dito kahit ang totoo ay gusto muli niyang maymangyari sa kanila. Wala siyang ginagawa ng mga nakaraang araw kundi ang humilata, kumain, mamasyal, at ang magpa-spa. Si Claud mismo ang nagmungkahing gawin niya iyon para umano ma-relax siya. Wala rin naman itong ginagawa kundi ang magtanong kung anong gusto at kailangan niya o kaya ay hintayin lang siya.

Claudius Anthony Pierce (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon