Chapter 17

5.5K 162 4
                                    

CHAPTER 17

IPINATONG ni Brionna ang daladalang basket ng bulaklak sa pagitan ng puntod ng kanyang ama at ina.

She hadn't been there for quite along time. Hindi niya magawang dumalaw dahil sa nararamdaman parin niya ang pait. Kahit sa higpit ng pagpapalaki ng kanyang ama sa kanya noon, ni minsan ay hindi ito nakarinig sa kanya ng isang reklamo. Kahit hirap na hirap na siya. Ni minsan rin ay hindi niya ito nagawang kamuhian kahit iyon ang gusto niyang gawin. Kahit bali-baliktarin ang mundo ay ama parin niya ito. Maaring hindi man niya lubhang naenjoy ang kanyang kabataan noon dahil sa paghihigpit nito pero maypagkakataon pa naman siya ngayon. Wala namang pinipiling edad at panahon ang kung paanong mag-enjoy at kung paanong totoong maging masaya.

Ibat-iba ang paraan ng pagpapalaki ng mga magulang, sweetheart. Napakalaking parte ng pagkatao natin ngayon kung paano nila tayong pinalaki. Hindi mo pwedeng sisihin ang sarili mo dahil sa sinunod mo ang kagustuhan ng papa mo. Nangyari na iyon. Ang importante ay kung papaano mo iyong babaguhin ngayon."

Sinong mag-aakala na nanggaling iyon sa asawa niya? Yes, her husband had been her confidante these past few days.

"Maaaring hindi sa paraang gusto ng karamihan ang paraan ng pagpapalaki sayo ng papa mo Brionna pero may maganda naman iyong naidulot. Iyon ang mapanghahawakan mo ngayon." Natigilan ito at seryoso siyang pinakatitigan. "You have grown to become strong, independent, decisive, smart, successful..."Ibinitin nito ang sinabi at biglang naging mapanukso ang mata. "Beautiful...hot-headed...sensual...."

Natatawang sinapak niya ang dibdib nito.

"Ang swerte, swerte ko, sweetheart, na sayo na ang lahat. Wala na akong mahihiling pa."

"Okay na sana hinaluan mo na naman ng pang-aasar!"singhal niya pero hindi naikubli ang ngiti.

Pero bigla itong sumeryoso. "Alam kong minahal ka ng ama mo sa paraang siya lang ang nakaka-alam, Brionna..."

Pinunasan niya ang luhang tumulo sa kanyang mga mata saka napangiti. Hindi niya mapaglabanan na maalala iyon.

Napaluhod siya sa damuhan at naglagay ng kandila sa dalawang nitso. Tamihik siyang nag-alay ng dasal at nagpasalamat.

Thank you pa...hindi ko man nasabi sa inyo noon pero mahal ko kayo...

Matapos ang ilang minuto ay napatayo narin siya at naglakad kung saan ipinarada ni Lito ang kanilang sasakyan. Binunot niya ang cellphone at nakitang may roong text doon.

I'll see you at Kinsuits Hotel by noon dahil may convention kami roon by three pm. Hihintayin kita sa Crustecea.

Plano pa sana niyang dumaan sa naiwang bahay ng kanyang ama para sana kausapin ang care taker doon na may plano na siyang ibenta ang bahay pero bukas nalang siguro niya iyong gagawin. Pati ang unit niya ay pinagpaplanuhan narin niyang ibenta. Saka na siguro niya aasikasuhin ang mga iyon. Alam niyang papayagan pa siya ni Claud na manatili sila ng ilang araw pa roon.

Kakausapin na muna niya ngayon si Martin.







HUMINGA muna ng malalim si Brionna ng makalabas ng elevator bago nagtuloy-tuloy sa loob ng Crustecea.

Hindi na niya nagawang mailibot pa ang paningin dahil agad na niyang nakita ang kanyang katagpo. Nakaupo ito hindi malayo sa kanyang kinatatayuan.

"May kasama po ba kayo Ma'am?" bungad agad ng waiter sa kanya.

"Yes," tipid niyang sagot saka nagsimulang naglakad palapit sa isang table. Blangko ang ekspresyon ng mukha ni Martin nang matingnan niya. Tumayo ito para mapagbuksan siya ng upuan. " Salamat," tipid niyang wika bago naupo.

Claudius Anthony Pierce (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon