CHAPTER 10
KANINA pa nakatanaw si Claud sa kalawakan ng lupain na napapaligiran ng samot-saring puno. Sa sama ng loob ay natagpuan niya ang sariling binaybay ang lugar kung saan isinilang ang kanyang totoong ina, at kung saan rin niya ipinalipat ang labi nito nang madiskubre niya ang totoong katauhan nito. Kasalukuyang nasa isang bayan siya ng San Pablo. Nakaupo siya ngayon sa musoleo ng kanyang ina, katabi ang isang chapel na siya niyang pinagawa para sa mga tao roon.
Ang mahigit sampung ektaryang lupain na iyon ay binili niya mula sa mag-asawang siyang pinagtrabahuan ng kanyang ina, na ngayon ay naninirahan na sa Germany. Ang kalahati ng lupa ay nai-donate niya sa isang charity na ngayon ay mayroon nang ilang nakatayong mga bahay. Bahay ng mga taong naulila o nawalan ng sariling pamilya, o pamilyang nasalanta ng kalamidad.
Hindi man niya nakilala ang sariling ina dahil pumanaw umano ito ng isilang siya ay napakalaki ng pagpapasalamat niya rito, dahil binuhay siya nito. Kahit na ayon sa kanyang ama ay one night stand lang umano ang namagitan sa kanila ng kanyang ina.
May ilang pagkakataong narinig niya sa mga kababayan ng kanyang ina sa lugar na iyon na naging isang bayarang babae ito. Pero hindi iyon ang sinabi ng kanyang ama. Hindi umano humingi si Kristina ng kabayaran sa isang gabing may nangyari sa kanila ng kanyang amang si George Pierce. Nang mga panahong iyon ay nasa Pilipinas ang kanyang ama para sa isang importanteng pakikipagpulong tungkol sa negosyo nitong Tobacco sa piling mga miyembro ng gobyerno.
Pero kahit na totoo ang mga tsismis tungkol sa kanyang ina ay hindi niya ito ikinakahiya. Pinili nitong buhayan ang isang sanggol na marahil sa tingin ng iba ay produkto lamang ng isang gabing pagtatalik. Sino ba siya para humusga sa sariling ina? Kung ano ang totoong damdamin nito ng makipag one night stand ito sa kanyang ama? Na hindi lang iyon tawag ng laman para dito kundi pagpapakita ng totoo nitong damdamin kahit na unang beses pa lamang nitong nakilala ang kanyang ama?
Napakawirdo kung iisipin, but he had felt the same thing the first time he made love to Brionna. That very strange feeling. Totoong naging conscious siya sa kalagayan ni Brionna ng gabing iyon dahil lasing ito pero ngayon lang naging malinaw sa kanya ang naging katanungan ni Ian kung ba't hindi siya nag ingat.
Ang nangyari sa kanila ng gabing iyon ay hindi simpleng pakikipagsex lang sa kanya. Strange, but if was the very first that he felt so happy after taking her at ang ma lamang nag enjoy ito sa ginawa niya.
"You are something for a firstimer, Brionna"amused na sabi ni Claud sa babae. She was so tight and he had to stretch her dahil ayaw niyang masaktan ito sa sandali ng a angkinin na niya ito at ni wala pang limang minuto ang lumipas ay niyaya siya nitong gawin ulit iyon? Hindi niya gustong isiping ang alcohol ang naging pangunahing rason kung bakit nito iyon nasabi. And he wished she would sleep by now. Hindi itong lalo siya nitong pinahihirapan.
'You' re mad Claudius!' Dapat ay hindi niya ito pinatulan lalo't alam niyang lasing ito. And she was a virgin for crying out loud! Pero napakahirap talagang tanggihan ng imbitasyon nito.
She purred like a well fed feline. Ang mga mapungay na mga mata nito'y muling tumitig sa kanya. Hindi niya maipaliwanag kung saan nanggagaling ang panlalambot na nararamdaman niya sa tuwing tinititigan ang mga mata nito. "You haven't taken all of me, yet..." bulong nito sa napaka sensuwal na paraan.
He was so big on his boxers alright, ni hindi pa niya iyon nahuhubad, pero hindi niya gustong saktan ang babaeng ito. She was so small and it would take too much of her to take him. Yeah! Luckily, he was born to have more than of the average buddy down under. Thanks to his American genes. Hindi siya nito kakayanin. Kailangan niya itong unti-untiin dahil alam niyang masasaktan niya ito.