CHAPTER 4
KINAUMAGAHAN ay hindi inaasahan ni Claud ang bumulagang bisita sa kanyang opisina. She look a lot younger without her doctors coat. Brionna Soliva, to his utter suprise ay isang sikat na cardiologist ang babae, at sikat rin sa pagiging strikta. Ang buong akala niya ay naglalaro lang sa early twenties ang edad nito. Mukha itong bata sa edad.
Hindi niya alam kong ba't natutuwa siya tuwing nakikita ang animosity sa mga mata nito. Sa nakalipas na linggo ay nagpapadala siya ng bulaklak sa babae sa kadahilanang hindi niya maintindihan. Siguro para bigyan ito ng leksiyon. Why the woman was very hot-headed. And he'd like to tame the hot-headed feline.
Napatingin siya sa mga mata nito. He had missed looking at those cat eyes. The ever brazen sensual doctor who was hiding it beneath her strong front and white coat.
Napasandig siya sa kanyang swivel chair at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng puting bestida, na desente naman sa paningin niya, pero hindi parin naikukubli ang magandang katawan nito.
"Brionna, this is a surprise, siguro naman ay may importante kang sadya sa opisina ko? Magpapasalamat kana ba sakin ngayon? Hindi pa ako nakakatanggap ng pasasalamat mula sa iyo."
"Shut up, you dog! Hindi ako nagpunta dito para magpasalamat," anitong tuwid na naglakad at lumapit sa kanyang mesa. "Pumunta ako dito para sabihin sayo na tigilan mo na ang pagpapadala ng kung anu-ano sa ospital. Alam mo bang ipinapahiya mo ako? At kung hindi mo pa alam, ay ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang natsitsismis ako, lalo na ang pridabong buhay ko! Naiintindihan mo ba iyon Mister Pierce?"
Gusto niyang matawa sa paniningkit ng mga mata nito pero nagpigil siya. "I did not intentionally send those to gossip about you, Brionna."
"You did not intentionally send them, huh? Okay, give me one good reason kung bakit ka nagpapadala ng mga bulaklak at cake sa 'kin?" anitong namaywang na sa kanyang harapan. How could she still look so adorable despite her animosity?
"Hindi ko kailanman nilagay ang pangalan ko sa mga cards na ipinapadala. At hindi naman ako ang mismong nag-abot nun kundi ang delivery boy. And I sent those as a thank you gift. I couldn't thank you enough sa isang gabing halos inubos mo ang buong lakas ko,dear sweet stuff, and I'm expecting you would also do the same."
Mas lalong naningkit ang mga mata nito nang muli siyang tingnan. "Ilang beses mo bang uulit-ulitin iyan ha? Siguro naman ay marami kang babaeng pinangangatihang labasan ng kamanyakan mo, at hindi iyon ako. What happened that night was a mistake. Okay? That was a big mistake! At alam mong lasing ako, pero tinake-advantage mo parin iyon!"
A big mistake huh?This woman knew how to rip his ego. Wala pang babaeng hindi nasiyahan sa performance niya. Lalo na ang insultuhin ang pagkalalaki niya. Lagi nga ang mga babae pa ang nakakaisa sa kanya. Napakalaki ng respeto niya sa mga babae, at kahit kailan ay hindi pa siya nanamantala ng sitwasyon pagdating sa mga ito. He beds a woman, granted, na gusto nito at bukal iyon sa loob nito. She had more than crossed her boundary. Sa pagkakatanda niya ay katakot takot na pagpipil sa sarili ang ibinaon niya para tanggihan ang babae dahil lasing ito, pero ito mismo ang nagyaya sa kanya, at nag initiate na may mangyari. You little tease! I'll give you what you want!
Tumayo siya sa kinauupuan at lumigid sa kanyang mesa. Itinukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ni Brionna at ipinatong iyon sa mesa—na corner na niya ito.
Bahagya niyang idinampi ang bibig sa buhok nito. " A big mistake, Brionna...?"
"A-nong gina-gawa mo...?" Naramdaman niya ang unti-unting pagbilis ng paghinga nito.
"Sshh...." aniyang bahagyang idinikit ang katawan sa likod nito. "Didn't you remember, how you've kissed me, Brionna...?" napangiti siya. She was standing still. Naamoy niya ang mabangong shampoo nito, pati ang nakakapanuyong bango ng katawan nito.