CHAPTER 19
PAKIRADAM ni Claud ay piniga ng sampung beses ang dibdib niya sa sinabi ni Brionna. How could she ask that now?
Is there someone else sweetheart? Gusto na niyang itanong pero baka hindi niya kayanin ang magiging sagot nito. He was just about to confront her about what happened yesterday pero pinanghihinaan na naman siya lalo't hindi niya alam kung bakit ito umalis kagabi.
Nanghihinang nabitawan niya ang mga braso nito. "Please don't ask me of that, Brionna. Hilingin mo lang ang kung ano huwag lang 'yan...hindi ko kaya."
Malamig lang siya nitong tinitigan." Hindi mo kaya? Too bad dahil iyan ang gusto ko."
"Didn't you tell me that you love me, Brionna? Akala ko ba mahal mo ako?" Hinuli niya ang isang kamay nito, pero pilit lang niyong inilayo sa kanya. "Please sweetheart huwag mo naman akong pahirapan ng ganito, ipapangako kong gagawin ko lahat. Kung may pagkukulang pa ako sayo sabihin mo lang. Huwag mo lang akong iiwan..." nagsusumamo na niyang sabi, gumaralgal na ang kanyang boses. This was just too much for him. Napakarami na niyang plano para sa kanila. He was just about to take her to a European cruise kung sakaling lumaki-laki ang ang anak nila, o puntahan nila lahat ng gusto nitong puntahan at gawin nila lahat ng gusto nitong gawin na hindi pa nito nagagawa. Hindi niya gustong isiping makikipagbalikan ito sa ex nito dahil sa napilitan lang itong magpakasal sa kanya. Na napilitan lang rin itong sabihing mahal siya nito.
Hindi ito kumurap ng muli siyang tingnan. "Ayaw ko na sayo."
God this is too much... Nanakit na ang mata niya sa kanina pang pagpipigil na mapaluha.
"Pakisarado nalang ng pinto at aalis na ako," anitong nilampasan lang siya.
Napalunok siya pagkuway walang sabi itong niyakap ng nakatalikod na ito sa kanya. He wasn't able to hold back his tears. "Please Brionna... huwag mong gawin sakin 'to hindi ko kaya..nagmamakaawa ako...ano bang ayaw mo sakin...?"
"Bitiwan mo ako," anito muli sa matigas na boses. Hindi nito nakuyang gumalaw mula sa pagkakayakap niya.
Pakiramdam niya ay mas naging triple pa ang kaninang paninikip ng dibdib niya. Napalunok siya at dahandahan itong pinakawalan, pinanawalan na siya ng lakas na muling magsalita dahil sa tindi ng pagbara ng kanyang lalamunan.
Nagsimula na itong naglakad ng matagpuan niya muli ang sariling boses. " I-is there someone else Brionna?"
Sandali itong natigilan pero nagtuloy-tuloy na itong naglakad sa elevator ng hindi siya sinasagot.
Napalunok siya, pilit kumuha ng hangin dahil pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga.
Walang maikokumpara ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
Napakasakit ng ginawa nito.
"OH MY, si Dok Brionna ba iyan tsaka si Sir Martin? Kailan mo iyan nakuha? Naku e delete mo nayan at baka kumalat. Alam mo namang may asawa na si dok ngayon."
Natigilan si Lydia mula sa pagpindot sana ng numero sa telepono ng station nang marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawang nakatalikod na nurse. Marahil ay hindi ng mga ito namalayan ang kanyang pagdating. Nagmamadali kasi siya at gusto niyang tawagan ang OR kung naroon na ang kanyang pasyente.
"Nakuha ko ito sa parking lot noong minsang ihatid si dok ni Sir Martin. Tsaka girl, naalala mo ba iyong na admit dito iyong model na si Febbie Aldo? Tanong ng tanong siya sakin tungkol kay dok, hindi ko naman napigilang mag kwento. Naipakita ko panga ito sa kanya. Kasi diba pumutok nun ang balita na kakahiwalay lang ni dok kay Sir Martin, tapos nailink pa si dok sa Fafang si Claudius Anthony na asawa na niya ngayon? Akala ko noon si Miss Febbie at tsaka si Sir Claudius, tapos bigla nalang nabuntis si dok. Hay kaloka! Noong isang araw pa ha? Pinuntahan ako ni Miss Febbie and guess what? Hiningi niya ang litrato.