Chapter 12

6.6K 204 3
                                    

CHAPTER 12

DINALA si Brionna ni Claud sa isang seaside resort na pag-aari umano nito. Sa likod niyon ay nakatayo ang isang napakalaki ring mall. Hindi niya inakalang magiging posible ang isang modernong paraiso na tulad nito sa loob ng isang isla na malayo sa siyudad. Napakarami rin niyang nakikitang turista na hula niya ay mula pa sa ibat-ibang bansa.

Kasalukuyang nakaupo siya ngayon sa isang pangdalawahang lounge chair. Sinamyo niya ang preskong simoy ng hangin habang pinagmamasdan ang pinaghalong berde at asul na dagat. Kailan ba siya huling nakapasyal? Kailan ba ang huling beses na hinayaan niya ang sariling umupo at pagmasdan ang paghampas ng alon sa dagat? Hindi na niya matandaan ang huling araw na ginawa niya iyon. O meron nga bang pagkakataong nagawa niya iyon noon?"

Napalunok siya at napatingala sa taas saka napakurap. Parang gusto niyang maiyak sa mga panahon sa buhay niya na hindi niya lubhang na-enjoy dahil sa pinili niyang sundin ang buhay na gusto ng kanyang ama.

Pinagmasdan niya si Claud na bahagyang lumayo sa kanyang kinauupuan dahil may kasalukuyang kinausap na empleyado.

Kung sa pangkaraniwan at kung iisipin ay siya na yata ang pinakamaswerteng babae dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makasama si Claud. Kung sana lang ay pwede niyang tanggalin ang napakatayog niyang pride para masabi ritong, kinikilig siya tuwing binigyan siya nito ng bulaklak, na gustong-gusto niyang nilalambing at niyayakap siya nito, na mahal niya ito—pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang mapahiya. Baka pagtawan lang siya nito. Hindi rin siya ang klase ng babaeng nagsasabi nun.

Ibinalik niya ang tingin sa harap at muling pinanood ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Bahagyang nakaramdaman siya ng kapayapaan. Sadyang nakapagpakalma sa kanya ang hampas ng alon. Hinaplos niya ang medyo maliit pa niyang tiyan saka napangiti.

Lubos na niyang tanggap ang kanyang kalagayan kahit masakit sa kanyang ang bata lang ang magiging kaugnayan nila ni Claud.

Naramdaman niyang may umakbay sa kanya. "Nagustuhan mo ba dito, Brionna?"

Tumango siya bago nagpasyang tingnan si Claud. Sinalubong niya ang masuyong titig nito na unang beses niyang nasilayan ng gabing ipinagkaloob niya ang sarili. Nakuyom niya ang mga palad sa pagpipigil na ipadaan ang mga iyon sa buhok nito.

"Alam mo bang ikaw ang pinakamagandang buntis na kilala ko?"

Hindi niya napigilang mapangiti. " Bolahin mo na naman ako!"




ITO ang pinakaunang pagkakataong totoong nginitian siya ni Brionna. If only he could see that smile so often. Mas lalo itong nagmukhang bata sa edad nito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang pananabik maisip palang niya  na magkaka-anak na sila. Kahit ngayon ay hindi niya maipaliwanag kung saan nanggaling ang pagmamahal na nararamdaman niya rito.

The thought brought a sudden lump on his throat. Naninikip ang dibdib niyang hindi niya maintindihan. "Hindi ako nagbibiro, Brionna. I have never seen a pregnant woman who is as beautiful as you. At napakaswerte ko dahil ikaw ang magiging ina ng anak ko kahit na nga ba lagi mo akong inaaway."

Natatawang sinapak nito ang dibdib niya. " Okay na sana, hinaluan mo pa ng pang-aasar."

Nakangiting napatitig siya sa mga mata nito. "Your smile is also as beautiful as you, sweetheart. Sana ay dalas na dalasan mo na iyan."

Muli nitong sinapak ang dibdib niya saka napahagikhik. "Nagkataon lang na nasa mood ako ngayon."

"Sana lagi ka nalang nasa mood." Inabot niya ang isang kamay nito at pinagsalikop iyon. "Halika maglakad lakad tayo sa dalampasigan."

Hindi naman ito nagprotesta at hinayaan siyang hawakan at pisilin ang isa nitong kamay habang naglalakad sila sa dalamapasigan.

"Claud?"

Claudius Anthony Pierce (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon