CHAPTER 7
MAKALIPAS ang dalawang araw ay na discharge narin si Brionna pero ayon sa kanyang doktor ay strictly bed rest pa umano siya. At ni walang oras o minutong nilubayan siya ni Claudius. Naroon ito para alalayan siya kung anong kailangan niya. Sinusungitan parin niya ito pero hindi nito pinapansin ang pagsusungit niya na siya niyang sobrang ikinaiinis.
At ng araw na iyon ay dumating rin ang hindi niya inaasahang bisita. Isang napakagandang ginang na hula niya ay nasa late forties lang nito ang pumasok sa kanyang kwarto. "Claud, anak!" anitong mahigpit na napayakap sa lalaki. Claud pala ang nickname niya. Kakalabas lang niya mula sa banyo. Nagulat pa siya ng handa na lahat ng gamit niya pagkalabas.
"Nasaan ba si Brionna?" anitong agad inilibot ang paningin sa kabuoan ng kwarto.
Hindi niya alam kung anong emosyon ang mababanaag sa magandang mukha nito pero mukhang gulat na gulat ito ng matingnan siya. " Siya ba ang sinasabi mong nabuntis mo, anak?"
Lumapit pa mismo ito sa mismong kinatatayuan niya. "You are Brionna?"
Naguguluhang napatango naman siya.
Nagulat pa siya ng haplusin nito ang kanyang mukha. "You look pale darling. Inalagaan ka ba talaga ng anak ko?"
"Ma, papahingahin niyo po muna si Brionna. Saka niyo na siya tanungin," agap ni Claud na nasa tabi narin nila.
"Oh Im sorry, Brionna. I'm Selena Pierce, I'm Claud's stepmom pero para ko na rin iyang tunay na anak. At alam kong makulit ang anak ko kaya pagpasensiyahan mo na. Call me mama, tita or Selena I don't mind."
"Okay na po ako," aniya ng inalalayan siya nitong maglakad. Hindi siya makapaniwala sa mainit na pagtanggap nito sa kanya. Gayunman ay wala siyang planong sundin si Claud sa gusto nitong mangyari na doon siya titira sa pamamahay nito.
"Brionna, medyo nanghihina kapa. Mamaya niyan madulas ka." Mukhang may pinagmanahan ang pagiging makulit ni Claud.
"Okay lang po ako at sa unit ko nalang po ako magpapahinga."
Natigilan ito. " Anong sa unit mo, hija?"
"Ah ti-ta may bahay po ako at doon po ako magpapahinga," pinili niya ang "tita" para hindi naman assuming at polite parin pakinggan.
Napatingin ang matanda kay Claud. " Akala ko ba doon siya tutuloy sa bahay Claudius?" Muling napabaling sa kanya ang atensiyon nito. " Sino naman ang mag-aalaga sayo sa unit mo, hija?"
"Kaya ko na pong mag-isa."
"You will stay at the house, Brionna," mariing sagot naman ni Claud. " Napag-usapan na natin ito."
"Mawalang galang na po," aniya kay Selena bago niya binalingan si Claud. "Napagusapan? You know for a fact na hindi ako kahit kailan pumayag na sasama ako sa bahay mo," mariing sabi rin niya.
"You will stay at the house Brionna sa ayaw at sa gusto mo," mahina lang ang pagkakasabi nito niyon pero halatang kakawala na ang galit nito anumang oras.
"No!" matigas parin niyang tanggi pagkuway tumalikod at tinungo ang kanyang bag na nakapatong sa isang silya.
"Claudius pwede bang lumabas ka muna?" narinig niyang sabi ni Selena.
Napapikit na muli si Brionna.
Ang ayaw na ayaw niya ay ang pinangungunahan siya sa kanyang mga desisyon. Hindi niya inaasahan na sa araw pa kung kailan siya madidischarge darating ang ina ng lalaki.
" I'll wait outside ma, and if we have to restain her, then be it. Sa bahay siya uuwi!" narinig pa niyang matigas na sagot ni Claud bago ito lumabas.