Chapter 7 Calm to Come

58 2 0
                                    

          

I took a nap because I'm so tipsy dun sa Red Label na dala nila.

Bakit wala si Edward? Umuwi na kaya sya?

"George! Pwede bang mag overnight dito??"

Sabi ni Lheisie at Naveen.

"Sure. Suit yourselves, may isang room dito sa sala at dun sa taas."

Inaantok na kasi ako.. So bahala na sila dyan. Tapos yung mga mokong wasted na, naka balandra na sila sa sala and sabi ni Kryz wag na daw pauwiin at baka mang trip pa sa daan oh sila ang mapag tripan.

Bahala sila kung san sila masaya! Basta ako matutulog na..

Pag akyat ko with a twirl on my mind..


"Anong ginagawa mo dito?!"


Nagulat ako na may nakahiga dun sa favorite calming place ko!

"Edward?! Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?"

Aba tulog na ata 'to.

Medyo tinapik tapik ko yung muka nya. Shitty feels ang gwapooo. Nako kung wala lang kasalanan 'to nahalikan ko na 'to!

"Wag mo kong tignan. Tara tabihan mo ko."

"Ah.. Hoy hindi kita tinitignan!
And shit. Ang ganda pala ng langit ngayon.."

"Parang ikaw?"

"Ha-ha."

"Syempre biro lang!"

"Sino nag design ng kwarto mo? Ang galing ah.."

"Edi ako."

"Oh?! Magkano naman 'to?!"

"4 million."

"HA?! gumastos ka ng ganon kalaki sa condo unit mo?! So stupid!"

"I'm not a stupid! Mas relaxing naman dba? Worth it. Saka malapit sa trabaho.."

"Georgina.. Pansin ko lang."

"Ano na naman?"

"Hindi na tayo nag sisigawan."

"Oo nga ano.. Nakakasawa din na laging galit."

Nakahiga na din ako dun sa tabi nya.

Sa tabi nung hinihigaan nya.

"Georgina. Seryoso ako dun sa sinabi ko kanina. Tutulungan kita."

"Okay.. Pero hindi ba kung ganoon ang mangyayari mas lalo tayong pag uusapan ng public?"

Nakaharap ako sa side nya. Oo gusto kong tulungan nya ko, alam kong kaya nya ko. Sila naman pala may ari ng Recording company na kaaway ng sa akin.. Swerte ko! kayang kaya kong bitawan yung may hawak sakin ngayon dahil wala naman silang balak na ilabas ulit ako.

At makaka ganti na rin ako sa Farrah na yon.

"That's okay. E 'di mag salita ka sa media na rumors lang yun. At dahil din sa mag kapit bahay tayo. Ikaw na bahala!"

"Pero kaya mo 'to gagawin, para maka ganti ka kay Farrah.."

Sumiryoso ako. Totoo naman. That's the truth.. At syempre ayokong mag assume.

"Oo, gagamitin kita. Hahahaha!"

This bastard!

"Pano kung hindi ako pumayag?"

"Well.. Nasa kamay ko ngayon ang buhay mo. Pwede kong ituloy yung balak ko sayo."

Naka higa padin sya. Those laughs are really annoying! Nakatingin pa din dun sa langit na naka crossed arms.

Love Story from Mom's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon