"NO MUSIC, PLEASE!" Masakit ang ulo na kinakapa ko ang fone ko nang biglang mag sink in sa utak ko na ringtone ko yun.
"Hi Mom. Uhmm.. How are you?" sabi ko sa walang ganang tono.
"Georgina! How many times do I have to please you? Dito ka nalang sa bahay, Look, wala ka sa unit mo ngayon! Don't you dare to lie! Nasaan ka at sino ang kasama mo?" Lumalakas na ang boses ni Mommy. "Moooommm!" I moaned. "What!? Umuwi ka na ngayon din ah!" Umoo lang ako at binaba na ang tawag nang aking ina. Masakit ang ulo ko dahil sa nangyari kagabi..
Tumayo ako at nag hilamos, kailangan ko ng umuwi ng mas maaga dahil kilala ko si Mommy pag nagalit ng todo yon.. Kinukusot ko ang mata kong binuksan ang front door para makapasok ang sariwang hangin, medyo madilim pa ang kalangitan.. at nanlaki ang mata ko.. The two of the gods-- I mean-- si Alex Pettyfer at Mario Maurer-- I mean-- Si Paolo at Mario! Topless and boxers! OO sanay na kong nakikita ang mga topless nila Edward pero-- Sinampal ko ang utak ko.. Bakit dun sila natulog at naka boxers lang?!
Nagtama ang mga perfect on fleek kong kilay at muling inalala ang nangyari.. Nakakita rin ako ng mga bote sa paligid. Shit, oo nga pala! Nag party nga pala kagabi. After na mag sorry sakin si Edward at hindi naman nya daw sinasadya, naglabas ng bote ng alak sila Red..
Nagsimula ang party sa balkonahe ng kwarto namin. Nalasing at nakatulog, binuhat at hinila. Hindi ko na matandaan. Bahala sila kung anong ginawa pa bukod sa magpahinga. Malalaki na sila.
Pero alam kong hindi nagpansinan sila Edward at Paolo. Haaay mga lalaki nga naman. Nakatitig lang ako sa mga wasted na hitsura nila. But, Damn it! Am I drooling?! Bahagya ko namang sinampal ang mukha ko at ginising sila para palipatin sa kama ko. Sobrang laki non kasya yata ang tatlong katao.
pero walang sumunod sa kanila. Nag bilang ako at nag bantang bubuhusan sila ng mainit na tubig.
"Have mercy! Aaarrgghh!" Angal ni Paolo. Hindi naman makatayo si Mario na hawak ang ulo nya, narinig ko ang pag sniff nya.. "GEORGE?! OH SHIT." Halos sabay nilang bulyaw sakin. Napangiti naman ako ng malapad..
"Yung shirt/pants ko!" Sabay parin sila na halos itaob na ang mga gamit doon. Naka sandal ang isa kong balikat sa gilid ng malaking pintuan habang pinag mamasdan sila. "What's with this breakfast?" Rinig kong sabi ni Kryz at Avery papalapit samin. "Shit. Sorry Avery." Hiyang hiya si Mario at saka mabilis na sinuot ang shirt. Si Paolo ay naghahanap pa din.
"George ilabas mo na nga." Sabi ni Avery at ngumiti ng malapad. "Ave! Wala sakin no!" Depensa ko at bahagyang uminit ang pisngi ko. "This is hell. Can I have cold water, please? Bago nyo pa ilabas ang damit ko, lugaw na ang utak ko sa init at sakit nito." Napaupong sabi ni Paolo na suko na sa paghahanap ng mga damit nya. Damnit! Perfect two!
Si Mario naman ay bahagyang hinilig ang ulo sa maliit na center table. "I have a cold." At nag sniff na naman sya. Nilapitan ni Avery si Mario at iginiya sa loob ng kwarto para makapag pahinga ng ayos. "Ok I'll get two." Natatawang sabi ni Kryz. "Ako din!"
"Paolo pumasok ka na din sa loob. Mas masarap mahiga sa kama ko kaysa sa kahoy na upuan dito." Pag bibiro ko. Napakamot lang sya sa likod ng ulo nya, na hiyang hiya at tinungo ang kama ko na tanging mga kamay nya na nakaharang sa ano nya. Nakahiga pa sila Naomi, Naveen, Lheisie, Madi at Cassey doon. Isang GOOD, as in Very Good Morning ang maabutan nila pag dilat ng mata nila.
Kamusta kaya sila Edward? Bahagya akong nangiti at naisip ang mga hitsura nila. I'm about to leave our room pero dumating si Kryz holding my cold water in a clear glass. "Miss him?" Nagulat ako sa sinabi nya. "H-Ha? sino? Wala akong namimiss no!"
BINABASA MO ANG
Love Story from Mom's Diary
RandomWould you love the right man in a wrong time or wait the right time to love a wrong man? That's how Georgina Morris deal with her love life. Follow her Bitter-Sweet journey! Plaisir de vous rencontrer, Merçi! Kwishasevewino x