Chapter 8

7.8K 212 8
                                    

CHAPTER 8

NAPABALIKWAS ng bangon si Brionna nang maramdamang nasa kanyang kwarto na siya. Ang huli niyang natatandaan ay dinala siya ni Claud sa isang buffet restaurant kung saan nakahain lahat ng pagkain. Medyo naparami ang kain niya, ang huli niyang naalala ay nakatulog siya sa sasakyan. Kung ganun ay binuhat siya ni Claud papasok doon?

Pinamulahan siya ng mukha sa ideyang pumasok sa kanyang utak. Pero gusto rin niyang magpasalamat at totoong tulog siya, kundi ay baka trinaidor na naman siya ng katawan niya.

Bumangon siya. Sandaling nag-ayos at nagpasyang hanapin ang lalaki. Siguro naman ay hindi pa ito nakaka-alis. Kailangan niya itong makausap tungkol sa kanyang trabaho.

"Brionna, mabuti naman at gising kana? May gusto ka bang kainin?" nakangiting bungad sa kanya ni Selena sa puno ng hagdan.

"Busog pa po ako, tita. Salamat."

"Pasensiya kana, hija. Tumawag si Claud sa akin at hindi ko naman alam na mapapasugod agad iyon kahit sinabi kong babalik ka naman agad."

"Naiintindihan ko po, tita. Narito pa po ba si Claud?"

"Aba'y nasa labas, hija."

Sandali siyang magpaalam dito saka nagtungo sa labas. Nakita niyang nakatayo si Claud sa may patio at naninigarilyo. Mukhang naramdaman naman nito ang pagdating niya dahil napalingon ito saka madaliang itinapon ang kaninang hinihithit na sigarilyo.

"Brionna..."

Nagsimula na namang tumahip ang dibdib niya. Bakit nga ba niya ito pinangigigilang awayin?

"May kailangan ka ba?" anitong nagsimula nang lumapit sa kinatatayuan niya. Nagsisimula na naman siyang manghina sa presensiya nito. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya?

"Claud," aniya sa pangalawang pagkakataong tinawag ito sa palayaw nito. " Alam kong concern ka sa kalagayan ko, naiintindihan ko iyon..."

Biglang lumiwanag ang mukha nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataong makiki-usap siya.

"Ang gusto ko lang hilingin sayo ay hayaan mo ako sa trabaho ko. Hindi ko naman ipapahamak ang bata sa sinapupunan ko. Kailangan kong pumasok bukas sa clinic dahil marami na akong naka pending na appointment sa mga pasyente ko. May mga sakit rin sila, at kailangan ko silang masubaybayan. Sana ay maintindihan mo ako."

She said it at last! Ayaw niyang araw-araw ay iyon ang pagtaluhan nila. Ayaw niyang masira ang trabaho niya dahil lang sa buntis siya.

"Naiintindihan kita, Brionna, pero mahigpit ang bilin ng doktor na magpahinga ka ng tatlong araw. Pagkatapos nun ay hindi naman kita pagbabawalang magtrahabaho. Ikaw ang inaalala ko, ayaw ko na muling mabalitaang hinimatay kana naman dahil sa pagod." Hinaplos nito ang kanyang mukha. " Please Brionna. I don't want to argue with you right now."

Bakit parang gusto niyang maiyak sa sinabi nito? Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakiusap siya pero tinanggihan siya nito dahil sa concern ito sa kanya? Ni hindi niya makuhang sumagot o tumanggi.

"You will resume after two days, Brionna." Hinawakan ni Claud ang kanyang kamay. " Come let's get inside."

Hindi niya alam kung bakit hinayaan na naman niya itong gawin iyon sa kanya. Nasaan naba ang pagpapasya niya sa sariling buhay? Bakit sa lahat nalang nagpagkakataon ay hinahaan niya si Claud na magdesisyon sa kanya?

Nagpasya narin siyang ipa-cancel muli ang mga appointments ng pasyente at tinawagan si Cony na magre-resume siya matapos ang dalawang araw. Wala na siya sa mood para makipagaway.



WALANG ginawa si Brionna ng buong dalawang araw kundi matulog. She had been unusually lazy and giddy these past few days. Si Claud naman ay naging abala sa negosyo nito pero hindi parin nito nakaligtaang kamustahin siya. Si Selena naman ay maya't maya siyang tinitingnan at tinatanong kung anong gusto niyang kainin.

Claudius Anthony Pierce (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon