At Prado's Mansion.
Cakes. Ice cream. Pizza. Pringles. Ridges. Lays. and many more.
"So are you trying to sabotage my diet?" I said while holding my tummy. Temptations!
"Yes. Explain why all that shit happens."
"Kryz, you know, even me, hindi ko maisiksik sa kokote ko ang mga nangyari. Sobrang bilis. Ang alam ko lang, paglabas ko ng mansyon ganito na!" I eat a spoonful of mouthwatering ice cream.
"How come? Basta, ikuwento mo lang kung pano, paano kayo nagkita ni Farrah, ano yung video? At pano kayo naging mag ON!" Halatang gigil sila. Okay, here comes the reality.
"Pumunta ako sa condo ko, binuksan ko din yung condo ni Edward to check if his password was correct, nakalagay kasi 'yun sa wallet nya na naiwan sa condo ko, bago tayo mag beach.." Bite an overload topped super thin pizza from Shakey's.
"And then??"
"Ayun, nag access, then bumalik ako sa condo at gumupit ng picture ko sa beach, at nilagay ko sa wallet nya. Pupuntahan ko na sana sya, para makipag usap ng ayos, at ibalik yung wallet nya. To make things clear about us, dahil nalaman kong intimidated sya sakin at may gusto pala sya sakin. Then ayun, narinig ko ang boses ni Farrah begging for him na balikan sya.." Sumubo ako ng cake..
"Stop that! Ituloy mo na!"
"Gusto nyong sirain ang diet ko diba?"
"Go ahead! Mamaya na yan!"
"So eto na nga, hindi ko na alam ang gagawin ko, kung mag baback out na ba ako pero ayaw naman ng tuhod ko. Kaya automatic kinuha ko ang fone ko and I start recording them. Tapos yung sinabi ni Edward na darating yung Girlfriend nya, nataranta ako, kaya bigla kong natulak yung pinto. Pare parehas kaming nagulat. Pero mabilis akong nakaisip ng sasabihin at naki ride naman 'tong si Edward. Ayun, walk out ang lola nyo nung tinawag kong Hubby si Edward, It's kinda kadiri yung endearment na yon, pero yun agad yung nasabi ko kaya wala ng bawian. At sinamantala ni Edward yon, dineclare nyang kami na. Bumalik ako sa condo na inis na inis dahil palpak ang plano ko."
"Oh my.." Naomi.
"Twist of fate.." Kryz
"I can't believe it. Sa movie ko lang napapanuod yun.." Avery
"Ang galing mo tumayming.." Cassey
"Intimidated sya sayo?!" Madi.
"Yes, yes, yes at isa pang Yes!" Binuksan ko na ang snacks. Tsk. Bad fingers.
"Kaya ba pumunta agad sya sa office ni Eward at nagdala pa ng media? E tanga't kalahati pala sya talaga!"
"Definitely, Kryz."
"Pano mo nalamang may gusto na pala sya sayo?"
"Oh, Madi, I owed it all to Red. Kailangan kitang ibayad sa kanya, please say yes."
"HOW DARE YOU!!!!"
And all of us, laughing so hard.
"I'm so sorry! Alam ko namang ikaw ang kahinaan 'non! Please forgive me." Hindi ko alam kung pano pakalmahin si Mad. "Sobrang RED na ng mukha mo."
We laugh until our stomach aches, dinidiscribe ko kasi kung anong reaction ni Farrah, at kung gaano sya katanga at kung pano sya napahiya.
"Ikaw na talaga, instant hunk boyfriend, And I bet, babalik ka na ulit sa spot light! Cheers!"
"Cas! San mo kinuha yan!" Sigaw ni Mad.
"Sa kitchen nyo." Bigla lang naman nyang kinuha sa likod nya ang isang pail ng San Mig Light, Carlo Rossi, Tequila and Whiskey.
BINABASA MO ANG
Love Story from Mom's Diary
AcakWould you love the right man in a wrong time or wait the right time to love a wrong man? That's how Georgina Morris deal with her love life. Follow her Bitter-Sweet journey! Plaisir de vous rencontrer, Merçi! Kwishasevewino x