3~Back Off! She's mine!~

49.3K 1K 36
                                        

Paalala: Itong istorya na ito ay nagawa pa noong taong 2014. Ito ay produkto lamang ng malikot na imahinasyon. Walang katotohanan. Ngayon kung naghahanap kayo ng totoo doon kayo sa non-fiction. Fiction po ito. Fiction! Salamat po.

~Kristan~

As expected, wala pang 5 minuto nakarating na siya sa Steeve Club para sunduin ang girlfriend.  Nakatshirt lang siya ng puti na may tatak na SWAT. Hindi siya sanay sa mga pang formal na damit kaya pagkatapos ng operation tinanggal na niya iyon at sinuot ang t-shirt.

Pagpasok niya sa loob, agad siyang nakilala ng mga tao doon at awtomatikong nagbigay galang ang mga empleyado at yumuko. Hindi nalang niya pinansin ang mga ito.

Iniikot niya ang kanyang paningin ng maagaw ng kanyang pansin ang babaeng sumasayaw sa gitna ng dancefloor.

"Fuck! Is that my girlfriend?"

Lalapit na sana siya dito para yakagin na itong umuwi pero may naunang lumapit ditong lalaki at nakipag-usap. Biglang uminit ang ulo niya ng makitang pina-ikot ng lalaki ang kamay sa bewang ng girlfriend.

What the heck!

Nakita niyang nagpumiglas ang kanyang girlfriend pero mas lalo pa atang uminit ang kanyang ulo ng makitang hinihila nito ang nobya palayo.

Napansin na siya ng mga tao at kaagad na nakilala.  Siyempre, sikat kaya siya. Kilala siya bilang Commander ng SWAT. Sa dami ng mga natitimbog nila palagi silang nasa balita.

Ouchhhhhhhhh Narinig niyang sigaw ng kanyang nobya kaya lalo pang uminit ang kanyang ulo at mabilis na lumapit.

"Hands off"

Napasinghap ang mga tao sa paligid. Natigilan din si Megan at tumingin sa kanya. Nakita niyang nangislap ang kanyang mata pagkakita kay Kristan pero agad din sumimangot.

"Who the hell are you?" Maangas na tanong ng lalaking mukhang zombie sa puti.

"What? Is he joking? He doesn't know Kristan?! Like seriously?"sabi ng isang babae.

"He is definitely dead!" sabi pa ng isang lalaki.

"Babe, he said you're an ass!" sumbong  ni Megan kay Kristan.

Sininyasan niya ang dalawang bouncer na mabilis namang tumalima at hinawakan ang lalaki saka pwersahang hinila pataas sa isang pribadong silid ng naturang Bar.

"Where are you taking me!" Nagpupumiglas na sabi ng lalaki habang napapa-iling nalang ang mga tao.

Mabilis na kinuha ni Kristan ang kamay ng nobya at sumunod na rin sila pataas.

Nang makapasok sila isang VIP room agad nilang pinaluhod ang lalaki.

"Tsk tsk tsk.You don't know me? You want me to introduce myself?" tanong ni Kristan dito. Nakita niyang nangangatog na ito sa takot dahil unti unti ng pumapasok sa makitid na utak nito kung sino ang binangga niya.

Naglalambing na yumakap ang nobya sa kanyang bewang.

"He also said, you're stupid for not being with me babe. And he said he is more handsome, he got more abs and better than you! Hhmmm. And he also said you're nothing but a crying mama." pagsusumbong ulit ng girlfriend.

What?

"Hey! I didn't say that!" saway ng lalaki kay Megan.

"Are you saying that amalayer?!"gulat na tanong ni Megan

Muntik pang  matawa si Kristan sa itsura ni Megan dalhin parang gulat gulat talaga ito sa sinabi ng lalaki.

"Babe, he also said you are so ugly and you are no good for me because I am so pretty." patuloy pa nito.

"You said that?" kunwaring galit na tanong ni Kristan dito para sakyan ang tupak ng nobya.

Pigil ang tawa niya habang kitang kita kung paano manginig sa takot ang zombie na ito at mula sa peripheral vision niya napansin niyang lumalawak na ang ngiti ng isip bata niyang girlfriend...Haha

"I'll give you 5 seconds to save yourself."

"What? Are you serious?! Look I'm sorry okay!" pagmamakaawa nito.

"Tsk.....1....2......"

Nang magsimulang magbilang si Kristan ay mabilis nang tumayo paalis ang lalali.

Yinakag niya na ang girlfriend  paalis sa lugar na iyon.

Nasa parking lot na sila ng magsalita uli si Megan

"Hoy, magaling na lalake! Akala mo nakalimutan ko na ang atraso mo ha!" sabi nito habang pinapaliit nito ang mata na nakatingin Kay Kristan

"Ayst! Naloko na. Naalala pa kasi eh..."mahinang sabi nito habang kinakamot ang batok.

"Anong sabi mo?! May papromise promise ka pang nalalaman hindi ka naman pumunta! Umasa lang ako! Muntik pa akong mapahamak!" madramang sabi nito.

Bigla naman umasim ang mukha ni Kristan kaya natigilan si Megan. "Subukan lang nilang galawin ka akong makakalaban nila!"seryosong sabi niya dito

Agad na yumakap si Megan dito. "I hate you! Bakit kasi di ka pumunta!"

"Tandaan mo, wag na wag ka nilang sasaktan dahil ibang usapan na iyan. Kaya matakot sila" seryoso paring sabi ni Kristan dahil totoo iyon. Isang Megan lang ang nagpapalambot sa kanya.

"Oo na! Kiss mo nalang ako para bati na tayo!" sabay nguso nito sa harap ng nobyo

Napangisi naman si Kristan and he grab her and kiss her torridly. Nabigla  si Megan pero nakabawi din at gumanti na rin ng halik.

-Due to some comments of some people I have change the plot a little bit. Nawawala ata sila dapat doon sila sa non-fiction. Fiction po ito. Fiction!

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon