Chapter 6

7.1K 242 6
                                    

CHAPTER 6

"WHAT did you just say Claudius Anthony? Nakabuntis ka? Diyos por Santo! Sinong babae naman iyang nabuntis mo? Matino ba iyang klase ng babae? Galing ba iyan sa magandang pamilya? Nakilala mo na ba ang mga magulang ng babaeng iyan? Kung kailan ka pa tumanda ay ngayon kapa nakadisgrasya!"

Napapikit si Claud at napahawak sa batok. Nakatulog siya sa tabi ni Brionna at medyo ngalay ang leeg niya. Nakausap narin niya ang doktor ni Brionna na maagang nag rounds at ayon dito ay kailangan umanong matutukan ang pagbubuntis ng babae dahil sa nagkaka-edad na ito at may history rin daw ito ng myoma. " Ma, matinong babae si Brionna. At hindi ko pa alam ang tungkol sa pamilya niya dahil wala pang isang buwan ko siyang kilala."

"Matinong babae? Paano mo naman nasabi iyan Claudius? Ni wala pang isang buwan mo siyang kilala?"

Napatingala siya sa itaas. Hindi siya ang klase ng lalaking nagpapabackground check sa mga babae. At hindi naman issue sa kaya kung ano at kung saan ang pinanggalingan ni Brionna."Ma, hindi ko iyan maipapaliwanag sa inyo pero alam kong matino siyang babae. And I would like to take care of her now, lalo't medyo maselan ang pagbubuntis niya. Please ma, kailangan ko ang tulong niyo."

" Ano ang gusto mong gawin ko ngayon ha, Claud?"

"Kung pwede po sanang samahan niyo po muna siya habang nagbubuntis siya. Marami pa po akong inaasikaso ngayon pero sa oras na makakaluwang ako ay ako na ang mag-aalalaga sa kanya."

Narinig niyang napabuntong hinanga ito." Alright, anak. Gusto ko ring makilala ang babaeng iyan. Sa susunod na mga araw din ay nariyan na ako. Two or three days time."

Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito." Salamat ma, kayo na ang bahalang magsabi kay daddy."

"Sige ako na ang magsasabi sa daddy mo."

" Thanks ma, I love you. Ikamusta mo ako kay Stephie, tell her I miss her at paki sabi naring hindi pa ako makakapagbakasyon diyan ngayon."

"Bueno sige anak, ako na ang bahala. Sige mag-ingat ka. I love you too."

Iyon lang at pinutol na nito ang tawag.

Binuksan niya ang sliding door sa balcony ng hospital room at pumasok, tinungo ang ulunan ni Brionna. Nakita niyang gumalaw ito. Nag-aalala siya dahil kanina pa ito natutulog at wala pang laman ang tiyan nito mula kagabi, ayon narin sa nurse na nakausap niya.

Unti-unti itong nagmulat ng mata.

Hinaplos niya ang pisngi nito. " Kamusta na ang pakiramdam mo, Brionna?"

Gulat na mukha nito ang isinalubong sa kanya. Bigla agad na naningkit ang inaantok pang mga mata. " Bakit ka nandito?" anitong napabalikawas ng bangon.

"Easy, sweetheart." Tinulungan naman niya itong bahagyang makaupo. Inayos ang unan sa likod nito. Iwinaksi nito ang mga kamay niya pero sa dahil nanghihina pa ito ay hinayaan narin siya.

"Anong ginagawa mo dito?" anito sa matigas paring boses. Pinagmasdan niya ang mukha nitong inis na tinitigan siya. She was pale, but she was still beautiful.

"Hindi pa ba obvious, Brionna?"

"Pwede bang dumistansiya ka sakin. Bakit ka ba kasi nandito?"

"Dahil gusto kong alagaan ka ng personal. Ayaw kong mapahamak iyang anak natin."

Sandali itong natigilan, nanlaki ang mga mata. "Alam mong buntis ako?"

"Kaya nga narito ako, at aalagaan ka."

Napailing ito. " Hindi... hindi kita kailangan at magpapadischarge na ako sa doktor ko ngayon."

"Hindi ka pa pwedeng e-discharge ngayon Brionna, maselan ang kalagayan mo. Hindi kana muna magtratrabaho. Kailangan mong magpahinga," aniyang binuksan ang kaninang pinabili niyang sopas kay Lito. Medyo mainit pa iyon.

Claudius Anthony Pierce (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon