CHAPTER 13
"CLAUD?" nakasiksik ang katawan ni Brionna sa tagiliran nito habang ito naman ay sinusuklay-suklay ng mga daliri ang kanyang buhok. Gusto na niyang mahiya sa tila walang inhibisyong ginawa niya kanina pero hindi niya iyon nakakapa. Pareho parin silang nakahubad at gusto niya ang ginagawa nitong pagyakap sa kanya. Kung pwede ngalang sanang hindi na matapos ang sandaling iyon.
"Yes sweetheart?" Naramdaman niyang humigpit ang yakap ni Claud.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Masarap pala talaga ang sex no?"
He laughed na parang amused na amused." That's because you did it with the right person, Brionna."
"How arrogant!" aniyang sinapak ang dibdib nito. But yes, I'm glad I did it with you. Gusto sana niyang idagdag pero hindi na niya sinabi. Hindi talaga niya pinagsisihang si Claud ang naging unang lalaking naka-angkin sa kanya. Susulitin nalang niya ang mga sandaling kasama niya ito hanggang sa makapanganak siya. "Ilang taon kaba ng unang makipag sex?" gusto niyang matawa sa sariling tanong. Kung siguro ay hindi naging mahigpit ang daddy niya sa kanya noon ay baka napa-aga niya iyong nagawa. Pero nagpasalamat siyang hindi niya iyon ginawa dahil baka hindi rin niya nakilala si Claud.
"Why would you like to know, Brionna?" amused paring tanong.
Napapikit siya. "Sa tingin ko ay late bloomer ako. First time klng uminon at malasing noong gabing may nangyari sa atin. Siguro kung hindi iyon nangyari ay virgin parin ako hanggang ngayon."
I'm glad that really happened Claud, na maling unit ang napasukan ko at ikaw ang natagpuan ko. It wasn't the alcohol really.
" If you're old and you're still not comfortable doing it ay huwag mong pilitin. Naniniwala akong pagdating sa pakikipagsex, dapat ay komportable kang gagawin mo iyon sa isang tao. Kung hindi ka komportableng gawin iyon sa boyfriend mo ay hindi ka dapat niyang pilitin. Sex should go with respect, dapat pareho ninyong gusto ang ginagawa ninyo." Natawa ito. " I lose my virginity when I was sixteen but I did that because I thought I was inlove."
" Ang bata mo pa palang nagsimula."
"Exactly, Brionna. Ginagawa ko iyon dahil komportable ako sa kanya at gusto rin niya iyong gawin."
"Paano iyong mga babae mong hindi mo naging girlfriend? Counted rin ba sila?"
" Like I said, I would never force a woman to have sex with me. Importante sa akin na gusto rin nila iyong gawin."
That explains, kung bakit wala itong kung anumang seksuwal na pinakita sa kanya sa sandaling tumira siya sa bahay nito. Kagaya ngayon ay siya muli ang nagyaya at nagbigay ng motibo dito. Mas lalo tuloy niya itong minahal. Kung sana nga lang ay may kakayahan ang puso niyang pigilan itong mahalin.
"Siya nga pala, ba't kaba nagpakalasing ng gabing iyon, sweetheart?"
Natigilan siya. Ayaw niyang sirain ang sandaling iyon. Sasabihin ba niya na masama ang loob niya dahil nakipaghiwalay ang nobyo niya kaya siya nalasing?
" May gusto ka bang sabihin, Brionna?"
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "Hiniwalan ako ng boyfriend ko ng gabing iyon..." Napapikit siya. Baka kung anong isipin nito na sa gabing nakipag-break ang boyfriend niya sa kanya ay nagawa rin niyang maipagkaloob ang sarili sa ibang lalaki?
Sandali itong natigilan pero ikinagulat niya ang naging sagot nito. "I'm glad hindi kayo nagkatuluyan ng lalaking iyon kung sino man siya. Ang lakas ng loob niyang makipag break."
Naiiyak na sinapak niya ang dibdib nito. "Sira ka talaga!"
"Oras na makita ko ang pagmumukha ng lalaking iyan ay gagawin kong punching bag ang mukha niya."
![](https://img.wattpad.com/cover/194542282-288-k468950.jpg)