White walls, Sick hospital gown, a bunch of flowers besides, dextrose and oxygen tank.. at ang nakakairitang amoy ng alcohol. Ang mommy na first Teacher, nurse, bestfriend and sister ko.. nag dudusa ngayon dahil sa ginawa ko.. I can't help it.. I'm crying out. Sobrang sakit na makita mo'ng nasa ganoong kalagayan ang pinaka mamahal mo..
"Ms. Georgina, What I'm tryin to say is, Isa pang pag collapse ng mommy mo ay sobrang delikado na, in her case, she should undergo open surgery pero nakikita naming kinakaya pa ng sistema nya ang mga dosage na tine-take and after 3-4 days, I think pwede na syang idis-charge,Kailangan nyang matutukan at maalagaan ng mabuti, like what I've said, baka bigla syang atakihin nang sya lang mag isa, kaya you need to take care of her, okay?"
Puro tango at iyak lang ang sinasagot ko sa Doctor, ayokong paniwalaan ang mga sinasabi nya. Sobrang lakas pa ni Mommy nung huli kaming nagkita, tapos bigla nalang syang aatakihin sa puso.. And worst thing was because of the news she'd heard about me.. It's all her fault!
"Kailan po sya magigising?" Tanong ko. Gusto ko na syang makausap. Miss na miss ko si Mommy pero di ko naman aasahan na dito pa kami mag kikita.
"Hindi ko masasabi, hintayin nalang natin kung anong oras sya magkaka malay. Just pray, Georgina. Everything will be okay. I have to go."
"Thank you Doc. Martinez." Sabi ni Paolo at isang tap sa balikat ang binigay sakin ng Doctor.
Yes, si Paolo ang kasama ko. After I read the messages agad nya rin nabasa 'to kaya dumiretso kami dito sa Makati Medical Hospital, Sakay ni Fox, Hindi naming nagawang magpaalam dahil sa sasabog na ang dibdib ko sa pag aalala. Nagtext sakin si Yaya Desi, ang 20 years na naming kasambahay, na inatake daw si Mommy at dinala sa Makati Medical Hospital kaya sa byahe palang ay wala ng humpay ang iyak ko, reminiscing sweet memories with mom.. hindi ko kayang mawala sya.
Oo matagal na akong wala sa puder nya pero yung malaman ko na okay at maayos sya ay masaya na ko. Hindi ko lang talaga kinakaya ang mga sermon at pag pigil nya sa gusto ko.. Sobrang mahal ko si Mommy dahil sya ang nag mulat sakin na maging matapang sa buhay.. Tho Daddy's girl ako, mas lagi kong kasama si Mommy dito sa Pinas.
Kasalukuyang naka yakap sakin si Paolo, Nakalagay ang mukha ko sa dibdib nya and he doesn't care na basang basa na yun ng mga luha ko.
"George! What happened! Bakit bigla ka nalang umalis ng hindi nag papaalam-" Biglang bumukas ang pinto at si Edward na sumisigaw ay natigilan, nag lipat pa sya ng tingin samin ni Paolo at kay Mommy..
"Sorry.. What happened?" Dagdag nya. "George.. Are you okay?" nandito na rin si Madi. I mean, silang lahat. "I'm not okay.."
"Maging malakas ka para kay Tita Nerri, nandito lang kami." One comfortable tap from Cassey.. Bumitaw na ako sa pag yakap kay Paolo dahil nakita kong ikinuyom ni Edward ang kamay nya.. I rolled my eyes. At dinedma sya. "Thank you girls, hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko pag nawala kayong lahat sakin.." Then all my girls hugged me.
"Lalabas muna ko, ako na bahala sa bills." Declare ni Paolo.
"No, I can do it."
"George, Let me. Kami ang may ari ng hospital na 'to, kaya please, ako na ang bahala." Natulala ako sa sinabi nyang yon, isang ngiti ang iniwan nya at umalis na. Even my girls were shocked.
Lumabas na silang lahat para makausap ko si Mom, gusto ko na syang magising at humingi ng tawad..
"Call us if you need something." Pahabol ni Edward at tumango lang ako..
Umupo ako sa tabi ni mommy at hawak ang kamay nya habang lumuluha. Kung pwedeng ako nalang ang nasa posisyon nya.. Kung ako nalang sana ang nahihirapan.. "Mom, I'm here. Magpagaling ka please, I need you mommy.."
BINABASA MO ANG
Love Story from Mom's Diary
RandomWould you love the right man in a wrong time or wait the right time to love a wrong man? That's how Georgina Morris deal with her love life. Follow her Bitter-Sweet journey! Plaisir de vous rencontrer, Merçi! Kwishasevewino x