Kung minsan nakakatakot maging masaya kasi maya maya lang, nandyan na naman ang kalungkutan. Papalibutan ka.. kakainin ng takot mo.. mawawala ka.. lulubog sa kawalan..
Hanggang sa makikita mo nalang ang sarili mo sa ibang dimensyon ng buhay..
"Wait, bakit nariyan ako? Ako yan diba? Bakit ako nakahiga? Anong nangyayari? Bakit walang kumakausap sakin? Nakikita ko sila pero malabo. Naririnig ba nila ko, Saan ako nang galing?" Natatakot ako sa nakikita ko. Ayokong maniwala..
"Nerissa?" Si Eduardo, kilala ko ang boses na yon. Nandito siya.. kasama ko siya.. sa wakas.. may nakarinig sakin.. pero bakit? Bakit kami lang dalawa?
Wala akong maalala. Ang alam ko lang, masaya ang kahapon ko, buong pamilya, masayang tawanan nang mga kaibigan ko. At siya na kasama kong lumaban sa buhay.
Teka, tama ba ko.. hindi.. hindi maaari.. marami pa kong pangarap para sa anak ko. Sasaya pa kami ni Eduardo. Yung kami lang, walang iba. Walang problema.
Pero paano ko nga namang malalaman ang halaga ng buhay kung walang problema? Hangga't nabubuhay ka, susundan ka ng mga yan, problema, kalungkutan, pagka lugmok, kasiyahan, pag ibig, pag hihirap. Ikaw na ang bahala kung saan ka magtatagal.. pero hindi. Hindi ko pa oras.. mali 'tong nakikita ko..
BINABASA MO ANG
Love Story from Mom's Diary
RandomWould you love the right man in a wrong time or wait the right time to love a wrong man? That's how Georgina Morris deal with her love life. Follow her Bitter-Sweet journey! Plaisir de vous rencontrer, Merçi! Kwishasevewino x